Chapter 31-i hope

12 4 0
                                    

"Magandang Tanghali po Ma'am" bati ni Manong Guard

"ako na magdadala" sabi ni Paul at kinuha yung ibang gamit na dala ko

"ayyy salamat at naisipan mong tumulong" sabi ko

"Ma'am cancel po yung meeting nyo ngayong 2:30 kay Mrs.Laguardia" salubong sakin ni Amanda

"why??" tanung ko

"emergency daw po" sabi ni Amanda

"okay" sagot ko

sabay sabay kami sumakay ng elevator

"Paul,samahan mo ko mamayang 2:00 pm sa Mall may bibilhin lang ako" sabi ko

"okay!!" sagot nya

"magpaalam ka naman sa Girlfriend mo,sabihin mo kasama kita baka hanapin ka na naman nun" sabi ko

"hindi na kailangan,kung okay lang sayo papasunurin ko na lang si Biancky sa Mall para naman may time kami para maging masaya"

"oh sige" sagot ko sabay ngiti

ilang sandali lang nasa 5th floor na kami,at kaunting paliko liko lang nasa Office na ko

"gustong gusto ko talagang tumambay dito sa Office mo ehh,malamig na may ipapakaen ka pa" parinig ni Paul

"tsss,nagpaparinig ka pa,sabihin mo kay Amanda bigyan ka ng makakaen dyan para naman hindi ka maboring" sabi ko

"yeeees" masayang sagot nya

ilang sandali lang bumalik si Paul dala ang 3 malalaking Cracker at dalawang basong juice

"Tha-lia bakit wala kang Boyfriend??" tanung ni Paul at napatigil ako sa pagta-type

napalingon ako sa kanya "gusto mo talagang malaman??" tanung ko

"yeeeeees" sagot nya sabay ngiti

"may lalaki akong nakilala nung College ako,sa katunayan Playboy sya pero naging crush ko sya,niligawan nya ko at sinagot ko sya,naging Boyfriend ko sya sa ilang buwan naging masaya kami kaso nagka problema kami,naghiwalay kami,nung mismong Birthday ko na-realize ko na,sobrang mahal ko pa pala siya,hindi ko sya makalimutan pero ang nakakalungkot lang pumunta sya ng Taiwan iniwan nya ko at hanggang ngayon nag-iintay ako at naasa ako na babalikan nya pa ako" kwento ko

"Mahal mo pa rin sya??" tanung ni Paul

"oo ehh!!" sagot ko

"ehh kung bumalik sya??anong una mong gagawin??" tanung ni Paul

"yayakapin ko sya!!at sasabihin ko sa kanyang Mahal ko pa rin sya" paliwanag ko

"siguro sobrang sakit kung babalik sya dito at may Girlfriend syang daladala" sabi ni Paul

napasimangot ako "syempre masakit yun,matagal ako nag-antay tapos sa dulo hindi pala kami" sabi ko

masakit man isipin pero sana naman,wag mangyari ang hindi maganda na alam kong masasaktan ako,nag-iintay ako kasi sobrang Mahal ko sya,naasa ako na babalikan nya ko,naasa ko na sana ako pa rin,naasa ako na sana ako pa rin yung Mahal nya :(

ilang oras ang lumipas ay 2:00 pm na

"two pm na pala,tara na!!" yaya ko kay Paul

"sinong magda-drive??" tanung nya

inihagis ko sa kanya ang susi ng kotse "ikaw na!!" sabi ko

sinambot nya yun "kulang na lang sainyo na ko tumira ahh,alalay mo na ko,driver mo pa at taga daldal mo pa" sabi ni Paul at napakamot

"wag ka nga magreklamo,pinapakain naman kita ehh,lagi ka ngang busog kapag ako ang kasama mo" paliwanag ko at lumabas na kami ng Office ko "Amanda,if ever na may maghanap sakin sabihin mo may pinuntahan akong importante"

"sige po Ma'am" sagot nya


Waiting for him Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon