Nathalia's POV
Nagising ako ng alas singko ng umaga. Nakatulog pala ako kakaisip kung hihiwalayan ko sya o hindi. May part na gusto ko syang palayain kasi ayoko maging makasarili. May part din na ayaw ko kasi mahal na mahal ko talaga, nag assume pa kasi ako nung may nangyari samin.
Bumaba na ako pag katapos ko mag linis ng katawan.
Nakita kong nag luluto ng agahanan si julia sa kusina. Sabado ngayon at wala silang pasok.
" good morning maganda at mabait kong kapatid." bati ko sa kanya.
Agad naman syang napalingon sakin at ngumiti.
"Good morning din paborito kong ate, hehe" napanguso naman ako sa bati nya skin. Paborito daw na ate, e ako lng naman ang ate nya.tsk tsk.
Sinundot ko tagiliran nya at sinabing
" hmm, ikaw talaga binubula mo pa ko.""Gising na ba sila? Tsaka ano pala iyang niluluto mo" tanong ko sakanya habang pinapanuod syang nagluluto ng recipe nya.
Mahilig talagang magluto si Julia, at simula nung nag 3rd year high school sya ay nirequest nya na sya na ang nagluluto tuwing sabado. Pumayang naman si mama at si papa. Masarap kasi talaga sya magluto.
" Si mama nagwawalis po sa labas si naman papa inaayos po yung motor para sa pasada nya sa lunes." sagot nya sa tanong ko
"ah ganun ba, e si julio? Tulog pa ba?" tanong ko uli sa kanya.
"Yup po ate." sagot nya ng na ka ngiti.
tumango na lng ako ng nakangiti rin at muling pinagmasdan ang niluluto nya.
Napag isip-isip ko kasi na sabihin kay julia ang sitwasyon ko. Mahirap kasi na ako lng mag-isa parang mababaliw na ako e.
"Ummm....Julia pwede ba kitang makausap?" nagaalinlangan kung tanong sakanya.
Tiningnan nya ako na parang alam nya kung ano ang pag- uusapan namin. Saktong natapos sya sa pagluluto ng ulam na experimento nya.
" anytime, ate pwede ako." sagot nya sakin.
" mamaya pumta tayong mall, thanks a lot baby bunso. I LOVE U" niyakap ko sya kasi naluluha na talaga ako at niyakap din naman nya ako pabalik.
Mga ilang sandali lang ay nag agahan na kamimg lahat. Nag paalam na rin ako na aalis kami ni Julia. Nagtanong pa si Julio kung bakit di sya kasama, sinabi ko n lng na sya naman nxt time kasi sisters day ngayon, buti na niwala sya, hehe.
Nasa isang coffee shop na kmi ni Julia ngayon. Nag order muna ako ng makakain namin bago kami mag-usap. Naghanap naman ng maoupuan si Julia.
Nakapila na ako ng mahagilap ng tingin ko ang dalawang paalis na customer. Tiningnan ko mabuti silang dalawa.
" Hon, kahit mataba ka mahal pa din kita kaya wag ka na mag diet." sabi ng lalake sabay halik sa pisngi ng babae. Tawa na lng ng babae ang narinig ko dahil nilagpasan na nila ako.
Tama kayo ng iniisip asawa ko nga ang nakita ko. At ngayong nalita ko na si Angel nya ay nanghina ang buong katawan ko.
"Ma'am? Ma'am, can I take your order nowcma'am?" tanong ng cashier.Nabalik lng ako sa realidad ng tinapik na ako ng customer na nakasunod sakin sa pila.
" umm... Two frappe coffee and two blueberry cheese cake"
Nang matapos na akong mag order ay umupo na ako sa table namin ni Julia.
" ate, nakita ko sila. Bakit di mo sinasabi samin? Pamilya mo naman kami at matutulungan ka namin. Kelan ka pa niluluko ng asawa mo?"
Galit sympatya sa boses ng kapatid ko. Di ko na napigilan ang iyak ko at ikinuwento ko na sa kanya lhat.
" eh, sira ulo pala iyang asawa mo e. Ang kapal namn ng mukha nyang sabihan ka ng ganun. At tsaka atedapatdi ka na din kasi pumayag sa kasalan na yun.kaya naman nating gumawa ng paraan para mpagamot si papa, e." nilecturan n ako ng kapatid ko pag katapos ko sabihin sa kanya lahat.
Alam kong galit sya sa nangyari pero kaylangan ko ng advice nya ngayon. Yung matinong advice.
" mahal ko na kasi sya at nung panahong nag kasakit si papa grade 6 palang kayo ni Julio nun. Kaya grinab ko na ung pagkakataon." humihikbi ako habang sinasabi ko sa kanya iyan. Napabuntong hininga na lng sya sa sinabi ko.
"So, anong plano mo ngayon, ate? Seven days lang ang hiningi mo sakanya. Kaya mo bang mag desisyon ng ganun kabilis?"
Di ko n lng sya sinagot at patuloy na umiyak. Pinagtitinginan na kmi ng mga tao dito pero wala akong pakialam.
Lumapit si Julia sakin at niyakap ako, niyakap ko sya pabalik at umiyak lang.
Alas sais na ng nakabalik kami sa bahay. Syempre nagdala kami ng pasalubong para kela mama, papa at Julio.
Tatlong araw lang ang stay sa bahay. Nagpaalam na ako na babalik na ako sa work ko. Di kasi nila alam na di na ako nagtatrabaho. May mga sidelines ako para may maipadala din sa bahay. Kahit pa sabihin nila papa na ipunin ko na lang ang mga ipinapadala ko ay di ko ginawa, kasiyahan ko naman kasing makatulong sa kanila.
Nakauwi na ako sa bahay naming mag-asawa at napag desisyonan ko na umalis ng bahay. Kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na ng bahay. Sumakay na ako ng taxi para mas mapabilis ako.
"Manong sa Hotel Engrande po tayo."
Hindi ito ang una kong punta dito, pero sa bawat punta ko dto ay lagi akong kinakabahan.
Nandito ako ngayon sa lobby; alas dose na ng tanghali kaya tama lang ang dating ko.
Nakita ko na si Jonathan na pumasok ng Hotel, di na sya dumiretso sa receptionist dahil nandito na rin namn si Angel at lagi silang nagpapareserve sa room 304.
Matagal ko nang alam na dito sila nagkikita, nalaman ko ito ng sinundan ko si Jonathan 1 year after naming ikasal. Dun ko rin nlaman na mahal ko na sya dahil sobra akong nasaktan nun. Never ko pa din nakita si Angel until nung coffee shop incident. Lagi kasing nauuna si Angel sa hotel room nila.
Sinundan ko sya at sumakay ako sa kabilang elevator. Pagbukas ng elevator na sinasakyan ko ay nakita ko silang naghahalikan sa hallway.
Makikita mo na sabik na sabik sila sa isa't isa dahil tudo bigay sila sa paghahalikan.
Habang tinitingnan ko sila ay kasabay nun ang pagtulo ng luha ko at panghihina ng tuhod ko. Nakapasok na sila sa hotel room nila ng tuluyan nang bumigay ang tuhod ko.
Ang tanga ko din naman kasi, alm ko namn ang gagawin nila dun at alm ko na mangyayari ito pero pinuntahan ko pa din. Ngayon heto ako' t iyak lang ng iyak habang masaya sila sa piling ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
Love Me
General FictionMahal kita pero may mahal kang iba. Masakit man pero kaylangan na kitang pakawalan dahil alam kong hindi mo ako mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Hinihiling ko lng na pagkatapos ng annulment natin hindi n tayo magkita dahil para akong pinap...