Buti nalang at first day. Hindi kami nahuli ni Gab sa klase! At ang saya ko dahil mag classmate kami ulit. At syempre, seatmates din kami :)
*riiiiiiiiiiiiiiiing*
"Yes! Break time na! Ano Gab? Dating gawi ba?"
"Alam mo ikaw kahit kailan ka. Ang laki na siguro ng alaga sa tsyan mo no?"
"Ihh sige na :( Gutom ako eh!"
Sugood! Baked mac, cheese pimiento sandwich, hotdog, coke at siempre ang favorite kong KitKat for dessert!
*burp!*
"Alanya ka talaga Georgina! Naunahan mo na naman akong makakain! Babae ka ba talaga?"
"Eeh sa di ko na kasalanan na para kang Maria Clara kumain.. *burp"
"Huy mahiya ka nga. Makapag burp ka naman dyan parang walang bukas. Saka babae ka pa din. Kaya walang nanliligaw sayo eh.."
"Eeh sa busog ako eh. Sarap kaya. At saka sino naman nag sabi na magpapaligaw ako? Wag na uy. Mga lalaki? Gagaguhin ka lang nang mga yan. Tss."
"Eeh kung tigilan mo na kaya ang kaka eeh mo dyan. Saka hindi naman lahat ng lalaki ganun noh.. May mga mababait naman. Gwapo pa! Matalino matangkad.."
"Wow Gab bigat! Ang mga lalaking ganyan sa panahon na to.. malaki ang chance na paminta. Saka wooow grabe ha. Makapag salita. Bakit Gab? Paminta ka na din ba? Hahaha >:D"
"Tigilan mo ngako! ~halikan kita dyan eh~"
"Ano ano?"
"Walaaaa! Tara na late na tayo."
Ay bastos. Iwanan daw ba akong mag isa. Hmmn. ano kaya yung binubulong bulong ng mokong na un? Parang bubuyog. Haay nako Gab pasalamat ka at cute ka! Arg.
ASHLEIGH'S POV
Umagang umaga pinatawag agad ako ni Dad to rush para bumaba.
Ano na naman kayang gusto nun? Nakaka badtrip naman eh. Tinatamad nga akong pumasok ngayon eh. Nilipat kasi ako ng school. Buti nalang yung tropa ko lumipat din kasama ko.
Hays. No choice. Bababa nalang ako.
"Good morning Dad"
"Oh you're here. Sit. we have some serious matter to discuss."
I think I won't like this.
"Siguro nag tataka ka why I had you transferred. Well, as you remember, you had an agreement with your late Lolo.."
Naka tingin lang ako ng seryoso sakanya.
"..and as it is, you are to marry the granddaughter his best friend. This girl studies in the school kung saan kita nilipat.."
I stood frozen. Nanlaki ang mata ko. Pero di ako mKa imik. Full of authority si Dad and I can't interfere while he talks. Kaya dapat akong mag antay kahit na kating kati na ang dila ko mag salita.
"I want you to meet her. Get close to her. And this is what I've thought of. I'm not sure kung magiging cladsmates kayo but I will fix everything.
I'm not expecting any positive comments from you. But, you know you have to do this.
You promised your grandpa na gagawin mo kahit ano man ang last wish nya.
Pls don't let me down.."
Nanatili akong walang imik sa kinauupuan ko.
Close kami ni Lolo kaya ng mga huling sandali nya ay may hiningi sya daaking pabor.
Hindi ko alam kung ano yun ngunit umoo pa din ako.
Pero somehow, inaasahan ko na to.
Hindi naman na bago ito.
This happens sa mga pamilyang katulad ng saamin.
Bussiness marriage.
Ewan ba. Parang sa field na to hindi naman uso ang love.
Kala nyo masarap magkaroon ng marangyang buhay?
Pues nagkakamali kayo.
Ito, isa lang ito sa perks.
Nakatingin sakin si Dad and I can see na nag aalala sya.
Alam kong laging alanganin sya sakin.
He always looks at me like I'm some dissapointment or something.
No, I've never caused trouble. Reserved akong tao.
Pihikan. Pino. OC.
Madalas ang tingin sakin bakla.
Walang nangahas mag tanong. But I can read it in their eyes.
Alam ko madaming nag iisp na I might be gay.
I don't date. I reject girls and yes, I don't court because they do the job for me.
Pero kahit isa wala akong babaeng nilapitan o pinatulan.
This made my mom worried kasi feeling ko sya din is in doubt of me.
Ayaw ko man gawin to, but I think I have to.
"I don't think I can marry her..
I saw the puzzled look on Dad's eyes. Wala syang imik and he let me continue..
This might save me from everything. And maybe not.
Pero sabi nga nila diba, seize the day.
Kaya.. here goes nothing..
"Dad I'm.. gay."
----------------------------------------------------------------------------------
IMPORTANT NOTE:
First of all, I will have to tackle an issue na baka maging sensitive sa ibang readers. I'm saying this kasi baka some might find it offensive. Syempre iba ibang opinion meron tayo. Kaya I want to clear everything up.
Paliwanag lang po. I have nothing against gay people. I salute them for they stand for what they want. I also want equal rights for them sa totoo lang kasi may friends and family ako na gay.
I hope this story will not bring any offensive matters or whatsoever. Hindi din naman po magiging descriminative ang plot promise ko yan.
At pangalawa, sana basahin nyo ito. Yun na lang :) Haha.
Short update noh? Bawi ako. Mejo lame din. Haha. madaling araw na kasi cp lang gamit ko. kaya sorry po sa typos or whatsoever.
Vote and comment :)
BINABASA MO ANG
My Undercover Lover
Teen Fiction21st century na, pero ang arranged marriage uso pa ba? Eh pano kung ikaw mismo ang naglagay sa sarili mo sa sitwasyon na yun? Eh worst e pano kung yung taong yun pala e may tinatagong malaking sikreto, kakayanin mo kaya? Cast: Jang Keun Suk as Ashl...