Eighteenth Bite (C.h.18) - The Guest

217 5 1
                                    

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Comment and Vote

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 <Alexia’s POV>

Kanina ko pa pinakikiramdaman itong si Slater at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaalis sa labas ng gate ng bahay ko. Ayoko pa naman ng taong parang nagmamanman sa akin.

Tinignan ko ang oras at 12:10 AM na.

Kinuha ko ung robe ko at bumaba para kausapin siya.

Nakita kong nakaupo siya habang nasa tabi niya ung maleta. Ano ba kasi ang kailangan nito?

“Hoy! Tumayo ka na diyan! Alam mo para kang tanga, ano ba kasi ang kailangan mo at bakit may dala kang maleta? Alam kong hindi ka naman naglayas dahil sa laki mong yan… lalayas ka pa ba? Tss… sabihin mo na kung ano ang kailangan mo?”, kumamot siya ng ulo at mukhang nag-iisip kung ano ang idadahilan niya.

“Pwede bang dito muna ako sa bahay mo para sabay tayong pumunta sa academy the day after tomorrow at tsaka magkasama naman tayo sa isang van e”, napataas ako ng kilay sa sinabi niya at napabuntong-hininga.

“Fine, just use the guest room. Sumunod ka na… ibibigay ko sa iyo ung susi”, naramdaman kong binuhat niya na ung maleta at sinara ung gate.

Pumunta ako sa kusina at ibinato sa kanya ung spare key ng guest room.

“If you are starving, mayroon diyan sa ref… just make sure na wag ka lang gagawa ng ingay. Bukas na uli tayo mag-usap”, umakyat na ako sa kwarto ko at inalis ang robe.

At last… makakatulog na rin ako. - ___ -

Ni hindi ko na nga hinintay ung sasabihin niya at pumasok na sa kwarto.

12:50…

01:00…

01:10…

01:20…

01:30…

01:40…

01:50…

 

BLAG!!!!

O_o

Damn it!

Napahawak ako sa noo ko at tinakpan ang tenga ko ng unan at nagtakip ng kumot…

02:00…

KLANG!!! TING!!!

FANGS - Book One [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon