Tommy's POV
Pagkalabas ni Kris at Kyle tinignan ko si Jasper.
"Hindi ka ba mag eexplain sakin kung bakit ganyan ang mukha mo?" Sabi ko kay jasper.
"Mahabang kwento tsaka ko na lng kwekwento" sabi ni jasper.
"Gusto mong dumagdag yang pasa mo sa mukha? Ikwento mo na" sabi ko.
"Naka alis na ba sina Kris?" Tanong ni jasper
"Nakita mo naman db? Kakaalis lng." Sabi ko
Sinuntok niya yung braso ko.
"Tol naman eh! nagagaya ka na kay Kris" sabi nya.
"Pero tol may kutob ako dun sa Kyle na may gusto siya kay Kris" sabi ko naman.
"Baket selos ka?" Tanong nya.
"Oo selos ako. Sabi kasi ng mama mo mas pogi daw siya kaysa sakin"
"Totoo naman eh!" Sabi nya
Jasper's POV
"Oo selos ako. Sabi kasi ng mama mo mas pogi daw siya kaysa sakin" sabi ni tommy sakin.
"Totoo naman eh!" Sabi ko
Totoo nman talaga mas pogi si Kyle kaysa kay Tommy.
"Pero mas pogi naman ako kaysa sayo" sabi nya sakin
"Ngayon lng yan. Pag nawala ang mga pasa ko at sugat dito sa mukha ko. Humanda ka na" sabi ko.
"Bakit ka ba kasi nakipag away?" Tanong nya ulit
"Binastos nila si Kris eh" sabi ko
"Ano? Sino yung mga hayop na yun!" Sabi nya
Sabi ko na nga ba ganito ang magiging reaksyon nya. Hanggang ngayon gusto pa rin nya sa kris.
"Ganito kasi yun..."
Kinwento ko lahat na nangyari pati yungmga sinabi nila nun. Naka detalye talaga.
"Bat hindi mo kaagad sinabi sakin? Dapat sinabi mo muna sakin bago ka nakipag away" sabi ni tommy
"Mas okay nang ako lng ang napahamak. Kung kasama ka pa mas lalong mag aalala satin si Kris." Sagot ko sakanya.
Kyle's POV
Nandito kami ngayon samin. Dito namin gagawin yung project namin ni Kristiana. Naka higa lng siya sa kama ko
Dapat kayna Kristiana kasi malapit lng nman yung bahay nila kayna jasper. Kaso nag ka problema.
Papunta na dapat kami ng bahay ni Kristiana. Nang biglang umurong siya at nag aya samin na lng gawin.
Kaya nandito kami ngayon samin.
"Ano ngang dahilan bkt bigla gusto mo samin na lng gawin yung project?" Pangungulit ko sakanya.
Kanina ko pa sya kinukulit ayaw nyang sabihin .
"Close ba tyo para sabhin ko sayo?" Sabi nya sakin.
"Eh di umalis ka dyan sa kama ko. Hindi naman tayo close." Sabi ko. Tapos hinihila ko siya paalis ng kama.
"Aray masakit yun ah!" Sabi nya
"Sabi ng umalis ka sa kama ko hindi tayo close!" Sabi ko
"K. Ang damot mo" sagot nya.
Tumayo na sya at umupo sa upuan. Ako naman ang humiga sa kama
"Gawin mo na yung ppt." Sabi ko
"Bat ako lng?" Tanong nya
"Di ba sabi mo kaya gawin mag isa. Eh di gawin mo na."
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita
RandomSi Kristiana Fajardo ay mayaman at may kapatid na lalaki. Meron siyang dalawang boy bestfriend na si Jasper at Tommy. Nainlove siya kay Kyle Silverio na pogi at mayaman. Una pagkita nila ay hindi maganda ang pakikitungo nya kasi nga MALDITA siya