Nathalia's POV
Nagpahatid ako sa bahay ng namin ni Jonathan at kumuha ng damit na tama lang para sa 1 linggo. Wala pa ding tigil ang mga luha ko sa kakatulo. Masyado kasing masakit.
Aminado naman akong di nya alam na mahal ko sya, pero ang pag-isipan at pag salitaan ako ng masama ng taong mahal ko ay parang sinasaksak ako sa sakit.
Nag-ayos ako ng sarili ko bago, ako lumabas ng bahay. I make sure na walang bahid ng pag-iyak o kalungkutan ang mukha ko. Doon muna ako mag iistay kayla mama at papa.
4:30 na ng hapon nang masiguro kong maayos na ang mukha ko at di na halata na umiyak, ako ay lumabas na ako ng bahay.
Tulad ng dati ay nag commute lng ako papunta sa bahay.
Kahit kaylan di pumunta si Jonathan dito sa bahay namin para mag bigay respeto sa mga magulang ko, gumagawa na lng ako ng dahilan para di sila magalit.
*sigh* Siguradong mag tatanong nanaman sila papa tungkol kay Jonathan, Idadahilan ko na lng uli na nasa business trip sya.
Sumakay na ko sa tricycle para makarating sa bahay. Pagbaba ko sa tapat ng bahay namin.nakita ko si mama na lumabas ng bahay at tila may bibilihin.
" Mama!" tawag ko sakanya. Nagulat sya ng makita ako. Pumasok akong gate at niyakap sya, gumanti din naman sya ng yakap sakin.
" Tashang! Nako, ikaw talagang bata ka di ka nagsasabi na ouwi ka di tuloy kami nakapagpahanda ng papa at mga kapatid mo." sabi ni mama habang kinalas ang pagkakayakap namin.
Ngumiti ako sakanya. " Mama alam mo namn na gusto ko kayo laging sinusurpresa diba? Hehehe" sabi ko sa kanya.
"Martha, sino ba iyang kausap mo at nakasigaw ka pa, ha?" narinig kong sabi ni papa habang binubuksan ang pinto.
Nagulat din sya ng makita pero agad din syang ngumiti at niyakap ako ng sobrang higpit.
" Nandito pala ang baby Tashang ko. Bakit di ka nanaman nag sabi na ouwi ka, baby damulag ko?" malambing na sabi ni papa. Napailing na lng ako sa sa reaction nya.
" Tigiltigilan mo nga iyang anak mo, Policarpio. Kakarating lang e, ginugulo mo na, kaya siguro di iyan nag pasabi na darating ka kasi ganyan ka. Tsk, tsk, tsk. Pumasok na nga tayo sa loob at gunagabi na."sabi ni mama habang umiiling pa.
Ngumuso naman si papa at niyakap si mama sa likod nang nag lakad ito papasok sa bahay.
" Naku, nag seselos ka lng siguro kasi di na kita napapansin ano? Pakiss nga hmmm!!"
Natawa ako ng ngumuso si papa para abutin ang lips ni mama, si mama naman tudo iwas ng mukha nya.
" Tigilan mo nga akong gurang ka! Nakahiya ka talaga!" sigaw ni mama kay papa.
Kunwaring nag tampo naman si papa, na parang naiiyak pa. Hahaha. Nakaka good vibes talaga dto sa bahay.
Nang makapasok kami sa bahay ay nakita ko ang mga kapatid ko na nakaupo sa salas at nag-aaral. Nang makita nila ako ay agad silang tumayo at sinalubong ako.
" Atttteeeee, na miss ka namin. Bakit ngayon ka n lng uli nakadalaw? Alam mo ba may 1st honor ako sa school." nakayakap na sabi sakin ni Julio, ang kapatid kong lalake.
" Ate, ako 2nd honor sa school, lamang lang ng one point c Lio sakin.hhmmmp." Sabi naman ng kapatid kong babae, na si Julia.
Kambal sila at parehong nasa 4th year high school, di na sila naabutan nung k to 12 eh.
"Wow, ang gagaling naman nang pogi at maganda kong kapatid. At dahil very good kayo may prize kayong dalawa sakin!"
Agad namang nagtatatalon si Lio at napa 'yes!' naman si Lia sa sinabi ko.
Hay, namiss ko talaga silang lahat.Nakakalimutan kong may problema ako kapag nandito ako sa bahay, pero alam kong kaylangan ko ring harapin si Jonathan.
1 linggo lang ang palugit na hiningi ko sana makadecide ako para sa ikakabuti ng lahat.
"Halina kayo at kumain na tayo. Lalamig na itong pagkain na niluto ko." tawag samin ni mama.
Iniwan ko muna ang gamit ko sa sala, dahil kakain na kami, mamaya ko na muna aayosin iyon
Nang maka-upo kami ay ako na raw ang mag lead ng dasal. Pasasalamat na kompleto kami ngayon at para sa pagkain na namin.
Napuno na ng tawanan ang hapag kainan habang kumakain. Medyo nabawasan ang lungkot ko. Mamaya ko na iisipin ang tungkol sa Love life ko.
Natigil lng ang tawanan namin ng magtanong si papa tungkol kay Jonathan. Kakasabi ko lang na mamaya ko na sya iisipin, pinaalala naman sya ni papa. Hay.
" kamusta naman kayo ng asawa mo, Tashang? Wala ba talaga syang balak na puntahan kami dto at kausapin? Asan na nga ba sya ngayon, bat di mo nanaman sya kasama?"
Sunod-sunod ang pagtatanong ni papa. As usual mag dadahilan n lng ako. Ayoko namang masira ang inage ng asawa ko sa kanila.
" Nasa business trip po kasi sya, pa. Kaya nga po ako nakauwi dito kasi nasa London sya ngayon. Tasaka, nagsabi sya sakin na dadalaw daw sya pag maluwag na ang schedule nya."
Kumunot ang mukha ni papa pati na rin yung sa kambal., si mama naman ay umiling lang.Alam ko na medyo nabababastusan na sila sa inaasal ni Jonathan, pero kasi, wala silang alam sa totoong relasyon namin ni Jonathan.
"Sa tatlong taong pagsasama ninyo ay never pa syang nagpapakita samin.Nakita lang namin sya ning kasal nyo at nung reception. Kahit nga birthdays no wala sya. Umamin ka nga samin ...."
Kinabahan ako ng tumigil si papa sa pagsasalita, dating secutlrity guard si papa baka sinundan nya ko ng pauwi ako sa mansyon.
"Nang bababae ba ang asawa mo?"
Seryosong sabi ni papa."Hahahahahaha" tumawa ako ng peke. Di naman halata na peke e.
"Ano ka ba papa, business lng at ako ang inaatupag nun." sabi ko sakanya.
"Ate, kung business at ikaw lang ang inaatupag nun, e, bakit di nya kayang pumunta dito sa bahay? Pwede naman syang sumaglit e, papakita lng sya sa parents and kapatid ng asawa nya, di naman mahirap yun e."
May pagdududa sa boses ni Julia ng sabihin nya iyon. Sa totoo lng malakas talaga ang powers ng kapatid ko na iyan.
" Julia! nag-uusap ang ate at papa mo."saway ni mama.Ayaw kasi nilang sumasali kami sa usapan ng matatanda
"Hay! Ma, Pa. Julio at Julia di po ako nagsisinungaling sa inyo. Mahal po namin ni Jonathan ang isa't isa. Nagkataon lng po na sovrang busy nya kasi kakatake over nya lng sa company nila."paliwanang ko sa kanila.
Tumango lang sila at nag patuloy na kami sa pagkain.
Ako na ang nag hugas ng mga plato, ayaw pa sana ni mama dahil kararating ko lang, kaso nag pumilit ako.
" Ate, naiinis ako sa asawa mo."
Napalingon ako ng marinig kong ang boses ni Julio."Bakit naman.? Diba nag explain na ako kung bakit di sya nakakapunta dto." nakakunot noong sabi ko.
"Sorry po, pero pakiramdam ko kasi kaya di sya pumupunta dito kasi mahirap lng tayo..." nakayukong sabi ni Jonathan.
"Wag ka mag-alala Julio. Di. Sya ganung klaseng tao." nakangiting pag aassure ko sa kanya.
Pagkatapos ng pag-uusap namin, niyakap nya muna ako bago umalis.
Umakyat na din ako pagkatapos ko mag hugas ng mga pinagkainan. Sa lumang kwarto ko ako nag iistay pag dto ako sa bahay.
Pagkatapos ko maghugas ng katawan ay nahiga na ako. Iniisip kung ano ang dapat kong gawin. Hihiwalayan ko ba sya o hindi.
BINABASA MO ANG
Love Me
Ficción GeneralMahal kita pero may mahal kang iba. Masakit man pero kaylangan na kitang pakawalan dahil alam kong hindi mo ako mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Hinihiling ko lng na pagkatapos ng annulment natin hindi n tayo magkita dahil para akong pinap...