Chapter 31

5 1 0
                                    

"Alex..."

"Alex"

sino ba kasi itong istorbong ito?! Natutulog pa ako eh. Tsk

"Alex!!!!!!"

Toogsh! "Aray!" Napahawak ako sa puwetan ko dahil sa pagkahulog. Nagulat lang naman kasi ako sa sigaw ni manang!

"Hay nako, pasensya na anak. May naghahanap kasi sayo. Kanina pa." Ha? Wala naman akong alam na pupuntahan ko ngayon. Hmmm sino kaya yun?

Kriiinnggg kriiinnnggg (calvin calling)

"Hello cal-"

"What the! Alex! Its already 5 o'clock! At kanina pa ako dito sa labas ng bahay niyo nag hihintay! Ayaw naman akong papasukin ng maid niyo dahil baka daw magnanakaw ako! Sa gwapo kong ito?! Pagkakamalan ako! Ugh!" Inis niyang sabi. Lagot na!

"Oh, sorry cal. Ano kasi kagigising ko lang. Pasensya na saglit lang mag bibihis lang ako. Wag ka ng OA diyan." Sabi ko at ibinaba ko na yung tawag. Grabe pala magalit yun. Huhu

Nagmadali na akong umakyat at nag bihis na. Simple clothes lang ang sinuot ko dahil may ibibigay naman silang damit para sa performance mamaya. Tutal last performer naman kami ni calvin.

So heto na nga papalapit na ako sa kinaroroonan ni calvin na naka sandal sa kotse niya.

"Hi😊" tipid lang akong ngumiti dahil nahihiya parin ako sakanya. Ikaw ba naman ang mag hintay ng ilang oras at hindi pa papasukin!

Agad naman siyang napangiti. Salamat naman at ok na ang mood niya.

"Tsk. Even if you made me mad, i cant resist that smile" sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Shoot!!! Feeling ko nag red na ng bonggang bongga ang pisngi ko!

" ah eh tara na?"  Kanina pa kasi kami nag tititigan. Baka matunaw na siya! Hahaha

"*chuckles* sure tara. Kanina pa tawag ng tawag si rhian" sabi niya at dumeretso na kami sa orphanage.

Tahimik lang kami sa biyahe. Hanggang sa makarating kami sa orphanage. Mukhang ready na ang lahat.

Naglagay kasi sila ng mini stage sa gitna ng ground pabilog siya. Tapos mga sound system. May mga media rin dito. At walang humpay sa kaka flash ng camera. Nandito na din yung mga bata at sila sister. At bakas sa mga mukha nila na nagustuhan nila.

Naglakad ako papalapit kina sister habang si calvin naman nasa likuran ko.

"Good evening po sister" sabi ko sabay bless. Siniko ko naman si calvin at ginawa din niya yung ginawa ko. Nung una mukhang ayaw pa niya buti nalang at nakuha siya sa tingin. Haha

"Nako iha, sobra sobra na itong ginawa niyo para sa mga bata. Tignan mo oh tuwang tuwa sila. Maraming maraming salamat sainyo. Madaming blessings ang darating sainyo dahil sa pagtulong niyo"  sabi ni sister at napaluha pa.

"Nako wala po yun sister. Kung hindi dahil sa orphanage na to at hindi dahil sa tulong niyo wala ako dito ngayon. Kaya maraming salamat din po. " sabi ko at niyakap ko si sister. Malaki ang utang na loob ko sakanila. Gusto niyong malaman? Saka na! Heheeh

"Uhm. Excuse me po. Pero kailangan na po kami sa backstage para mag ayos. Magsisimula na po. " sabi ni calvin kaya naman nagpaalam na kami kina sister at dumeretso na sa backstage.

Nakita ko naman ang The Emp na nilalagyan na ng make up. Pati na rin ang G-Force sila kasi ang makakasama ng The Emp na sasayaw mamaya.

"Hey guys! We're here!" Lakas ng boses ni calvin siguro rinig hanggang palengke.  Napatingin naman silang lahat saamin.

"Goodness! Hindi pa kayo nakabihis? Come! " sabi nung bakla at hinila na ako pati din si calvin pero may mag aayos din sakanya.

Napadaan kami sa harap ni ashley. At kung makatingin kala mo naman may kasalanan ako sakanya. Tsk! Ang sama kasi ng tingin niya. Inirapan ko nalang siya at nagpatangay na dito sa baklang make up artist na ito.

Nagsimula na akong ayusan ng baklang make up artist na to. Light make up lang naman eh kaya mabilis lang to. 

"Can you leave us alone for a minute." Huh?! Si ashley lang naman po yun. Anong problema nito?!

"Sure tapos na din naman eh. Toodles!" At gumora na ang baklang baboy na yun!
Agad ko namang tinignan si ashley na nakasandal sa may pintuan.

"So what now!?" Sabi ko. At nginisian lang ako.

"You look good. Nagmukha kang tao. Pansamantala lang naman yan. Hahahaha!" Sabi niya at tumawa pa! Kainis!

"Kung pumunta ka lang dito para inisin ako, well makakaalis kana. The door is widely open." Sabi ko with a matapang voice. At nag cross arms pa ako.

"Have you forgotten that im your master? *smirk*  masyado ka atang nag eenjoy sa company ni calvin. Huh! Lets see!" Sabi niya at nakipag sukatan muna ng tingin. Kulang nalang umapoy yung mga mata namin. Pero agad ding natapos nung tinawag na kami ni manager rhian.

I do believe in Forever❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon