Chapter 5

4.7K 109 1
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko. Hindi ko pala ito nasarado dahil sa pagod.


Ang hapdi ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi. Kahit na nakatulog na ako pakiramdam ko pagod parin ako.


Nakita ko ang Cellphone ko sa bedside table kaya in-On ko ito. Madaming Missed calls at messages akong na-receive 97 Missed calls and 53 Messages. 3 Messages mula sa staff ko sa Shop at ang lahat ay galing na kay Gio.


Mabanggit palang ang pangalan niya ay nag-iinit na ang ulo ko.


Nagulat ako ng Biglang tumunog ang phone ko. Akala ko si Gio pero Si Julie pala. Ang Best friend ko.

 

Calling
Julie


"Hello.." Pilit kong inaayos ang boses ko para hindi niya mahalatang umiiyak ako.


"Jusme Clarrise! Nasaan kabang babae ka ha? Kanina pa ako kinukulit ng asawa mo kung alam ko daw ba kung nasaan ka. Ano nanaman ang ginawa ng gagong yon ha?!" Nararamdaman ko na galit siya sa tono ng pananalita niya.


"Nasa mansyon ako ngayon. Sinabi ko sa mga katulong na wag sabihin na nandito ako. Please wag mo sabihin na nandito ako.." Hindi ko na napigilan at napa iyak na ako. Sinabihan ko ang mga katulong na wag sabihin kahit kanino na nandito ako sa bahay. Pinadala ko din ang kotse ko sa harap ng shop para hindi malaman ni Gio na nandito ako ngayon.


"Hindi ko sasabihin sa kanya. Pupunta ako diyan sa inyo. Hintayin mo ako okay?" Tumango-tango ako kahit alam ko namang hindi niya nakikita yon. Pinatay ko na lamang ang tawag.


Nagpa-akyat nalang ako ng pagkain sa katulong namin dahil pakiramdam ko hinang-hina na ako. Uminom na din ako ng paracetamol para mawala ang sakit ng ulo ko.


Habang nakatulala ako ay naalala ko kung pano ba nagsimula lahag ng ito.

---



The Playboy's Wife (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon