Nathalia's POV
Nagising ako na masakit ang ulo at tanda ko lahat ng ginawa kong kagagahan.
Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas.
"Good morning ma'am. Ako nga po pala si Jasmine, maid po ako dito at ito na po ang damit mo. Ready na din po ang breakfast."
Nagpasalamat ako sa kanya at sinabing susunod na lang pagkatapos ko mag-ayos.
Nadatnan ko si Jasmine na nag-iisa sa dining area kaya lubos ang pasasalamat ko na umalis na si Jonathan.
"Um... Jasmine, asan pala si Jonathan?"
"Naku, mam nauna na po sa convention hall si sir, sumunod na lang dw po kayo dun kapag ok na yung pakiramdam mo."
Ngumiti na lang ako sa kanya at nagsimula nang kumain. Niyaya ko syang sabayan ako pero tumagi ito dahil kumain na dw sya kaya hinayaan ko na lang. Tumingin ako sa orasan, 10:34am na pala binilisan ko na lang ang pagkain at nag-ayis na para makahabol sa convention.
Tinawagan ko muna ang anak ko para kumustahin bago ako tuluyang pumasok sa loob ng convention hall.
"Bye, baby. I Love You" I ended the call ng may nagsalita sa likuran ko.
"Who's that? Your Boyfriend?" tanong ni Jonathan sakin na nakakunot ang noo.
"It doesn't concern you, sir. Papasok na po ako sa loob." poker face ko syang sinagot at pumasok na sa loob para maitago ang kaba ko.
Natapos na ang 2nd day ng convention. Nagkwentuhan kami ni Carlo habang kumakain ng dinner. Nalaman kong bread winner pala sya wala pang asawa pero may girlfriend, yung receptionist sa Harris Inc. at magpopropose na daw sya.
Habang nagkikwentuhan kami kanina ko pa din nararamdaman yung mga titig ni Jonathan. Sa totoo lang naiilang ako sa kanya pagkatapos ng nangyari kagabi at kaninang umaga. Natatakot akong malaman nya na may anak kami, hindi pa ako handa na ipaalam sa kanya dahil baka kunin nya si Joshua sakin at di ko yun kakayanin.
"Ms Andalos, I need you in my room after your dinner, di mo pa natatapos yung mga pinagawa ko." sabi ni Jonathan ng lumapit sya samin ni Carlo.
"Sasabay na po ako sayo, sir, tapos na din po kasi ako kumain." tumayo na ako, inayos ang mga gamit ko at nagpaalam na kay Carlo.
"Sir, may maitutulong po ba ako sa inyo para mapabilis ang trabaho." presenta ni Carlo
" No, it's ok.kaya na namin ni Ms Andalos, you can take your rest after your dinner. Let's go Ms Andalos." pagtanggi ni Jonathan at ang kinagulat ko pa ay ang paghila nya sakin. Maging si Carlo gulat dun ang reaksyon pero agad ding ngumiti at kinawayan ako.
Nandito na kami sa loob ng elevator at hawak pa din nya yung kamay ko.
"Um ... Sir, yung kamay ko po." pilit ko na itong tinatanggal pero ayaw nya itong bitawan.
"Stay still, malapit na tayo sa room ko." sabi nya na nakatingin lng ng diretso.
"Di nyo naman po kelangan hawakan yung kamay ko, SIR." pinagdiinan ko na yung sir kasi baka nakakalimutan nya na boss ko sya at hindi boyfriend pero NR pa din sya kaya hinayaan ko na lng sya.
Nakarating na kami sa room nya ng bitawan nya yung kamay ko at marahas na humarap sakin.
"what's wrong with you? You have a boyfriend tapos nakikipaglandian ka pa!"
Di makapaniwalang tinignan ko sya.
"Mawalang galang na po pero Personal ko na buhay na ang pinapakialaman ninyo."
Ngumisi sya sakin na parang nanunuya ang itsura.
"Both of you are my employee and both of you are in relationship ayokong may bigla na lang may magsusuntukan o magsabunutan sa office pagnalaman ng mga partners nyo that you're having an affair." pagalit na sabi nya sakin.
Tinignan ko sya ng masama. Di ako makapaniwala na ganun kadumi ang utak nya. At di ako papayag na di linisin ang pangalan namin ni Carlo.
" Napakadumi naman ng utak mo. FYI wala kaming relasyon ni Carlo. Ano bang masama kung magkwentuhan kami, huh? O baka naman nagseselos ka kaya nagkakaganyan ka." sarcastic kong sabi sa kanya
Mapang-asar na ngumisi sya sakin at inisang hakbang ang pagitan namin. Hinapit nya ako sa bewang, hinawakan ang likod ng ulo ko sbay halik sa mga labi ko.
"Hmmmppp.....ummmppp... Bi-mmp- ta-mmpp-wan mo ko" sabi ko sa kanya habang pinipilit kong ilayo sya sakin pero dahil mas malakas sya sakin di ako nagtagumpay sa balak ko.
Hunalikan ko sya pabalik at mas naging mapusok ang mga galaw ng labi nya. Nakakalunod ang mga halik nya. Ito ang ayaw kong mangyari, eh. Kahit sabihin ko na wala na ako g nararamdaman sa kanya, kahit anong pagkombinsi ko sa sarili ko halik lang nya gusto ko na uling magpakatanga.
Pinagdikit nya ang mga noo namin ng matapos ang halikan namin. Pareho kaming hingal sa ginawa namin, nakapikit lng ako ng magsalita sya.
"I'd like you to know that I'm still your husband. And that gives me the right to own you. Alam mo naman siguro na ayaw ko ng may kahati."
Di sapat ang gulat sa nararamdaman ko ngayon.
"What!! Panong nangyari yun?! My God! All this years Im still married to you! Pinakawalan na nga kita para maging masaya ka na, tapos ganito. Lahat ng efforts ko tsaka luha ko nung naghiwalay tayo mababalewala na yung lahat kc di naman pala tayo hiwalay."
Di pa nga ako nakabawi dun sa halik nya may revelation na agad sya sakin!
"Calm down, ok. Nasama yung papers natin nung nasunog yung condo unit ni Art kaya di yun nafile. Si Art lng ang may Copy nun kaya, technically mag-asawa pa din tayo " kinindatan nya pa ako pagkatapos nyang sabihin ang lahat.
Gusto ko magwala, gusto ko syang pagsusuntukin, at gusto kong umiyak feeling ko naisahan ako, napakatanga ko naman dapat ako na lng ang nagfile nun.
Natatakot ako kasi ngayon mas may karapatan syang malaman na maay anak kami.
BINABASA MO ANG
Love Me
Ficción GeneralMahal kita pero may mahal kang iba. Masakit man pero kaylangan na kitang pakawalan dahil alam kong hindi mo ako mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Hinihiling ko lng na pagkatapos ng annulment natin hindi n tayo magkita dahil para akong pinap...