XXII

315 33 11
                                    



"Matatapos din ang lahat. Tiwala lang. Gawin niyo ang nararapat habang maaga pa, at may oras pa kayo. Maniwala kayong kaya niyo lalo na't nariyan ang mga kaibigan niyo. Paniguradong malakas kayo."- Circe

IKA-DALAWANGPU'T DALAWANG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Ang Habilin}

x-----o-----x



"Ilag!" Mabilis na hinatak ni Vladimir si Dale sa paparating na matalim na sapot. Muli nanamang lumabas ang matinding galit ni Juke at nagpaulan ng suntok. Ang humarang sa dinaraanan niya ay nasisigurado nilang patay.

"Salo!" Ibinato ni Nasrah kay Jirou ang isang nakarolyong scroll at isang panulat.

"Hala siya oh! May balak ka pang magpaguhit kay Jirou?" Takang tanong ni Vladimir habang nagpapatuloy sa pagsangga at pag-ilag. Nasa likod pa rin si Dale na pinoprotektahan niya. Napansin niyang natatakot ang dalaga ngunit hindi lang pinapahalata.

"Tanga!" Singhal ni Nasrah kay Vladimir. 

"Hay..." Napabuntong-hininga na lamang si Vladimir. "Parang hindi prinsesa..." isang hampas ang natikman ng kalaban niya. Agad namang tumumba ang isang chimera.  "Nakita niyo iyon? Ang galing ko!" Nagtatalon pa ang binata ngunit saglit lamang sapagkat may susugod nanaman.

"Jirou lumayo ka na dito, at gumuhit ng bagay na sa tingin mo ay makakatalo sa kanila! Pagkatapos mong gumuhit ay ipagpag mo ang papel na iyan sa kalaban mo ng hindi binibitawan! Gamitin mo ang isip mo upang malaman ng iguguhit mo ang kanyang patatamaan! Nagkakaintindihan ba tayo?" Kahit nahihirapang makikipaglaban ay patuloy pa rin ang prinsesa sa pakikipag-usap ng pasigaw upang magkarinigan sila.

Agad namang sumunod si Jirou at tumango na lang saka lumayo ng hindi napapansin ng kalaban. 

Nagpatuloy namang muli sa pakikipaglaban ang lahat.

Nakikita niya ang paghihirap ng bawat-isa lalong-lalo na si Juke na napakatindi pa rin ng galit.

Napansin ni Jirou ang galing ni Nasrah sa paggamit ng espada. Mukhang matagal na rin itong nagsasanay katulad ni Cash. Masasabi niyang kakaiba pala talaga ang mga nilalang sa lugar na ito. Hindi pangkaraniwang. Kaya dapat masanay na siya.

Nang mapansin ni Jirou ang paparating na kalaban mula sa likod ni Juke ay nagmadali siyang gumuhit ng tatlong punyal. Ipinagpag niya iyon paharap. Inisip niya kung sino ang patatamaan niyon, at ganon na lamang ang pagkagulat niya sapagkat tumumba ang isang gagamba na may pinagdugtong na isang pagong sa likuran. Bumulwak ang dugo nito ng tamaan sa puso.

Agad din siyang nakabawi sa pagkagulat at gumuhit ng tatlong lubid na animo'y pansilo. Espisipiko niyang inisip kung sino ang ilalagay sa dalawang maliit at isang malaki na lubid. Animo'y iwinasiwas niya ang tinta at naging malaki ang lubid saka isa-isang nakulong sa pinakatuktok ng kweba ang kanyang mga kaibigan. Parami nang parami ang mga chimera spider kaya mas binilisan niya pa ang kilos sapagkat susugod na ang mga ito sa kanya.

Isang metro na lamang ang layo sa kanya kaya muli siyang tumakbo.

"Ano ba 'to? Pababain mo kami!" Nag-echo ang boses ni Vladimir sa kweba ngunit mas malakas pa rin ang boses ng mga hayok na hayok na chimera na kainin siya.

Pagkarami-raming bomba ang kaagad na naiguhit niya.  Ibinaligtad niya ang papel at sa likod naman niyon ay matatalim na espada. Agad niyang ipinagpag ang papel at nabuo ang nakakamatay na ginuhit na bomba mula sa tinta. Yumuko siya upang hindi tamaan ng pagsabog. Pagkatapos niyon ay lumabas naman ang libo-libong espada at tinamaan sa puso ang mga natitira!

MaceraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon