Sana may nagbabasa pa nito hehe.
Hopia like it.
Vote.. Comment and Share ayos na ako.
Salamat.
#143DWASC
♣♣♣
Punong puno na naman ang Eruption bar ngayong gabi, kakatapos lang ng drag race ng kampo nila Viceral laban sa kampo ng mga Ayala Boys.
Sunod-sunod na pumasok ang Team Viceral kasama ng mga chika babes sa loob ng bar at pumuwesto na sa nakareserve na mga mesa. Agad naman silang nilapitan ng may-ari ng bar at dalawang waiters dala ang mga iba't ibang alak.
"Viceral balita ko sagot mo tong gabi na to? Mukhang madami ka na namang pera ah." Tapik ng kaibigan nitong si Eric ang may-ari nitong bar. Nakipagkamay naman ito sa iba pang Team Viceral.
"Syempre naman nilampaso ko na naman si Dudong, akalain mo gumagaling na ang ugok muntik na akong matalo kanina gahibla lang ang lamang ko sa kanya." Pagmamalaki nito, sabay lagok ng bagong lagay na alak sa tapat nito.
Medyo kinabahan ito kanina, hindi kasi nito inasahan na muntik na silang matalo ni Dingdong first time niyang maungusan pero wala pa rin itong binatbat sa kanya.
Kilala na si Lester at ang Team Viceral sa larangan ng drag racing, sa ilang taon na nakikipagkarera sila hindi pa natatalo si Lester kaya naman ang dating dalawang miyembro lang ngayon ay madami na sila.
Ang Team Viceral at Team Ayala Boys ang dalawang kupunan na kilalang kilala ngayon. Kaya naman pag sila na ang may laban, siguradong madaming mga mga gamblers ang andon mapa-race track man or kahit sa mga liblib na kasalda sa ka-maynilaan at karatig na probinsya.
"I'd better watch your next race bro, I bet I'm missing a lot of fun and money. Pinaghahandaan ka talaga ng kampo ni Dingdong syempre naman ilang milyon na din ang nakubra niyo sa kanila." Ani Eric, at sinalinan ulit ang baso ni Lester ng alak.
"Hahaha of course, you are missing a lot bro. Money and sexy b!tches, nagpatali ka na kasi eh. You better go back to the team. Enjoy your life bro." napakamot na lang si Eric sa ulo niya, since the time kasi na kinasal siya puro business na lang ang inaatupag nito. Tumigil na din ito sa karera at pagsama-sama sa gimik ng grupo ayaw kasi ng asawa niya na sumasama ito sa kanila since alam niya na kilala ang grupo na madaming babae ang nahuhumaling sa mga ito. Hindi na kailangan humanap ng chika babes, sila pa ang mismong lumalapit sa mga Team Viceral.
Pinaikot-ikot ni Lester ang yelo sa baso ng alak nito sabay lagok habang pinagtatawanan si Eric ng Team Viceral sunod-sunod na rin kasi ang pang-aasar dito ng mga iba pa nilang kaibigan tungkol sa pagiging takuza.
Napasandal naman ng madiin si Lester at pakiramdam niya ay tumaas ang mga balbon niya sa batok ng maramdaman ang mainit na dila ng babaeng katabi nito sa ng dumampi ito sa leeg niya.
"B!tch! Can't you see that I'm talking to my damn friend? Pwede ba lumayo ka muna, nakakasawa na ang presensya mo. Ilang oras na kitang kasama, nauurat na ako sayo kanina ka pa dikit ng dikit sa akin." Iritang singhal nito sa babae sabay hawi ng mga kamay nito na nakapulupot sa kanya.
"Ang hard mo talaga tsong." Pangaasar na sabi ni Jhong.
"Pak pak pak ganern." Sabat naman ni Vhong habang pinipigil ang pagtawa nito. Halata kasing nagalit ang babae kay Lester. Tumayo ito sa tapat ni Lester habang nakapamewang.
BINABASA MO ANG
143 DAYS WITH A SEXY CUPID | VICERYLLE
FanfictionIsang maldita at pasaway na anghel ang ipapadala sa lupa para tuparin ang hiling ng isang bagong salta na kaluluwa sa kalangitan. Matutupad niya kaya ang misyon sa itinakdang oras? ©Shairaluane