Chapter 23-sincere

10 3 0
                                    

"nak,baka wala ka ng itulog mamaya,bumangon ka na dyan"

tinanggal ko yung nakataklob na kumot sa muka ko,at agad akong tumingin sa orasan "1:00 pm na pala" agad akong bumangon at nagpunta sa cr,tumingin ako sa salamin "eto ka" sabay pinky finger,lumabas ako ng cr at kinuha yung twalya ko

"maliligo ka??" tanung ni mama

"opo"

"aalis ka??"

"opo"

"san ka pupunta??"

"basta,ang dami nyong tanung ehh" nag daretso na ko sa cr at naligo,matapos ko maligo,kinuha ko yung susi ng kotse

"san ka ba pupunta tha-lia??" tanung ni mama

"basta!!babalik din ako agad" sagot ko at lumabas na ko ng bahay,at sumakay na ko sa kotse

ang totoo,park ang punta ko para magpahangin para mag palamig ng ulo..hehe

pagkarating ko sa park,naglibot ako at nakita ko si argie,pumunta ko kay argie

"argie"

"ohh..tha-lia" nakangiting sabi nya "si jm??kasama mo ba??"

"ha??hindi ehh,ehh ikaw??sinong kasama mo??" tanung ko

"ahh..si edna"

"ahhh.."

"hi babe..." sabi nung babae na naka shades

"edna??" gulat na tanung ko

tinanggal ni edna ang salamin nya "oo..ako nga" nakangiting sabi nya

"edna??boyfriend mo si argie??" tanung ko sabay turo kay argie

"oo,bakit??"

"ehh di ba,sabi mo kagabi ang maha....." hindi ko na naipag patuloy ang sasabihin ko

"anyway babe,may nakita ko doon na flowers,bilhan mo naman ako" maarteng sabi ni edna

"ha??ahh..sige" sabi ni argie "sige,tha-lia mauna na kami ha.."

tumango lang ako

ohh my god...si argie ang boyfriend ni edna,playgirl talaga sya..ehh dapat hindi na magpaloko pa dun si argie,kawawa naman si argie kabilang sya sa mga paglalaruan ni edna,sasabihin ko na ba sa kanya??

eto ako ngayon nakaupo,habang nakatingin sa mga tao sa paligid ko,ng biglang mapalingon ako sa mag boyfriend na sobrang sweet

"bhe,para sayo Happy Monthsary" sabi nung lalaki habang iniaabot ang bulaklak at ang regalo

"wow...thank you bhe" sabi nung babae at iniabot nya rin ang regalo

ang sweet naman nila,may regalo pa sila sa isa't isa...ng biglang mapalingon ako sa dalawang matanda

"mahal na mahal kita Conchita" sabi ni lolo habang nakaakbay sya kay lola

"ako rin Bernabe,mahal na mahal din kita at alam kong tayong dalawa ay pang habang buhay" sabi ni lola ng nakangiti sabay hinalikan nya si lolo sa pisngi

ang sweeeeet,nakakainggit,matatanda na sila pero super sweet pa rin nila

napapangiti ako kahit mag-isa lang ako don "ang sweet nila noh!!" sabi nung lalaking hindi ko kilala

"ha...uhhm..oo" sagot ko

"pwede ba ko makiupo??" tanung nung lalaki

"sige" sabi ko sabay tango

umupo yung lalaki sa tabi ko

"ako nga pala si KYLE CHAVEZ" sabi nung lalaki ng naka smile at nag-alok sya ng shake hands

"Tha-lia Tarlet" sabi ko naman sabay shake hands

"kanina pa kita nakikita na nakatingin dun sa lolo at lola"

"oo nga ehh..ang sweet kasi nila"

"may boyfriend ka??" tanung nya

tumango ako "oo,kaso magkagalit kami,maliit na bagay lang yung pinagtalunan namin,alam nyang kasalanan nya pero pinagpipilitan nya pa rin na sinisisi nya sakin na sinasabi nyang kaya ko sinasabing nagsisinungaling sya kasi ang akala nya nagseselos ako sa ex nya,ang labo nya di ba" kwento ko sabay tungo

"magkakaayos din kayo"

"sana nga" sabi ko ng biglang nag ring yung cp ko at sinagot ko naman yun

"hello nak" sabi ni mama

"po??napatawag kayo??" tanung ko

"umuwi ka dito,may sasabihin ako sayo" sabi ni mama "bilisan mo iintayin kita ha,emergency"

"anong nangyari mama??" tanung ko na parang nag-aalala

"basta...bilisan mo" sabi ni mama

toooot..tooot..tooooot...

"uhhm..kyle,kailangan ko na umalis,emergency ehh" sabi ko

"ohh..sige,mag-ingat ka"

tatakbo na ko papunta ng kotse,ilang sandali lang nasa bahay na ko

"kaninong kotse to??" tanung ko sa sarili ko

pumasok na ko ng gate,at binuksan ko na yung pinto para pumasok

"ma...anong nang...." hindi na ko nakapag salita dahil nagulat ako ng makita ko si jm may hawak na papel na may nakasulat na "sorry"

"SORRY LHIA" sabi ni jm

dumaretso ko ng pagpasok "anong ginagawa mo dito??" tanung ko ng pagalit

"gusto ko sanang mag sorry sa nagawa ko sayo" sabi ni jm

"sorry??nagso-sorry ka ba dahil sinabi yan ni mama o nagso-sorry ka dahi..."

"nagso-sorry ako dahil narealize ko na kasalanan ko naman talaga,at ang mali pa dun,yung sinigawan kita kahit kasalanan ko naman" sabi nya na parang nakakaawa

pumunta ko ng kwarto ko at may papel sa kama ko na ang nakasulat ay SORRY LHIA

"Tha-lia,sorry na,alam kong kasalanan ko naman ehh...sorry na ohh" sabi ni jm

"okay na!!" sabi ko iniwan ko sya doon at pumunta ko ng sofa,umupo ako doon binuksan ko yung tv

humarang si jm sa pinapanuod ko "thalia sorry na ohh" nakakaawang sabi ni jm

kinuha ko yung cp ko at doon nalang ako tumingin pero may mga cup cakes na humarang sa cp ko na nakalagay sa box na may nakasulat na SORRY AND I LOVE YOU "SORRY LHIA" sabi ni jm

tumingin ako Jm

"lhia,SORRY" sabi ni jm ng nakasimangot

"hindi ko kailangan ng cup cakes para mapatawad kita yung simpleng sorry mo lang mo lang okay na,sincere na sorry,yung galing sa puso mo" sabi ko sabay turo ko sa puso nya,hinawakan ko yung kamay nya "okay na!!" sabi ko sabay ngiti

niyakap ako ni Jm "salamat" sabi nya

pumiglas ako sa pagkakayakap at kumuha ko ng isang cup cake "ikaw may gawa nito??" tanung ko

"hindi!!" sagot nya sabay ngiti "si mommy"

"ahh" sabi ko sabay kagat "hmmmn..sarap ahh" sabi ko,inialok ko sya ng cup cake at kumagat naman sya "next time wag mo na kong gagalitin ahh"

hinalikan ako ni jm sa pisngi "hindi na po,basta wag ka na rin mag seselos ha.."

tinaasan ko sya ng kilay

"joke lang" sabi nya at nilagyan nya ko ng icing sa pisngi

pinahidan ko rin sya "ang daya mo"


Waiting for him Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon