VI

712 88 48
                                    




"We should face the reality even if we see how painful and tragic it is." -Raphael




IKA-ANIM NA PAKIKIPAGSAPALARAN

{Kaibigan}


x-----o-----x


"Puta naman oh! Hindi niyo ba ako naiintindihan? Kailangan nating balikan si Vlad!" Nagwawalang wika ni Juke habang pinipigilan naman ng mga kasama niya. Gusto niyang puntahan ang kaibigan.


"Juke, isang beses na lang tayong pwedeng dumaang muli dyan. Hindi natin pwedeng sayangin ang pagkakataon, at oras pang natitira... kailangan nating magmadali..." nakayukong wika ni Jonas.


"Juke, kailangan din nating tumuloy para kay, Vlad... malulungkot 'yun kung hihinto tayo dahil wala na siya..." Nakakuyom naman ang kamao ni Summer habang sinasabi iyon sapagkat naiinis siya sa ginawang panlilinlang sa kanila ng Sphinx. Ilang beses siyang nasuntok ni Juke nang pigilan niya itong bumalik doon ngunit hindi niya iyon iniinda. Mas nanaig ang kalungkutan sa kanyang pagkatao.


"We need to move forward, Juke-" Hindi naituloy ni Cash ang sasabihin.


"Move forward? Damn that move forward, Cash!" Sabat naman ni Jirou. Ayaw niyang maramdaman ni Juke na nag-iisa lamang siya sa nararamdaman niya. "Pero kailangan nating ituloy ang misyon para kay, Vlad. Ngunit iyang move forward na sinasabi mo? That's bullshit! It will never happen!"


"We should face the reality even if... we see how painful and tragic it is..." wika ng nanahimik na si Raphael kanina pa. Bilang pinuno ng grupo ay masakit iyon para sa kanya.


"Such a crying baby. Oh come on, Juke! A while ago you contradicted me, right? If you sing what the death note said earlier, this is not going to happen."


"Tumahimik ka, Cash! Hindi ka kasali sa usapan dito!" Maging ang mga ibon ay nagsiliparan. Marahil ay tumayo rin ang mga balahibo nito dahil sa pagwawala ni Juke.


"Tahimik? Paano ako tatahimik? Kung sa simula pa lang kasi, dapat sinabi mo na sa kanilang nanganganib ang buhay ni-" Hindi na pinatapos ni Juke ang gusto pang sabihin ni Cash sapagkat ang kamao niya ay lalanding na sa mukha nito.


"Juke, gusto mo na naman bang madagdagan ang kasalanan mo?!" Galit na ring wika ni Jimmy habang hawak ang pinigilang kamao ni Juke papunta sa mukha ni Cash. "Huwag mong hayaan na madagdagan ng isang pagkakamali, ang dati ng maling-maling nagawa natin!"


"Bakit ba-" Hindi pa rin papaawat si Juke.


"Tama na, Juke. Halika na..." Malungkot ding wika ni Raphael habang iginagaya na si Juke sa kanilang grupo. Ito ang isa sa nirerespeto ng pinakabata sa kanilang miyembro. Hindi naman nabigo si Raphael at tumalima na ang bunso nila kahit labag pa ito sa kalooban niya.

MaceraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon