Ito ay ang recipe na tinuro ng aking nanay na namana niya pa sa kanyang lola... Ito yung sinigang na nakakakilig sa asim...
*1kg pork or pwede din beef or chicken
* 2 big knorr sinigang mix
*1 big onion cut into 4.
*2 big tomatoes cut into half.
*1 big (puso ng saging) banana blossom
*1 kg of gabi
*1 tali ng kangkong
*patis
*2 green sili
Optional: talong, sitaw, labanos at mustasa.1. Palambutin ang baboy sa isang kumukulong tubig na may asin.
2. Pagmalambot na ang baboy ay maari ng ihulog ang gabi, sibuyas at ang kamatis. (Mas maganda kung habang inilalagay ang kamatis ay pinipiga ito para mas malasa.)
3. Maaring bawasan ang tubig pag ito ay masyadong marami at pag gusto niyo ng mas maasim na sinigang. Kumuha ng tasa at bawasan ang tubig. Basta nakalubog lamang ang baboy ay okay na ang dami na ito.
4.Ihulog ang 2 knorr sinigang mix. Paunti unti lamang at tikman muna kung gaano kaasim ang inyong nais.
5.Timplahan ng patis usually ang gamit namin 4 tbsp ng patis. Tandaan mas madaling magdagdag kesa magbawas.
6.Maari ng ihulog ang puso ng saging.
7. Makalipas ng mga 5 minuto ay maari na rin ihulog ang kangkong at sili...
Enjoy... =)
BINABASA MO ANG
Recipe Book Ni Ciara
AcakHindi lang naman puro stories, quotes and jokes ang nasa wattpad pwede din ang recipe kaya ito ang mga ibat ibang recipe na aking nasearch at nasubukan at ishashare ko sa inyo. Comments lang po kayo if natry niyo na at kung may suggestions kayo... =)