GAB'S POV
Ilang araw naring naging mailap saakin si George. Hindi ko alam kung bakit pero kinabukasan ng first day ng school namin, she had a weird aura. Parang walang gana na dissappointed na ewan.
I tried to reach out at pinilit ko syang sabihin sakin ang problema nya pero wala eh. Puro "ok lang ako" ang sinasabi nya.
Napansin ko din minsan iniiwasan nya ako. Praning lang siguro ako pero badtrip kasi eh! From Tuesday hanggang ngayon, Friday na wala pa din.
Kaninang first subject nga iniwasan nya ako. Usually naman sa tabi ko sya umuupo pero kanina andun sya sa may pinto umupo.
Wala naman akong naalalang ginawang masama sakanya. Ah.. Siguro meron sya. Haha!
Inaabangan ko din sya sa labas ng school para isabay sya pauwe pero mukhang talagang tinataguan ako. Kahapun wash day namin eh tuwing wash day kasi maaga din ang labas namin kaya lagi nag mamadali yun palabas ng school para takasan ang driver nila para makapunta kami ng mall. Almost 4 hours na after ng dissmisal wala pa rin sya kaya napag pasyahan ko ng umuwe. Namuti na ang mata ko kaka antay pero wala!
Eto ako ngayon.. mag isa sa cafeteria. She's five tables away from me. Mag isa din sya.
Sige na nga. Sabi nga, ang pride parang panty, walang mangyayari kung hindi ibababa.
"Hi Miss Beautiful. Pwedeng patabi?"
"Pwede ba Gabriel wala ako sa mood makipag biruan."
"Hindi naman ako nag bibiro eh..maganda ka naman talaga."
Oops. Teka. Sumobra ata. Nag iba ang aura nya. Nakatulala nalang sakin. Nako patay baka mag wala to. Ayaw nya kasi na sinasabihan sya ng mga ganyan.
Nasabi ko na yan sakanya nuong mga bata pa kami nagalit tlga sya.
Hay Gab! Dika talaga nag iisip..
GEORGE'S POV
"Hindi naman ako nag bibiro eh..maganda ka naman talaga."
Alam nyo yung feeling na para kang binuhusan ng malamig na malamig na tubig tapos para ka ng naging bato?
Ganun. Ganun ang naramdaman ko.
"Hindi naman ako nag bibiro eh..maganda ka naman talaga."
"Hindi naman ako nag bibiro eh..maganda ka naman talaga."
"Hindi naman ako nag bibiro eh..maganda ka naman talaga."
"Hindi naman ako nag bibiro eh..maganda ka naman talaga."
Parang pirated na CD na nag eecho sa utak ko ang mga sinabi nya.
Usually nagagalit ako pag sinasabihan ako ng maganda. Si Gab sinabihan nya na ako nito ng mga 13 palang kami at sa sobrang galit ko ng pumunta sya sa bahay para mag sorry sinumpit ko sya ng tubig at umuwe syang parang basang sisiw.
Pero ngayon, feeling ko nag rush ang dugo ko papunta sa cheeks ko. Kakahiya :S
"Huy George sorry diko sinasadya. Uy! Galit ka ba?"
Para akong natauhan ng pinindot nya ung ilong ko.
"Ha? Ah eh ano. Wala. Hindi. Ah sige mauna na ako."
Enebeyen! Nakakahiya naman.
Kumuripas ako ng takbo palabas ng cafe ng biglang may humatak sa kanang kamay ko.
BINABASA MO ANG
My Undercover Lover
Teen Fiction21st century na, pero ang arranged marriage uso pa ba? Eh pano kung ikaw mismo ang naglagay sa sarili mo sa sitwasyon na yun? Eh worst e pano kung yung taong yun pala e may tinatagong malaking sikreto, kakayanin mo kaya? Cast: Jang Keun Suk as Ashl...