Fifteenth Bite (C.h.15) - The Outcast Prince of Blackwood

322 8 2
                                    

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Comment and Vote

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

<Alexia’s POV>

Nagising ako dito sa kwarto ko ng may mga katabing lalaking bampira. Oo nga pala, kumain pala ako at binuhat ng isang bampira patungo sa kama ko at tuluyang nakatulog.

Ginamit ko ang bilis ko at pumunta sa harapan ng salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili ko na mayroon pang dugo sa labi.

Tinignan ko ang mga bampirang katabi ko at nakatingin sila sa akin na para akong inaakit at gusto nilang inumin ko ang kanilang dugo. Bumalik ako sa kama at kinuha ang kwintas ko nuong hinatak ako ng isang bampira at inaamoy ang leeg ko.

Tinignan ko siya at binitiwan niya ako. Alam niyang ayoko sa mga hindi sariwa at pinagsawaan ko na sila.

Narinig kong kagigising lang ni Slater at talaga palang hindi siya nailang sa amin dahil tulog na tulog siya simula ng kumain ako. As a matter of fact, mas masarap pa ang kagat ng bampira kaysa sa sex dahil siguro mas nagbibigay ng lust ito.

Nagbihis na ako ng pampasok sa Creighton at pinalabas ko na rin ang mga bampira sa kwarto ko. I just gave a confused look to Slater kung bakit hindi pa siya umaalis.

“Tss, bahala ka nga”, hinubad ko na ang damit ko at nagulat ata siya sa ginawa ko. Tama, magbibihis ako kaya pinalabas ko sila pero tutal ayaw niya bahala siya, nakita naman niya ito eh.

Bakit sa tuwing naamoy ko ito si Slater parang sariwa lagi ang dugo niya, gustong-gusto kong tikman ang matamis at mabango niyang dugo.

“Slater…”, tumingin naman siya sa akin pero bihis na ako.

Nagtatanong lang ang mga mata niya sa pagtawag ko pero bago ko pa pasalitain si Slater, hinatak ko siya sa kama at pumatong sa kanya.

“Shhh! It won’t hurt”, pinakita ko ang vampire fangs ko at kinagat siya sa leeg. As I expected, masarap talaga ang mga dugo ng converted vampires.

Naramdaman kong kinagat din ako ni Slater at umiinom ng dugo ko habang nagsasalitan kami ng mga halik.

Bumalik ako sa sarili ko noong may kumatok sa pinto.

Binigyan ko lang si Slater ng isang huling smack at tumayo na. Paniguradong ang mayordoma ang kumakatok.

“What?!”, inis na salita ko noong nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko.

“I’m sorry young lady, the queen is at the royal dining hall, she wanted you and the filthy blood to be there and join the royal feast”, I just sighed and told that we will be downstairs in a few moments.

Sinabi ko kay Slater na magsuot ng isang pormal na damit dahil kakain kami kasabay ng mama ko, ang reyna at sinabi kong huwag na siyang magsalita pa ng ibang bagay hangga’t hindi siya tinatanong at mukhang nagkaintindihan naman kami sa bilin ko.

Nang binuksan ko ang pinto ko ay apat na gwardiya ang nag-iintay sa amin at dalawang katulong, nagbigay sila ng respeto sa akin at pinauna ako samantalang nasa hulian si Slater na parang kung titignan ay ginawa siyang alipin.

<Slater’s POV>

Pinagbuksan kami ng dalawang gwardiya sa royal dining hall at nakita kong nakaupo ang reyna sa dulo ng lamesa na pwedeng upuan ng dalawampu’t dalawang tao.

Kung ipapaliwanag mo ang nandito ay ang bawat upuan ay inukitan ng magagandang detalye. Labindalawang chandeliers ang mga nakasabit na iniilawan ng maliliit na bumbilya. May higanteng fireplace din dito na may portrait ng isang middle aged na lalaki. May mga paintings din sa pader na pininturahan ng mahogany.

FANGS - Book One [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon