Nathalia's POV
" Nathalia!?, hey, are you ok?" tinapik-tapik ako ni Art. Nakatulala na pala ako.
Tumango na lng ako kay Art. Inayos ko ang pagkakaupo ko at tumingin ng deretso kay Jonathan.
" Ano ang ibig mong sabihin?" walang emosyong tanong ko sa kanya.
" Well, wala naman tayong nararamdaman sa isa't isa. Our marriage is for convinience only." kibit balikat nyang sabi, parang sinasabi nya na dapat alam ko na ang mga bagay na iyon.
" Gusto ko malaman ang totoong dahilan mo at sana wag muna akong gawing tanga." mahina pero madiin kong sabi.
alam ko naman ang dahilan gusto ko lang talaga marinig mula sa kanya ang totoo, pakiramdam ko kasi mas mababawasan ang sakit at mas matatanggap ko ang paghingi nya ng annulment.
"Fine, gusto ko na makasama ang mahal ko, ang buhay ko. Bawat araw kasi na kasama kita ay parang pinagtataksilan ko siya. Tama na yung tatlong taon na pagsasakripisyo ko na kasama ka, napagbigyan ko naman na ang mga magulang ko. and Im sure na marami ka na ding nakuhang pera sa pamilya ko." galit na asik nya sakin.
So ganun pala ang iniisip nya tungkol sakin,isang gold digger. Pano nya nasasabi ang mga ito, alam nya sa sarili nya na wala akong kinilukuha na kahit anong yaman nila pwera lang sa pinanggamot sa dengue ni tatay at ang puhunan na binigay ng magulang nya sa parents ko.
"JONATHAN!!! Sobra na yang sinasabi mo!" Galit na sigaw ni Art sakanya, sa mga nalaman ko nakalimutan ko na kasama pa pala namin sya.
"What? yun naman talaga ang totoo diba, She is a gold Digging bitch! Im sure, she manipulated my parents to trap me into this marriage to get what she wants , now Angel is suffering to all of this shit!"
Napa-smirk ako ng marinig ko ang pangalan na binanggit nya, so Angel pala ang pangalan ng mahal nya. Sa lahat ng sinabi nya yun lang ang tangi kong napansin. At di ko alam na kaya nyang sabihin ang mga ganong bagay, sa 3 taong pagsasama namin kinakausap nya lng ako pag may itatanong syang importanteng bagay o kaya pagkasama namin ang pamilya nya kaya di ko alam na ganun ang tingin nya sakin. Sa kabila ng lahat di ko pa din kaya magalit sa kanya, mahal ko pa din sya, di ko alam kung kelan to mawawala, pero kaylanagn ko ding ipagtanggol ang sarili ko.
Bigla akong tumayo at tinitigan ko ng masama si Jonathan, ganun din si Art.
" Ano ang karapatan mong insultuhin ako!? wala kang alam tungkol sakin, ni hindi mo nga alam ang birthaday ko e, kung makapagsalita ka kala mo kilalangkilala mo na ako!." may talim na pagkasabi ko habang nakatingi sa kanya ng masama.
"So..." bago pa nya matuloy ang sasabihin nya ay pinigilan ko na sya.
" Tumahimik ka! kanina ka pa nagsasalita kaya ako naman ngayon. Alam mo ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng masasakit na bagay kala mo ikaw lang din ang nag sakripisyo, ako din naman, ah! Pwede ba deretsohin mo ako kung ano ba talaga ang problema mo! ok naman tayo kagabi ah, bakit nag kakaganyan ka? Kung iniisip mo na nahihirapan na ung kabit mo pwes nahihirapan din ako!" tumataas na ang boses ko ng sinasabi ko iyan lahat sa kanya.
" Wag na wag mong maiinsulto si Angel, kumpara sayo, isa syang mabuting babae, you are nothing compare to her. At tinatanong mo kung ano ang ginawa mo? Isa kang gold digging bitch, katulad ng ibang mga babae na pinipilit ang sarili na mapabilang lang sa pamilya namin at para yumaman. Well, your wrong bitch dahil mag hihiwalay na tayo." Galit na galit sya habang dinuduro ako.
" Jonathan please kumalma ka nga muna! kaw din Nathalia, kumalma ka. Pag-usapan natin to ng maayos! Walang mabuting mangyayari kong mag susumbatan kayo at maglaitan" pag-aawat ni Art samin.
Nangmakita nya nakumalma na kami ay umayos na sya ng upo at may kinuhang papeles sa kanyang bag.
Gusto ko punitin ang binigay nyang papel sakin, Its the annulment papers.
Binasa kong mabuti ang nasa annulment papers. DI ko pa kayang magdecide ngayon. Sa mga nangyari kanina parang napagod na ko, nawalan ng lakas.
" All terms will be favorable to you Nathalia, just sign the papers and we can all go and live our lives, happy and with contentment. Jonathan can be happy with Angel and you will get an ample amount of money with lots of property."
Tiningnan ko si Art pati na rin si Jonathan. Nagtutubig na ang mga mata ko, ayaw ko umiyak kaya kinurot ko ang binti ko para mapigilan ang pagtulo nito.
I feel betrayed, magkaibigan nga sila, pinag kakaisahan nila ako. Akala ko kaibigan ko si Art, hindi pala. Tumayo ako sa upuan ko,niligpit ko ang mga papel sa harap ko.
" Bigyan nyo ako ng isang linggo para makapag desisyon." nakayuko kong sabi. di ko kasi alam kung kaya ko pa pigilan ang mga luha ko.
" Bakit kaylangan mo pang pag-isipan? Panalo ka na sa mga nakalagay na pera at ari-arian dyan, wag ka na mag-inarte at pirmahan mo na para matapos na tayo." galit nanamang sabi ni Jonathan sakin.
Nag-angat ako ng mukha at tiningnan ko sya. Natulala sya ng makita na umiiyak na ako.
" Please, kahit ito lang pagbigyan mo naman ako." Hindi ko na hinintay ang sagot nya sakin. Agad akong umalis sa opisina nya. narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Art, pero di na ako lumingon at mabilis na tumakbo papunta sa regular na elevator ng mga employees.
Simula sa elevator hanggang paglabas ay maraming tumitingin sakin dahil basang basa ang mukha ko ng luha. Pumara na ako ng taxi, at basta pinagdrive na lng sya kung saan, di naman na sya nag reklama at sinunod ako.
"Ma'am, ito po tissue, oh" inabot sakin ng taxi driver ang tissue. tinanggap ko na lng ito at di na nagtanong pa.
"Tha.thank y .you p.po" humihikbi na sabi ko.
Napakasakit, para akong pinapatay. Simula sa lahat ng nalaman ko, hanggang sa pagpapapirma nila sakin ng annulment papers. Hindi ko na din napigilan na maging mahina.
Alam ko naman na ayaw nya sakin, pero bakit nya pinaramdam sakin na mahal nya ko nung gabing iyon. Ang tanga ko kasi eh, umaasa lng ako, wala naman syang sinabi na mahal nya ako. And for sure yung Angel yung naiisip nya ng ginagawa namin yun.
Masakit pero kaylangan ko mag desisyon pagkatapos ng isang linggo. Sa ngayon kasi nasa gitna ako ng mahalin sya o pakawalan sya. Whatever my decision is, I hope it is all worth it.

BINABASA MO ANG
Love Me
General FictionMahal kita pero may mahal kang iba. Masakit man pero kaylangan na kitang pakawalan dahil alam kong hindi mo ako mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Hinihiling ko lng na pagkatapos ng annulment natin hindi n tayo magkita dahil para akong pinap...