Unang intrams ko ditto sa school at wala ni isa man ang sinalihan ko mapa sports, art o academic man. Kasi nahihiya ako. Gusto kong maglaro ng sports o sumali sa academic completion kaso wala eh, WALA AKONG LAKAS NG LOOB!!!
So ang nangyari cheerer ang bagsak ko. Di lang cheere nauwi pa sa scorer. Pati na rin yung pagko-committee pinasok ko na din. Paano ba naman, eh host kami sa sports kaya yung mga walang game ito ang ginagawa.
Naiilang ako maging scorer kasi baka magkamali ako at palagi doon nakatingin ang player at nanunuod. Alam mo naman masyadong aggressive ang mga tao pagdating dito.
Medyo sanay akong maging committee kasi wala naman akong kakausapin maliban lang sa professor ko kung may tanong ako o naguguluhan na ako.
Unang araw kaya naman mahirap at nangangapa pa sa kung anu-ano ang mga gagawin. Palagi akong nagpapanic kas nga di ba 'FIRST TIME'.
Tumatawa lang ako lalo na kapag katabi ko yung announcer kasi lahat ng mga sinasabi niya walang kwenta pero havey. Minsan corny minsan din setryoso at mas lalao akong natatawa kapag ginigawan niya ng mga pangalan yung mga player na naglalaro. Minsan kapag scorer ako haggard kasi ang init. Ang init ng mga mata ng tao sa akin. Dahil sa pagiging committee ko late na ako nakakauwi.
Masasabi ko lang sa unang araw ko boring na mahirap na ewan. Pero dahi sa pagdaanan ng ilang araw medyo marunong na ako sa kalakaran ng pagiging committee.
Dahil hindi na ako tutok sa pagiging committee at magaling na ako naenjoy ko na din ang panonood ng games. Natatawa ako sa mga player may tumatawa, may seryoso, may chillax lang, may nakasimangot at madala meron ding nag aamok ng away. Siguro common na to sa laro madalas at hindi lang madalas lagi atang may pikon,.
Pero may isang player na kumuha ng atensyon ko. Volleyball player at magaling siya.
BINABASA MO ANG
DEAR CRUSH, A DIARY OF A ONE-SIDED LOVE
De TodoIsang simpleng babae na naging normal. Bakit? Abnormal ba siya? Oo sa paningin ng ibang tao. Kasi sabi nila abnormal daw ang hindi pa nagkakaroon ng crush. Kaya abnormal siya. Hindi pa kasi siya nagkakaroon ng crush sa isang tao. Not until one day...