This is the third day ng pag-aaway namin. Tinawagan na nadin ako ni Mommy Fia, mommy ni Gio. Hindi na daw niya kasi maka-usap si Gio. Hindi na din daw pumapasok sa opisina kaya nag-aalala na sila.
Nakapag desisyon na ako at sana ay wala akong pagsisihan sa naging desisyon ko.
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay namin ni Gio. Yes eto ang desisyon ko. Bibigyan ko pa siya ng isang chance. Kesa naman ako ang magsisi sa huli diba?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bakit patay lahat ng ilaw? Nasaan kaya si Nanay Rita?
"Ay!" Natalisod ako sa isang beer in can. Bakit may may kalat sa tapat ng pinto?
Binuksan ko yung ilaw saka ko inikot ang paningin ko sa paligid. mas lalo kong nakita kung gaano karumi yung bahay. Nagkalat yung mga bote sa sahig. May basag pa ngang Vase. Bakit ganto kakalat dito?
Hindi ko nakita si Gio sa sala kaya dumiretso na ako sa kwarto namin dati. Pag karating ko sa kwarto ay hindi ko maaninag kung may tao ba sa loob dahil madilim pa ang paligid. Naging bampira naba ang mga tao dito simula ng umalis ako?
Hinanap ko ang switch ng ilaw sa kwarto at agad na binuksan ito, nakita ko si Gio na nakadapa sa kama. Nakatagilid yung ulo niya.
Nilapitan ko siya at pinagmasdan yung mukha niya. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama.
Pag tinignan mo yung mukha niya habang natutulog akala mo hindi makakagawa ng kasalanan pero pag gising naman Jusme. Dumami ang wrinkles ko sa lalaking to.
Hindi kona muna siya ginising. Nilinis ko muna yung mga kalat na ginawa niya. Nag luto na din ako ng tanghalian namin saka ng soup niya para mawala yu g hang over niya. Tinawagan ko na din si Nanay Rita at nalaman ko na pinagbakasyon muna siya ni Gio. Kaya naman pala walang naglilinis ng bahay.
Bumalik na ako sa taas para gisingin si Gio. Mag Tatanghalian na kasi baka malipasan pa siya ng gutom.
"Gio.. uy gising na.." Yinugyog ko pa yung balikat niya. "Gising na..."
"Mmm" yun lang sagot niya sakin
"Gising na ano ba!" Hinampas ko na. Kainis eh.
Bigla nalang itong tumayo.
"Sunog? Saan sunog?" Nagpapabic pa yung boses nito.
Nang kumalma na siya tsaka niya ako nakita. Nakita ko yung gulat sa mata niya.
"Hon ikaw ba yan? Totoo kaba?" Hinawakan niya pa yung mukha ko. Nakita kona nagtutubig na din yung mga mata niya
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife (On hold)
General FictionHow does it feel to be his wife? well if you're also curious then read the story of Clarisse Gonzales-Monteverde. Cause she's The Playboy's wife.