Chapter 3

24 1 0
                                    

Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak ang ulo ko.

"Anak hindi ka pa ba babangon diyan? May pasok ka pa"  rinig kong sabi ni mama

Lumapit siya sa kama ko at umupo.

"Uminom na naman kayo nina Jasper no" sabi ni mama

"Oo ma. Treat nman ni Tommy eh namiss nya daw kasi kami. Sorry ma kung hindi ko na nasabi kagabi. Masakit na kasi ulo ko nun."

"Ayus lng anak. Bangon ka na diyan may pasok ka pa tsaka uminom ka ng kape para mawala hangover mo" sabi ni mama

Lumabas na ng kwarto ko si mama.

Bumangon na ko at inayos ko na  ang sarili ko. Bumababa na ko para makakain ng almusal.

"Asan si mama?" Tanong ko kay Kean

"Nauna na. Hindi na tayo maihahatid sa school ksi kailangan maaga siya sa work ngayon" sagot naman nya.

"Bakit hindi ka pa sumabay sakanya?"

"Nagmamadali nga kasi si mama. Kita mong kumakain pa ko" sagot niya

"Whatever. Mauuna na ko" sabi ko naman

"Hindi ka na mag aalmusal?" Tanong niya.

"Hindi na, ayoko kasi may kasabay na hayop habang kumakain"  Sagot ko sakanya habang naglalakad palabas.

Hindi na sumagot kapatid ko hahaha ganyan siya pag napipikon sakin, tumatahimik.

Itetxt ko sana si Jasper kung san na siya para sabay na kami, hindi ko na tinuloy ksi siguradong nakahiga pa siya.

Nag aabang na ako ng jeep na masasakyan papuntang school. Lagi puno yung mga jeep, ayoko naman sumakay bka kalahating pwet ko lng ang nakaupo

May tumigil na jeep na walang gaanong tao. Salamat nakasakay din ako. Habang nag bibiyahe nakinig muna ako ng music sinuksok ko ulit ang earphones ko sa tenga.

Nakatingin lng ako sa labas ng jeep. Parang bang nasa music video ka wala kang ibang maririnig kundi yung tugtog. Napatingin naman ako sa harap ko. Isang lalaking na nakatingin sakin. Nung tinignan ko siya bigla niyang inalis yung tingin sakin. Nahiya siguro.

Nandito na ko sa sa harap ng room. Maaga pa nman wla pang masaydong tao sa room nmin. Nakita ko yung bag ni jasper pero wala siya. Himala maaga siya ngayon.

Papunta na ko sa upuan ko. Nandyan na pala yung asungot na si kyle, tinitignan niya lng ako

"Bkit mo ko tinitignan?" Tanong ko sabay taas ng kilay

"Bkit bawal bang tumingin sayo? Ikaw lng ba ang may karapatang tumingin?" Sagot niya

"Oo bawal tumingin lalo pag ako ang tinitignan mo. Baka mainlove ka sakin." Sabi ko nman

Tumawa lang siya

"Anong nakakatawa? Hindi ako nagjojoke" sabi ko sakanya.

"Alam ko. Ang cute mo kasi eh." Sagot nya sabay ngiti

Shet! ang pogi niya pag ngumingiti.

"Hoy wag mo nga akong sinasabihan ng ganyan hindi tayo close no." Pagtataray ko sakanya

"Anyway nakita mo ba si Jasper?" Tanong ko sakanya

"Ikaw nakikita mo ba siya?" Tanong niya.

"Hindi" tipid kong sagot

"Eh di hindi ko rin siya nakikita" sagot nman nya

Tinignan ko lng siya ng masama.

"Lumabas siya saglit" bigla niyang sagot

Ms. MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon