chapter 25-So Sad

12 3 0
                                    

Unang araw ng pag-aaway namin ni jm,hindi ko sya tinetext hindi ko sya tinatawagan kahit na mi-miss ko na sya AGAD,syempre hindi ako sanay na hindi ko sya tinetext o kahit tinatawagan,pero kailangan ko tiisin yun dahil sa galit ko,na hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na nalulungkot ako

habang nakaupo ako at nanunuod,hindi ko maiwasang sumimangot

"magkakaayos din kayo" sabi ni mama

lumingon ako kay mama "kababati lang namin dahil sa una naming pag-aaway pero inulit nya naman kahit alam nya ng ayoko sa taong sinungaling"

"tss..anak nasasabi mo lang yan dahil galit ka,pero pag nag sorry si jm sigurado ako bibigay ka din,at mapapatawad mo din sya"

"mahirap na mama!!sabi nya hindi na sya uulit ng pagsisinungaling pero inulit nya pa din,kasi ganun ka tigas ang muka nya na parang wala lang sa kanya kapag nagagalit ako,sigurado nga hindi nya na ko mahal ehh..kasi may Fiona na sya" sabi ko

"sino naman si Fiona??"

"edi yung babaeng sinabihan nya ng babe"

"narinig mo mismo na sinabi nya yun??"

"hindi!!nabasa ko sa text"

sinamaan ako ng tingin ni mama "pinag explain mo ba sya??" tanung ni mama

"para saan pa,ehh nabasa ko na mismo sa cp nya"

"anak,inuuna mo agad ang galit mo hindi mo muna sya pinag explain"

"ehh mama kahit naman pag bali-baligarin ang mundo,kasalanan nya pa rin"

[SORRY NA]

Sorry na

kung nagalit ka

hindi naman sinasadya

napalabas kami ni mama ng bahay sa narinig namin,at yun nga si jm nasa labas ng bahay at nag gigitara habang kumakanta

kung may nasabi man ako

init lang ng ulo

pipilitin ko magbago

pangako sa inyo

Sorry na talaga

kung ako'y medyo tanga

inirapan ko sya tsaka ko pumasok ng bahay at sumunod naman sakin si mama

hindi ako nag-iisip

nauuna ang galit

Sorry na talaga

matapos ko isara yung pinto hindi ko na narinig yung boses ni jm at siguro umalis na sya

"anak,bakit ka naman ganun??nag so-sorry na nga yung tao ehh"

"mama pwede ba!!ako ang magde-desisyon,at kung kakampihan nyo sya then go...kung kinonsinti ka nya para mapatawad ko sya,hinding hindi ko sya mapapatawad" sabi ko at pumunta na ko ng kwarto ko at ini-lock ko yung pinto,umupo ako sa kama ko ng biglang tumunog ang cp ko at natawag nga si jm pero hindi ko iyon sinasagot

1 missed call

3 missed call

6 missed call

10 missed call

11 missed call

hanggang sa narindi na ko sa paulit ulit na tugtog kaya tinanggal ko ang battery ng cp ko "nakakarindi"

humiga ako at yumakap ako sa unan,hindi ko namalayan na yung couple pillow yung yakap ko,at sa hindi inaasahan naalala ko yung mga araw na kasama ko si jm yung masaya kami "parang ayoko na maniwala sayo,wala ka ng tinupad sa mga pangako mo"

Waiting for him Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon