The Red Victoria

104 7 1
                                    

Hello Readers!! Sorry kung ma didisapppoint ko kayo kasi hindi ito update ng story. It's just... I want you to meet the Red Victoria!! Anyway... the next chapter is not also the continuation of the story but.... hihi sa next chapter ko na lang sabihin.... ^_^


‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡

~The Red Victoria~

A group of girl group gangster na kung saan na binubuo ng limang babae. Ang leader na si Ella Daisy Sy also known as Ella. And the four beautiful girls, Princess Diana Garcia or Diana,Marie Jade Cruz or Jade, Rose Athena dela Cruz or known as Athena and Sophia Chloe Scott.

~Ella Daisy Sy~

The leader of the gang group. The most powerful of all the legendary gangster. Nagmula siya sa pamilyang Sy na kilala sa pinaka makapangyarihan na mafia organization sa buong mundo. She is also known as 'The Ice Princess'. Tinawag siyang Ice Princess dahil pag oras ng laban ay wala siyang sinasanto. Nagiging sintigas ng Ice ang puso nya kapag oras ng patayan o ng bugbugan. Hindi nya rin hinahayaang mabuhay pa ang mga taong gustong pumatay sa kanya. Madami ang nakakakilala sa kanya bilang Ice Princess pero ang iba ay tinatawag siyang Bloody Ella. Marami ang gusto pumatay sa kanya dahil marami ang naiinggit at gusto rin na humalili bilang Ice Princess. Marami ng pinatay si Ella kasama ang Red Victoria and tanging siya lang mismo at ang ibang taong malalapit sa kanya at ang Red Victoria ang nakakaalam nito. Ang alam ng iba ay sinasaktan lang nito ang mga nakakalaban.

~Princess Diana Garcia~

Ang pinakatahimik sa grupo pero siya din ang pinaka mainitin ang ulo bukod kay Ella. Bihira siya magsalita sa ibang tao pero pag nagsalita yan sa hindi niya kakilala ay asahan mo na ang lagi nyang pag sigaw sayo. Pero pag sa harap ng Red Victoria ay maayos siya. Siya rin ang pinaka matalino sa buong grupo. At katulad ng kay Ella ay galing sya sa pamilyang Garcia na kung saan hawak ang titulo ng pangatlo sa pinakamalakas na mafia organization sa buong mundo. At dahil sa pagiging matalino nya ay siya ang pinaka tuso sa lahat. Lahat ng patibong na naihahanda sa kanila ay agad niyang nalalaman. Kumbaga siya ang utak ng kanilang grupo.

~Marie Jade Cruz~

Ang pinaka bata sa grupo. Siya rin ang pinaka masayahin sa Red Victoria. Siya ang clown ng grupo dahil sa taglay niyang kasayahan. Siya rin ang pinaka maayos na kausap sa kanila. Nagmula siya sa pamilyang Cruz na kabilang sa lima o huli sa pinaka malakas na mafia organization sa buong mundo. Siya ang tanging tao sa grupo nila na walang napapatay.

~Rose Athena dela Cruz~

Ang pangalawa sa pinakabata sa grupo. Lagi syang nambabara sa lahat ng sinasabi mo. Siya ang pinakamaliksi at mabilis kumilos sa mga laban maliban kay Ella. Galing siya sa angkan ng dela Cruz na kabilang sa pangatlo sa pinakamalakas na mafia organization sa Pilipinas.

~Sophia Chloe Scott~

Ang pinakamatanda sa grupo. Siya ang pinamataray at masungit sa buong grupo. Pangalawa sa pinaka maraming napatay sa grupo nila bukod Ella. Galing sa angkan ng Scott na panglima sa pinaka malakas na mafia organization sa Pilipinas.

‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡

Yan na po hihihi... Si taeyeon or si Ella po yung nasa taas hahaha

When Ms. and Mr. Gangsters MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon