Intrams na naman at tss di pa rin ako sumali sa sports pero sumali na ako sa academic competition. At ngayong intrams may isa na akong taong inaabangan na maglaro. Hulaan niyo? HAHAHA ^_^ Si number 11. Oo siaya nga ang galling niya kasi at this fast few months nakikita ko siya pero paminsan-minsan lang. Pero oo aamin na ako na crush ko na talaga siya. Crush ko yung height niya para di halata. HAHAHA nahihiya kasi ako. Sino bang hahanga don eh bukod sa magaling eh mukhang matalino at matino pa at mukhang mabait din. Palaging nakangiti at grabe ^_^ yung ngiti niya nakakawala ng stress.
May laro ng basketball ngayon at nanood ako. Nandoon yung crush ko. Wahahaha ^_^. Marunong din palang siyang magbasketball akalain mo yun. Medyo magaling lang siya pero di gaano di niya nagagamit yung lakas niya di din siay scorer ng team. Siguro sa volleyball lang siay wizard HAHAHA ^_^.
Game na din ng volleyball at naglaro din siya. Siyempre dito siay pinakamagaling eh. Sobrang galing niya talaga. Sa sobrang galling niya lahat ng babae at bakla pati na rin lalaki tumitili at sumisigaw. Akala mo championship na. Naiinis akong sa mga babaeng tumitili malapit sa akin. Ang sakit kaya sa tenga at nakakatorete. Kulang na lang matanggal yung tenga ko grabe (-_-) SPELL OA. "M-E. as in me HAHAHA ^_^".
Nakita ko na din siyang maglaro ng table tennis at magaling din siya. Napaisip tuloy ako. Hmmm....??? Pinaglihi ba to sa lahat ng sports kaya lahat ata ng sports alam niya laruin at take note magaling pa. ^_^.
BINABASA MO ANG
DEAR CRUSH, A DIARY OF A ONE-SIDED LOVE
РазноеIsang simpleng babae na naging normal. Bakit? Abnormal ba siya? Oo sa paningin ng ibang tao. Kasi sabi nila abnormal daw ang hindi pa nagkakaroon ng crush. Kaya abnormal siya. Hindi pa kasi siya nagkakaroon ng crush sa isang tao. Not until one day...