Chapter 16-valentine's day

12 5 0
                                    

habang pababa ako ng hagdan nakita ko si jm na nakikipag beso beso kay mama,buti na lang bihis na ko at hindi na mag-aantay ng matagal tong tangkad na to

"kumain ka na ba ijo??" tanung ni mama

"opo,kumain na po ako" mahihin na sagot ni jm

"ohh anak,nandyan ka na pala" pabiglang sabi ni mama at ngumiti lang ako "maiwan ko muna kayo,at marami pa kong gagawin" sabi ni mama at umalis

lumapit ako kay jm at tumingin ng masama..ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hinila ako para umupo sa lap nya at napahawak naman ako sa balikat nya

"bakit sinasamaan mo ko ng tingin??" tanung ni jm

"hehe" tawa ko

"ang cute mo tumawa ehh" sabi ni jm

"baka makita tayo ni mama" sabi ko at agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa lap nya kaya umupo na lang ako sa tabi nya

ng biglang tumahimik at nagkatinginan kami ni jm,ngumiti sya yung killer smile "anong nginingiti ngiti mo dyan??" tanung ko

"wala lang,masaya lang ako" sabi nya

"ehh..wala namang araw na nalungkot ka ehh" sabi ko at tumawa sya

"masaya ako kasi kasama kita " sabi nya sabay pindot sa ilong ko

"araaay" sabi ko at pinindot ko rin ilong nya "makaganun wagas" ngumiti lang sya,tumayo ako sa kinauupuan ko "tara na nga" yaya ko sa kanya

"tulungan mo kong tumayo" sabi nya at iniabot nya ang kamay nya

"bata lang peg.." sabi ko at hinila ko sya,tumayo naman sya at agad akong inakbayan "mama..alis na kami" sigaw ko

"alis na kami ma" sigaw ni jm

"maka-MA wagas.." sabi ko at tumawa sya

"sige,ingat kayo" sigaw ni mama

pagkalabas namin ng bahay nakita namin si mang boy na naglilinis ng kotse

"magpapahatid ka ma'am lhia??" tanung ni mang boy

"ahh..hindi po,nandito naman po si jm,taga hatid ko" sabi ko sabay turo ko kay jm

"boyfriend mo na po ba ma'am??" tanung ni mang boy ng super ngiti

"ahh..hindi pa mang boy,SOON" sabi ni jm sabay nginitian ako "di ba bhebhegirl??" tanung ni jm

"eto ka(pinky finger)" sabi ko sabay nauna ko maglakad sa kanya

sumakay na ko ng kotse at sumunod naman na sya,sinimulan nyang paandarin ang kotse

"aattend ka mamaya??" tanung ni jm

umiling lang ako "ayoko,isa pa wala naman akong susuotin mamaya ehh" sabi ko,ang totoo meron naman akong susuotin ang kaso ayoko lang talaga um-attend bukod sa baka ma-out of place ehh baka..baka kapag nakita kong sweet si jm at ancky hindi ko kayanin,yung sinabi ni jm na kakausapin nya ko,feel ko hindi nya naman magagawa yon kasi malamang si ancky nakabuntot sa boyfriend nya,mahirap na!!baka mag-away na naman pati kami ni ancky,ilang beses nya na kong napag sabihan na layuan ko si jm pero hindi ako nakinig..ganun talaga...MAHAL KO SI JM ehh <3

napasimangot si jm "okay.." sabi nya,

"pati may pupuntahan kami ni mama,pupunta kami kila tito berny" sabi ko

hindi na sumagot si jm,ilang sandali lang nasa school na kami,nauna akong bumaba ng kotse at sumunod naman siya

"tara na??" tanung ko sa kanya at hindi sya sumagot,mukang galit ata...masama pa lang magalit to..hindi namamansin:(

Waiting for him Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon