Chapter 32-good or bad??

14 3 0
                                    

pumasok na kami sa Mall

"nasan na kaya si Biancky??" tanung ni Paul

"sakin mo itatanung ehh girlfriend mo yun" sabi ko "tawagan mo kaya"

"lowbattery kasi ako" sabi nya

"ayan!!kaya napagkakamalan ka na may ibang Girlfriend ehh,lagi ng lowbattery kapag naman hindi lowbattery,nakapatay naman,ano ka bang klaseng Boyfriend??" tanung ko na may halong sermon

"uber ka naman Thalilang,sinasadya kong hindi sinasagot yung mga tawag nya kasi balak kong i-surprise sya sa 4th anniversary namin" paliwanag nya

"awww,ang sweet naman ni pinsan" sabi ko

"naman" sabi nya sabay pa-cute "pero may tanung ako sayo,kasi medyo hindi ko pa gaanong alam yung mga type ng mga Girls,ano bang magandang ipangregalo sa kanya??" tanung nya

"mag-propose ka" mabilis kong sabi

"ha??" mabilis nya ring tanung

"haha,joke lang" sabi ko tsaka ngumiti

ngumiti sya bigla "totoohanin ko kaya yung sinabi mo" sabi nya na super smile :)

"ha?? seryoso ka ba??" tanung ko

"haha,joke lang" sabi nya tsaka sobrang tawa

"lokoloko" sabi ko sabay hinampas ko sya sa balikat "hindi pa pala ko nakain kumain muna tayo" sabi ko at hinila ko sya sa isang Restaurant,sa DoNiZza Lee Restaurant

habang nakain kami

"ang sarap ng pagkain dito nuh!!" sabi ko at hindi sumagot si Paul,uminom ako ng tubig

"what if,totohanin ko talaga" sabi ni Paul at bigla kong tinakpan yung bunganga ko baka masamid ako at bigla kong mabuga kay Paul

nilunok ko yung tubig "seryoso ka ba??" tanung ko

"oo!! 26 na naman ako ehh" sabi nya sabay ngiti

"parang biglaan naman ata" sabi ko

"matagal na naman kami ni Biancky na mag Boyfriend Girlfriend kaya kilala na naman ang isa't isa,nasa tamang age na rin kami,at mahal namin ang isa't isa" sabi nya

"ehh kung yan ang gusto mo ehh,edi go" sabi ko "pero dapat sa mga bagay na gagawin mo dapat handa ka"

ngumiti lang si Paul

"tulungan mo kong mapangiti si Biancky" sabi ni Paul

"hindi ako ang tutulong sayo,alam mo dapat ang paraan kung papano mo mapapangiti si Biancky kasi ikaw ang Boyfriend nya at ikaw ang nakakakilala sa kanya" paliwanag ko

ngumiti sya at tumawa ng malakas "hahahahaha"

lumingon ako sa paligid ko tsaka ko hinataw si Paul "hoooy,hinaan mo nga yung boses mo,para kang baliw dyan!!bakit ka ba tumawa??" tanung ko

"may naisip na ko agad" sabi nya sabay tahimik

ang weird ng pinsan kong to ehh,basta basta na lang tatawa ng malakas,nakakahiya kaya lahat ng nasa Restaurant napalingon samin,weirdow

naubos na yung pagkain namin,kakatapos lang namin kumain ng biglang hawakan ni Paul ang kamay ko at hilahin ako palabas ng Restaurant

"teka teka" sabi ko at bumalik ako sa loob ng Restaurant at nag-iwan ako ng P2000 tsaka ko bumalik kay Paul "san ba tayo pupunta??" tanung ko

"basta" sagot nya at hinawakan nya ulit ang kamay ko tsaka ko hinila

mabilis syang natakbo at parang feel ko anytime pwede ako madulas at madapa dahil alng sa hila hila nya ako "magpahinga muna tayo,kakatapos lang natin kumain" sabi ko habang natakbo

"relax ka lang" sabi nya at patuloy pa rin kami sa pagtakbo kahit pinagtitinginan na kami

"Tha-lia" sigaw nung lalaki

napatigil kami sa pagtakbo,hinanap ko ang tumawag ng pangalan ko at lumingon ako sa likod ko "Jm???" hindi makapaniwalang tanung ko dahil sa nakita ko syang may buhat buhat na Baby

napatingin si Jm sa kamay ko na hawak naman ni Paul kaya bumitaw ako kay Paul ng biglang may babaeng dumating at bumeso kay Jm

"kanina ka pa ba nag-aantay??" tanung nung Babae

napalunok ako at tsaka tumalikod,mabilis akong naglakad palayo habang nakasimangot

"sino sya??" tanung ni Paul

napakapit ako sa pader "siya yung" sabi ko habang namumuo ang luha ko "siya yung la-lalaking iniintay ko" sabi ko at tumulo na yung luha ko

hinawakan ni Paul ang likod ko "okay lang yun Tha-lia" sabi nya

"hi" bati ni Biancky at bumeso sya kay Paul

agad kong pinunasan yung luha ko at naglakad ako mag-isa

"anong nangyari doon??" tanung ni iancky at nag kibit balikat lang si Paul

lumabas ako ng Mall,napaiyak na ko at napahikbi

"Tha-lia" sigaw nung lalaking nasa likod ko at alam kong si Jm yon

pinunasan ko yung luha ko tsaka ko humarap sa kanya "anong ginagawa mo dito??" tanung ko

"nawala ka kasi bigla kanina" sabi nya

"umalis talaga ko" sabi ko

"kamusta??" tanung nya

"iniwan mo ko!! okay lang ako hanggang ngayon okay lang ako" sabi ko at tumingin ako sa malayo

"Boyfriend mo yung kasama mo kanina??" tanung nya

tumingon ako sa mata nya "hindi!! Cousin ko sya" sagot ko

"galit ka ba sakin??galit ka ba dahil iniwan kita" sabi nya

"hindi!! hindi ako galit don" sabi ko "bakit ka pa bumalik dito kung masaya kana don??" tanung ko

lumapit sya sakin "kasi gusto kitang makita" sabi nya

sinampal ko sya ng malakas "gusto mo ko makita?? para ano?? para ipa muka sakin na masaya ka kasama ng pamilya mo samantalang ako nag-intay ako ng matagal kasi akala ko babalikan mo ko" sabi ko at tumulo yung luha ko "nag muka akong tanga Jm,kasi umasa ko na babalikan ako ng inaakala kong mahal pa rin ako" sabi ko tsaka ko sya tinalikuran

"magpapaliwanag ako Tha-lia" sabi nya pero hindi ko sya pinansin at nag daretso ako sumakay ng kotse

mabilis kong pinaandar ang kotse,pagkaparada ko sa harap ng bahay namin lumabas ako ng kotse at tumakbo ako papunta ng kwarto ko,isinara ko ang pinto at umupo ako sa kama

"nag-intay ako Jm" sabi ko habang naiyak "ahhhhhh" malakas kong sigaw at tumayo ako tsaka ko pinaghahagis kung ano ang makita ko "ahhhhhhhh" iyak ko "nag-intay ako" hagulgol ko

biglang bumukas ang pinto at nilapitan ako ni Mama "anak??" concern na sabi ni mama at niyakap nya ko

"Mama si Jm" sabi ko habang nakasandal ako kay Mama "niloko nya ko,Mama nag-intay ako ng matagal,sobrang sakit Mama" sabi ko habang hagulgol

"anak,hayaan mo na sya" sabi ni Mama

"Mama hindi,sobrang sakit Mama nag-intay ako ng matagal pero sana hindi na sya bumalik kung ganto lang ang mangyayari" sabi ko

"anak,tahan na" sabi ni Mama at basang basa na ang damit ni mama dahil sa luha ko

"ang sakit,ang sakit sakit" sabi ko


Waiting for him Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon