+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Comment and Vote
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
<Alexia's POV>
Nakita kong nahihirapan ang bampirang ito noong hinalikan ko, halata sa kanya na narating na ng lason ang lahat ng parte ng katawan niya.
Itinaas niya ang kamay niya na parang nanghihingi ng isa pang tyansa para mabuhay siya.
"Please! Don't leave me here! I'll give all information you want, just spare my life!", umubo siya ng dugo sa harap ko pero wala akong nakikitang awa sa kanya.
Tinayo ko siya at tinignan ng mabuti.
"Please!", namula ang mga mata ko at nilabas ko ang matalim na pangil at mga kuko ko at sinakal siya. na naging dahilan para magkaroon ng sira ang katawan ng puno.
"Chance?! You never give chances to your victims! They want to live but what had you done! You killed them! You suck their bloods!", galit na galit ko sa kanya... alam kong natatakot siya dahil maging ang mga uwak na naririto ay lumipad palayo sa malakas na sigaw ko.
"Don't do this to me! We are same kind! People are just our meals", sa mga huli niyang sinabi ay hindi na ko nagdalawang isip na patayin siya.
Pinakita ko ang vampire form ko at nagiba ako ng anyo na isang halimaw.
Kinagat ko ang leeg niya at sinipsip lahat ng dugo, malakas na klase ng lason ang binigay ko pero walang epekto ito sa mga tulad namin.
Nabasa ko lahat ng nangyari sa buhay niya, tunay na walang awang pumatay siya ng mga tao.
Nakita ko ang isang bampira na nag-utos sa kanya pero nasa dilim lang siya at wala akong makitang palatandaan kung sino siya... sino ang nag-utos sa iyo?
Binitiwan ko ang wala nang buhay niyang katawan, nakatingin ang mga mata niya sa akin na may susunod sa mga yapak niya.
Bumalik ako sa dati kong anyo, ang anyo kong tao. Puno ako ng dugo at kailangan walang makakita sa akin.
Binilisan ko ang pagbalik kung saan naghihintay ang lalaking iyon, oo nga pala... hindi niya pa nasasabi ang pangalan niya pero kilala ko kung sino siya.
Itinago ko sa bag ang polo at blouse kong puno ng dugo at kumuha ng bago.
"Tara na!", sagot ko pagkalabas ng banyo... mukhang nainip siya eh.
BINABASA MO ANG
FANGS - Book One [Ongoing]
VampireA royal vampire came from Rome to Philippines to do a black order of her superior, consecutive bloodshed occurs in a university, sons and daughters of influential and wealthy business tycoons were murdered by an unknown murderer; Alexia Baggenfort w...