Kris POV
Nasa gymnasium na kami. Hinihintay lng nmin si mam. Pinatawag ksi siya sa office
"Sige na jasper ako na lng partner mo" pagmamakaawa ko skanya.
"Mas maganda nman ako sa partner mo eh" sabi ko skanya
"Oo alam ko kris. Kung hindi nga lang kita kilala o bestfriend gusto ko talaga partner ikaw." Sagot nya
"Yun naman pla eh, kunwari hindi mo ko kilala. Basta ayoko ko lng makapartner yung Kyle Silverio na yun" sabi ko sakanya.
"O sige sa isang kondisyon" sabi nman nya
"Sige ano yun?"
"Burahin mo muna yung picture ko kanina" sabi nya.
"Yun lng pala eh gusto mo ikaw pa ang magbura" binigay ko yung phone ko, tpos binura nya yung picture nya pti na yung kay tommy
"Dami ko palang picutre kagabi pti si Tommy. Baliw ka talagang babae ka." Sabi niya.
"So? Partner na kita?" Tanong ko.
"Hindi pa rin" seryoso niyang sabi
"Yh!! Jasper nman eh!" Sabi ko
"Wag ka nga mag inarte dyan para kang bata" sabi niya.
"Pumunta na kayo sa kanya kanya nyong partners!!" sigaw ni mam.
Leche talaga si jasper! Buti na lng nakopya ko na kanina sa laptop ko yung pictures nila. Kala nya siguro maiisahan ko siya.
Hinanap ko naman partner ko, buset san kaya siya.
"Sinong hinahanap mo?"
Nagulat ako nang may nagtanong sa likod ko. Paglingon ko si Kyle pla.
Kyle's POV
Mukhang ayaw nya ata akong ka partner. Naririnig ko siya na pinipilit nya si jasper na makipalit ng partner. Para siyang bata, ang cute niyang tignan.
"Pumunta na kayo sa kanya kanya nyong partners!!" sigaw ni mam.
Kaagad ko naman nakita si Kristiana. Lingon siya ng lingon. Hinahanap nya siguro ako.
"Sinong hinahanap mo?" Tanong ko sakanya.
"Ah ikaw kala ko ksi wala ka" sagot nya
Magkaharap kami ngayon. Ang isasayaw ksi namin ay ballroom.
Habang tinuturo samin ang mga steps, nakatitig lng sakin si Kristiana.
"Huwag mo nga ako titigan ng ganyan. Ganun ba ko kapogi para titigan ako ng matagal" sabi ko sakanya
"Tss! Kapal mo. Kung pwede nga lng naka pikit habang sumasayaw para hindi ko na makita yan mukha mong nakaka bwisit" sagot nya ng pataray
Oo nga pala kailangan nakatingin sa mata pag sumasayaw. Ganun daw ksi yung ballroom eh. Tapos may mga steps na sobrang dikit ng mga mukha namin.
"Break muna tayo! balik kyo after 15 mins." Sigaw ni mam.
"Hay salamat!" Sabi nman ni kristiana.
Kris POV
Salamat binigyan kami ng break ni mam. Pano nahihilo na ko sa sobrang kakaikot sakin ni Kyle tpos hindi pa ko naka get over sa hangover ko. Buti na lng may break kami kung hindi baka nagsuka nako dun.
Lumabas muna ako sa gymnasium at umupo sa isang bench doon. Sarap ng hangin dito gusto ko tuloy matulog. Walangya si Jasper iniwan ako. Kasama nya siguro yung ka partner nya.
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita
RandomSi Kristiana Fajardo ay mayaman at may kapatid na lalaki. Meron siyang dalawang boy bestfriend na si Jasper at Tommy. Nainlove siya kay Kyle Silverio na pogi at mayaman. Una pagkita nila ay hindi maganda ang pakikitungo nya kasi nga MALDITA siya