I

3.4K 142 107
                                    


"Hindi ako makapapayag na taliwasin ng iba ang dapat sana'y mangyayari na."-Reaper.

UNANG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Ang Pagbura sa Listahan}


PITUMPU'T LIMANG porsyento na ang kumakarga sa kanilang mga sistema. Isang gamot na naman ang kailangan nilang inumin upang makontrol ng siyentipikong si Maulim ang kanilang mga isipan. Ngunit hindi nito alam na matagal ng hindi gumagana sa kanilang mga isipan ang gamot na iyon. 

Walumpu't anim na porsyento. Isinubo na nila ang gamot. Ngunit ang bawat-isa ay pinipilit na labanan ito. Iyon na lang ang tanging pagkakataon nila upang makawala sa sumpa ng ekspiremento nito.

Mula sa pitong magkakaibigan ay may isa ng nakawala, si Juke. Unti-unting gumagalaw na ang kanyang kanang kamay. Muling hinampas ni Maulim ang pisarang gawa sa salamin upang sumunod sila sa nais nitong ipagawa. Siyamnapu't limang porsyento. Ang ulo't katawan nila ay naigagalaw na. May nalikhang letra sa kanilang mga lamiseta. Ito ang panibagong leksyon na kailangan nilang aralin para sa panibagong ekperimento nito.

Ngunit patuloy pa rin sa pagwawala ang kanilang mga isipan upang mapigilan ang balak nito. Ito na ang pinakahihintay nila. Sabay-sabay ang anim na natitira, at hinampas ang kanilang mga lamesa.

"No machine. T-time to wake up!" Iginalaw nila ang ulo papunta sa kaliwa at kanan.

"No to controlling! Time to move!" Nagsitayo ang bawat-isa, at itinumba ang lamesa.

Ang bawat siyentipiko na nasa laboratoryo ay napitlag sa kanilang ginawa. Kitang-kita ang takot ng mga ito sa mata. Gamit ang upuan ay hinampas ni Juke ang isang siyentipikong may suot ng puting panlaboratoryo.

Dulot ng pagsigaw ng magkakaibigan ay nayanig ang pader at unti-unting nawasak. Naging makapangyarihan sila sa tulong ng bawat-isa.

Hampas dito, bugbog doon ang kanilang ginagawa sa mga siyentipikong nag-eksperimento sa kanila ng mahabang panahon. Napabagsak nila ang mga naroon sa tulong ng pagtutulungan. Unti-unting sumasabog ang laboratoryo habang pababa sila ng hagdan. Ngunit sa tuwing papalayo sila sa naturang lugar ay nararamdaman din nila ang paghina ng kanilang mga sistema. Pakiramdam nila'y nawawala ang napakalakas na kapangyarihang dumadaloy sa kanilang katawan.

Ang pitong magkakaibigan ay tuluyan ng nakalayo sa naturang laboratoryong iyon.

Sa napakahabang daan ay natanaw nila ang napakalaking tarangkahan. Ito ay kulay pilak na kay tayog, at matatanaw sa loob ang kay kinang na lugar. Maririnig din ang malamyos na musika na tinutogtog ng mga kababaihan na may pakpak sa gilid ng bawat hagdan.

"Hanggang diyan na lamang kayo!" Istriktong wika ng tatlong kababaihan na kay gaganda. Dama nila ang matitinding kapangyarihang taglay ng mga ito sapagkat tuluyan silang napahinto sa kinatatayuan kahit na hindi iniutos ng kanilang mga isipan. Nanigas ang kanilang mga paa, at hindi makagalaw. 

"Sino kayo?" Wala sa loob na tanong ni Raphael.

"Hindi kayo nakatadhana na mamalagi sa lugar na ito," wika ng isa. "Ang ngalan ko'y Eunomia, at ito naman si Dike at Eirene, ang aking mga kapatid. Kami ang tagapagbantay ng pinto ng Olympus, at wala kayong karapatang pumasok dito!"

"Turn off pre. Ang sungit niya, ang ganda pa naman sana," iiling-iling na wika ni Jimmy.

"Ngunit bakit dito kami hinila ng aming mga paa kung hindi naman kami para sa lugar na ito?" Tanong naman ni Jirou nang may pagtataka.

MaceraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon