XXI

346 38 16
                                    

  "Hay buhay... minsan nasa earth, pero madalas nasayo."  

IKA-DALAMPU'T ISANG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Ang Pagbabalik ng Isang Kaibigan}

x-----o-----x


Lalo nilang naramdaman ang matinding kaba ng lumabas ang kampon ni Ursula. Ibat-ibang isdang nakakapangilabot ang naroon. Kung hindi sila gagawa ng paraan, maaring sa ilang saglit lang pagpiyestahan na sila ng mga iyon. Ngunit wala silang maisip! Hindi gumagana ang kanilang mga utak. Animo'y naging blangko ang mga iyon dahil sa sitwasyong kanilang kinakaharap.

Muli itong tumawa, "Sino kaya ang uunahin ko sa inyo?" Animo'y nag-inemini maynimo pa ito. Ngunit madali ring natapos ang kasiyahan nito sa biglaang pagdighay ni Dale.

Lahat ng ininom ni Dale na potion ay lumabas at bumuga sa mukha ni Ursula. Napasigaw ito na animo'y nahihirapan. Sa pagkisap ng kanilang mga mata ay naging isang pugita ito na ubod ng liit.

Hindi sila nakagalaw sa kanilang kinatatayuan dahil sa pagkagulat. Ngunit iba si Dale. Ang hawak na boteng walang laman ay inihanda nito at walang kahirap-hirap na hinuli ang maliit na pugita.

"Boo! Huli ka!" Tuwang-tuwa ang dalaga at nagpaikot-ikot pa sa paglangoy ng mahuli ang pugita. Nakita rin nila kung papaano nagkaroon ng itim na usok ang loob niyon kaya naman agad na tinakpan ni Juke ang bote upang hindi na itong muling makalabas pa. Hindi mamatay si Ursula sapagkat nasisigurado nilang may kapangyarihang nakapaloob sa bote.

Hindi na nila sinayang pa ang oras at mabilis na tumakas sa lugar na iyon. Nakahinga rin sila nang maluwag sapagkat hindi na sila hinabol pa ng mga alagad nito. Gumuho rin ang kaharian ni Ursula na napapalibutan ng ibat-ibang itim na kung ano.

Matapos niyon ay lumangoy silang muli pabalik upang puntahan naman ang charybdis. Inagaw ni Dale ang bote na may potion na hawak ni Vlad at ibinato sa halimaw na iyon.

Nang pumasok sa bunganga nito ang bote ay nagwala iyon. Umalon muli nang kay lakas. Bubwelo sana sila ng paglangoy sa kailalaliman ng dagat na iyon, ngunit dumating ang hari at pinatigil ang napakalakas na alon. Naging matagumpay ang ginawa nito at naging kalmado iyon.

Matapos niyon ay hindi na nila alam ang sunod na nangyari. Naggising na lamang sila na nasa pangpang na ng lawang pinanggalingan nila kanina.

Unang nagising si Dale, at tinakpan ang kahubaran ng tela na naka-kalat sa lawa. Nagmadali siyang umalis sa katubigan sapagkat alam niyang pulang-pula na ang kanyang mukha. Hindi naman siya ganoon kapangahas upang tignan ang tatlong Adonis na wala ring saplot sa katawan matapos mawalan ng buntot. Pagkaahon na pagkaahon niya ay naghanap siya kaagad ng maaring itakip sa mga armas ng mga ito. Ang mga makakapal na dahon ang nakita niya. Nakatakip ang mga mata niya nang ibato ang mga iyon sa mga binata. Ngunit hindi pa rin nagigising ang mga ito kaya mula sa malayo ay pinagbabato niya ang tatlong binata ng maliliit na bato.

"Aray!" Reklamo ni Vlad na nasapol sa ilong.

"What the heck?" Singhal naman ni Jirou. Maaring nagising ito sa lakas ng sigaw ni Vladimir.

"Mapapatay—" hindi na naituloy ni Juke ang sasabihin nang makita si Dale. Ngunit hinahaplos-haplos nito ang bunbunan na natamaan.

"Bilisan niyo na!" Singhal ni Dale sa mga ito, at pinaikot pa ang mata.

"Geez... my head is spinning." Reklamo ni Jirou.

"Common dude, paano iikot ang ulo mo? Ano iyan camera 360 degree?"

MaceraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon