Nathalia's POV
Nang nagising ako , naramdaman ko ang sakit down there, pero ganun pa man masaya ako dahil sya ang naka-una sakin. pagtingin ko sa orasan 8:23am na pala.
Kinapa ko ang kama para malaman kung natutulog pa sya pero laking pasasalamat ko na wala na sya dun, nahihiya pa din kasi ako sa mga pinag gagagawa namin kagabi.
Baka nasa kusina yun at kumakain na, hihihi, sa totoo lang kinikilig ako pagnaalala ko ang nangyari samin at the same time kabado din sa susunod na mangyayari.
Nag-ayos muna ako bago bumaba. Pag dating ko sa kusina walang tao. Wala ring nakahanda na pagkain.
" hmm? Siguro na sa sala lang sya." Pagkausap ko sa sarili habang nakahawak ang kamay ko sa baba, na parang nag-iisip.
Dumiretso ako sa sala at wala pa din akong nakitang Jonathan doon. kaya naisipan kong halughugin itong bahay, nagbabakasakaling nandito lng sya at di ako iniwan pagkatapos ng nangyari kagabi.
"Siguro nasa office na sya ngayon, *sigh*, akala ko may magbabago na, wala pa din syang pake sakin" Lintanya ko habang nakaupo sa sofa.
Dahil dito lng naman ako sa bahay,maglilinis na lng ako.
Ang totoo nyan isa akong CPA, tumigil lang ako sa pagtatrabaho dahil ng nagdecide ang parents ni Jonathan na ikasal kami.
kasama sa kondisyon na tumigil ako sa pag tatrabaho; kaya naman daw akong buhayin ni Jonathan, mayaman kasi sila. Di ko nga kung bakit gusto nilang matali si Jonathan sakin. Mahirap lang naman kami, si papa dating security guard, si mama naman isang labandera.
Ang sabi sakin ng magulang ni Jonathan ako daw ang perfect wife para kay sakanya , wag na raw akong mag tanong kung bakit.
Sa una tutol talaga ako sa kasalang pinag sasasabi nila pero nag kasakit si papa ng dengue kaya tinanggap ko na alok nila. Di alam ng magulang ko na arrange marriage lng ang pagpapakasal samin ang alam lang nila ay nag mamahalan kami kaya kami nagpakasal.
Sa totoo lang gwapong-gwapo ako kay Jonathan nung una ko syang nakita, kaso lang di ko pa sya type nun kaya di ko sya masyadong pinapansin at ganun din sya sakin.
Nang kinasal kami, family and close friends lang ang invited. Gusto ko kasi simple lang at ganun din naman si Jonathan kaya pumayag na ang parents nya kahit gusto nila ay engrande na wedding. Well, magisang anak lng kasi si Jonathan kaya ganun na lang ang kagustuhan ng magulang nya na engrande ang kasal namin.Ito namang bahay na to ang regalo samin ng parents nya.
kakatapos ko lng mag linis ng tumunog yung telapono namin which is new kasi wala namang tumatawag dyan, kala ko nga display lang yan dito sa bahay, eh.
huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang telepono. " Ramirez residence, hello?'
"Yes, hello Mrs. Ramirez,this is Attorney Sanchez, Your husband, Mr. Ramirez would like to speak with you with regards to some legal matters, say this lunch at his office?" Sabi ni attorney, kilala ko sya sya ang attorney/ friend ni Jonathan. Di ko tuloy maiwasang mapaisip, dahil sa napakaformal ng tuno ni Art, siguro may stress lng sa kompanya.
" ok, attorney I'll be there po." Formal din na sagot ko. Di ko na rin sya tinanong tungkol sa problema nya alam ko namang kaya nya ang sarili nya.
" Ok then, see you in a while Mrs. Ramirez, bye." paalam nya at binaba na ang telepono.Nag punta na ako sa kwarto para mag ayos na dahil 10:36 am na.
Excited na kong makita ang asawa ko. Ang pinag tataka ko lng ay bakit kaylangan nya ako kausapin tungkol sa mga legal matters.
Hindi ko na muna inisip yung mga bagay-bagay ang mahalaga sakin ay makikita ko na ang asawa ko.
BINABASA MO ANG
Love Me
General FictionMahal kita pero may mahal kang iba. Masakit man pero kaylangan na kitang pakawalan dahil alam kong hindi mo ako mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Hinihiling ko lng na pagkatapos ng annulment natin hindi n tayo magkita dahil para akong pinap...