I can't take this anymore. My curiousity is killing me. Ni hindi na ako pinapatulog ng letter na natanggap ko. Ilang araw ko nang pinag-iisipan kung tatanungin ko ba sila mom at dad tungkol sa letter na natanggap ko.
Ang resulta ng ilang araw kong pag-iipon ng lakas ng loob ay ang dahilan ng pagtayo ko sa harap ng mataas na gate ng aming mansyon. I know na nasa loob sina mom at dad.
Nangangatog ang aking kamay at nagdadalawang isip kung pipinditin ko ba ang doorbell namin o hindi. Hindi ko ata kayang malaman ang katotohanan, pero hindi na rin ako nakakatulog ng maayos at hindi na din nagiging maayos ang pagsasama namin ni Gio dahil lagi akong balisa at tulala habang magkasama kami. Para na akong nanlalamig habang magkasama kami. At ayaw ko iyong maging dahilan ng pagkatapos ng masasaya naming araw.
"Ma'am Clarisse? Ano pong ginagawa niyo dyan? Pasok po kayo!" Sabi ni Mang Robert na hardinero namin sa mansyon. I guess ito talaga ang dapat mangyari. Dapat ko ng harapin ang katotohanan.
"Thank you po Kuya Bert, nandyan po ba sa loob sina mommy?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot saaking katanungan.
"O-opo Ma'am, tuloy na po kayo. Gusto nyo po bang ipasundo ko kayo sa sasakyan para hindi kayo mahirapang maglakad patungo sa mansyon?" Medyo may kalayuan din kasi ang gate namin sa mismong mansyon.
Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti.
"Hindi na po kuya, kaya ko na po" Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad.
Gusto kong isipin ang mga maaaring mangyari pagtapos ng lahat ng ito. Nararamdaman ko na may hindi magandang mangyayari sa relasyon namin ni Gio pagkatapo nito. Paranoid na kung paranoid pero may oba talaga akong nararamdaman dito, parang ayaw kong ituloy pero ayaw ko ng tumakas sa katotohanan.
Tatlong hakbang nalang at nasa pinto na ako ng mansyon. Huminga ako ng malalim bago buksan ang double doors ng mansyon.
Nakita ko sina Mom at Dad sa sala na sweet na sweet habang nanonood ng isang movie. Sana ganyan din kami ni Gio, hindi ko maiwasang mainggit sa kanila. Maganda ang pagsasama ng mga magulang ko, minsan ko lang sila nakitang nag-away.
"Ehem." Tikhim ko para makuha ang atensyon nila, at hindi naman ako nabigo.
Tumayo si Mom at umamba ng bear hug. Lumapit naman ako sa kanya para mayakap siya.
"I missed you Ija, buti naman at naisipan mong dalawin kami." Sabi ni Mom.
Tumayo na din si Dad at niyakap ako. Hinalikan niya ang noo ko tulad ng lagi niyang ginagawa noon.
"A-ahm. Mom? Pwede ko ba kayong maka-usap ni Dad?" Nag-aalinlangan kong tanong.
"Huh? Oo naman, doon tayo sa office ng Dad mo." Sabi niya. "Lenny! Mag-akyat ka ng meryenda sa office ng Sir mo, okay?" Narinig kong sabi ni Mom sa kasam-bahay namin.
"Okay po Ma'am" Sagot naman ni Lenny. "Magandang umaga po Senyorita Clarisse." Baling niya saakin.
Tinugunan ko lang siya ng ngiti at sumunod na kayla Mom sa second floor. Nandon kasi ang office ni Dad sa bahay. Ayaw niya kasing mahiwalay kay Mom.
Tumikhim si Dad para siguro ay simulan ko na ang pagsasalita.
"Dad, mom, kayo po ang nag-ayos ng papeles ng kasal namin ni Gio diba?" Diretsang tanong ko sa kanila. Wala akong panahon na magpaligoy-ligoy pa, para isang sakitan nalang.
Nakita ko ang Pagkagulat sa mukha ni Mom pero binago niya din ang expression ng mukha niya ng makitang nakatingin ako sa kanya.
"Ija, yes kami ng dad mo ang nag-ayos, may problema ba?" Mahinahon ngunit mararamdaman mo ang panginginig ng kanyang boses. Tumingin lang din ako kay para hingin ang kanyang reaksyon.
Ngumisi ako sa harap nila. Ito ang unang pagkakataon na ginawa ko'to sa harap ng mga magulang ko. I've been such a good girl since I was born.
Binaba ko sa lamesa ang brown envelope na kanina ko pa hawak.
"Bakit hindi mo PO buksan yan Dad?, or maybe you want to do the honor dad?" Nakangisi kong sabi.
Nanginginig ang kamay ni Dad habang kinukuha ang envelope. Marahil alam niya na ang laman nito. Bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha ng makita ang laman nito.
I'm not that naive, pinaimbestigahan ko ang kasal namin pagkatapos kong matanggap ang sulat na iyon. Alam ko din kung kanino iyon ng galing. Nandito lang ako para hingin ang kumpirmasyon sa kanila.
"A-anak.. makinig ka muna saamin please? Ginawa lang naman namin iyon para sayo." Savi ni Daddy habang hunahagulgol naman si Mom sa gilid niya. Parang binibiyak ang puso habang nakikita ko na ganito sila. pero hindi parin maalis sa isip ko ang ginawa nila.
Isang mapait na ngiti lang ang sagot ko sa kanila. Inayos ko ang gamit ko at sinabi ang huling salita ko para sa kanila.
"Thank you for everything. I know I'll eventually forgive you but not now.." Matapos iyon ay nagmamadali na akong lumabas ng mansyon. Sumakay ako sa sasakyan ko habang patuloy padin ang pag-agos ng luha sa mga pisngi ko.
Niloko nila akong lahat, una ang magulang ko sa pagpeke ng kasal. Yes, hindi nakarehistro ang kasal namin ni Gio. Pangalawa ang best friend ko na siyang nagpadala ng sulat. Pinatrace ko ang piang galingan ng sulat at tinignan ko din ang CCTV ng buong subdivision. Nakita ko ang sasakyan niya at siya mismo ang naglagay mg sulat sa bahay. Tama na siguro ang pagiging tanga ko, Kailangan ko ng space para makahinga mula sa mga pangyayari na 'to.
Nakatanaw ako ngayon sa mga ulap, mag-isa ako patungo sa New York. Doon ako muling magsisimula at doon ko huhubugin ang aking sarili..
Sa pagbabalik ko ay ibang Clarisse na ang makikita niyo.
---
A/N:Hi Dahlings! I just want to promote my other story. The Possessive CEO.
You can look at my profile para makita yung story. You can also follow me. Laview! :*
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife (On hold)
General FictionHow does it feel to be his wife? well if you're also curious then read the story of Clarisse Gonzales-Monteverde. Cause she's The Playboy's wife.