Preperation (2)

2 0 0
                                    

Lahat ng bakante ko dun ko iginugugol para sa surprise. Ilang araw nalang kase e, si kyung palang yung kasama ko. Medyo busy kase si yeol ngayon.

Thursday na, kalahati na natatapos kong nadekorasyonan. Ang lawak kase.

"Tngna, kalahati palang yan ah."

"Haha eh ano naman?"

"Wala ang ganda na."

"Salamat kwags haha."

"Pinuri nga kita, inasar mo naman ako. Parang ang unfair naman ata?" Sabay pout niya. Ang cute niya!

"Lapit ka kyung."

"Ha? Bakit ba?"

"Basta lapit ka nalang!" Linapitan na nga niya ako.

*tsup*

O_O - mukha niya haha.

"La ka ba't ka nanghahalik."

"Haha wala. To naman kung magulat parang first time mahalikan ah?"

Nagsi-lapitan naman mga kabanda ni kyung.

"Haha first time nga niya."

"Wala pang first kiss yan kahit sa pisngi."

"Maarte e."

"O////O seryoso?" Nahiya naman ako bigla.

"Di naman kase porket babaero lesly, nagpapahalik. Diba kyung? Haha!"

"Mag-celebrate tayo! May first kiss na siya!!!! HAHAHAHA!" sabay pat nila sa likod ni kyung at balik ulet sa praktis.

Tahimik pa rin si kyung hanggang ngayon.

"K-kyung," lumingon naman siya pero blank face -_-

"Galit ka ba? S-sorry diko naman alam e."

"Okay lang. Just never mind."

"Eh ba't ang sungit mo na?"

"Wala. Nagulat lang ako. U-uuwi na ako." At bakit nauutal-utal yun? At umalis na nga siya. Hala? Anong nagawa ko?

KINABUKASAN

Duty ulet namin ni kyung. Okay na siya, yung parang walang nangyare kahapon. Magsosorry pa sana ako ulet kaso baka maalala niya at maging awkward pa ulet.

"Ah kyung sasama ka pa ba saken mamaya? Mag-oovertime ako sa pond."

"Kami rin naman e, pero hanggang 12 lang mga kabanda ko."

"Eh ikaw? Hanggang bukas kase ako dun."

"Dun kana matutulog?"

"Oo naman."

"Ewan ko lang." Duty kase namin hanggang 12 noon lang tapos diretso pond na.

So pagkatapos ng duty andun na kami agad sa pond.

Nag-sabit na ako ng mga dekorasyon. Wala pa si baby baka bukas pa yun maka-punta dito, busy e..

Nag-paint narin ako ng walls. Ako lang kase may alam ng design e.

Habang sila kyung, kumakanta. Ang ganda nga e, nakakarelax para bang nawawala pagod ko sa ganda ng boses niya? Haha. Tinutugtog nila ngayon yung "Halaga" ni parokya.

~umiiyak ka na naman..
Langya talaga wala ka bang ibang alam?

Namumugtong mga mata. Hindi ka ba kaya'y nagsasawa?~

Lalalalala.~ hayyy!

Diko namamalayan yung oras gabi na pala and it's already 9 pm.

May kumalabit saken.

"Kumain ka nga muna," sabi ni kyung with a blank face.

"Ah mamaya na----...."

"Tss, kakain ka o kakain ka? Dalian mo na."

"Sungit neto." Inirapan niya lang ako at hinila sa mesa. Kumakain na rin mga kabanda niya. Sinabayan ko na rin sila,

"Wow ang sarap ah! Sino nag-luto neto?" Napatingin naman sila lahat kay kyung.

"IKAW? KYUNG?! O_O." Nagsitawanan naman mga kabanda niya.

"Kaya nga naiinlove mga babae sakanya e. Haha!"

Ahh kaya pala.

"Wala sa mukha no? Hahaha."

"Oo nga e hahaha sa pagkakaalam ko kase bossy to." Puna ko rin.

"Haha tangina niyo, kumain na nga lang kayo!" Tawa na rin ni kyung.

Natapos kaming magpa-hinga mga alas 11.

"Tol, last practice tas uwi na." Sigaw ni kyung. Ay so mag-isa ko mag-damag?

Nagpraktis na nga sila ako naman, pinagatuloy ang pag-pinta. Konti nalang! Sa wakas!

"Wow lesly, ang gandaaaa."

"Sana sa wedding ko ikaw rin ang mag-decorate!"

"Haha. Magaling talaga to, idol." Sabay akbay saken ni kyung. Pinisil ko naman cheecks niya. Napansin kong nagulat ulet mga barkada niya.

"Nagpapapisil ka na rin ng pisngi mo tol???" Namula naman bigla si kyung at inakay mga kabanda niya palabas.

"Sht tol haha. Totoo ba??" Mga bulungan ulet nila.

Nagpa-tuloy nalang ulet ako hanggang sa matapos na. Umuwi na nga si kyung.

Matapos nun, nag-ayos na ako ng table.

"Tulungan na kita."

O_O

"Akala ko ba umuwi ka na?"

"Pwede ba kitang iwan dito mag-isa? Baliw." May part saken na kinilig. Ewan ko ba.

"Yieee ang sweet mo talaga kwags."

"Sweet naman ako sa lahat e haha."

Nga naman.

"Haha." Tinulungan na nga niya ako hanggang sa natapos na lahat. Yung pag-lagay nalang ng glitters at petals ang kulang pero bukas na yun para di masira.

Nag-punta muna kami sa sand at humiga ako agad.

"Tayo ka nga muna."

"Ha? Bakit? Tinatamad nako."

"Tss." Binuhat niya half body ko at inihiga sa legs niya.

"Tulog na, babantayan kita."

Nag-smile lang ako sakanya at napanatag na ako. So I close my eyes at nakatulog na.

"Tulog na lesly, masasaktan ka pa bukas."

The heart wants what it wants ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon