+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Comment and Vote
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
<Slater's POV>
Nagising ako ng mga five-thirty at nadatnan ko si Alexia na umiinom ng blood bag. Dumiretso lang ako sa banyo at hindi siya pinansin. I am still thinking what she whispered on me.
Sean... bakit ka pa kasi nagiimbestiga tungkol sa kanya. Hindi mo kilala ang mga Blackwood. Kahit masasabi kong nagkakaroon kami ng romantic thing or kung ano ang tawag sa ginagawa namin ni Alexia.
Kitang-kita ko sa kanya na papatayin talaga ako ni Alexia kapag may nakaalam ng lahi nila... "namin" pala.
Lumabas ako ng banyo at napansin ko na naka-robe pala siya at basa ang buhok. Mukhang naligo na siya at kailangan ko na ring maghanda dahil ngayon na ang excursion ng buong academy.
Kumuha ako ng sabon sa cabinet niya at toothpaste. Ang dami niyang stock ng toiletry.
Binuksan ko na lang ang shower at boiler at nagsimula ng maligo.
Siguro tumagal din ng mga forty minutes ang pagligo ko. Alam kong matagal pero ganun din kasi maligo itong writer ng istoryang ito. Hahaha!
<A/N: (~_~)>
<Slater: (^_^)>
Noong lumabas ako ng kwarto naramdaman kong wala na akong kasama kaya dali-dali ko siyang hinanap kahit nakatapis lang ako at lumabas ng bahay. Wala namang kapitbahay kami kaya ayos lang iyan.
Umalis na siya? Hindi man lang ako hinintay. I sighed at bumalik na para magbihis. Siya pa talaga ang nagwalk-out. Tss. I don't understand girls.
<Alexia's POV>
Nandito ako sa limousine niya at talagang nagulat ako dahil nandito siya. How did she know where my hideout is? Mabuti na lang at hindi si Slater ang nagbukas dahil baka pareho silang magyakapan. Psh.
Hulaan ninyo kung sino ang kasama ko ngayon dito sa limousine at nag-abala pa akong sunduin. Hindi ko naman talaga iiwan si Slater kaso lang mapilit itong isang ito. Mali kayo kung ang iniisip ninyo ay sina Sean or Magnus.
Speaking of Magnus, hindi pa siya nagpapakita simula noong nanggaling siya sa hideout and inaasahan ko na rin na sasama siya sa van namin kaya baka twelve kaming nasa van.
Nakita ko siyang kumuha sa isang ice drawer ng isang blood bag.
"Do you like, Your Majesty?", alok niya sa akin habang inaabot ang isang blood bag at nakita ko sa label na type -AB ang dugo.
Kinuha ko lang ito sa kanya at uminom. Hmm. Masarap talaga ang AB type.
Binuksan ng lokaret na ito ang music at nag-play sa classic. Beethoven na naman ang maririnig ko. Aish!
"Bakit mo ba ako sinundo? Magkikita naman tayo sa Creighton mamaya", ngumiti siya sa akin na parang timang at nagsalita.
"I am just following orders, Your Highness at tsaka ayaw mo bang makita ang iyong most beautiful niece", nandito na naman po tayo sa pagpapakyut niya.
"Fine, sinong nag-utos? Si Sean or Magnus?", ngumiti siya sa akin at alam ko na kung sino.
"Next time, kapag darating ka sa hideout. Magsabi ka muna ah", siguradong si Magnus ang nagbigay ng address ko sa siraulong si Sean kaya inutusan niya naman itong isang ito.
BINABASA MO ANG
FANGS - Book One [Ongoing]
VampirA royal vampire came from Rome to Philippines to do a black order of her superior, consecutive bloodshed occurs in a university, sons and daughters of influential and wealthy business tycoons were murdered by an unknown murderer; Alexia Baggenfort w...