The surprise (2)

2 0 0
                                    

-fast forward-

11:40 na, inayos ko na lahat-lahat. Nag-text na kase sila e, tinignan ko yung kabuuan. Perfect!

Andito na sila kyung, nag-aayos na sila ng set nila.

11:50 papunta na daw sila yeol dito.
Nag-punta na ako sa likod ng barko na malapit din doon.

Saktong 11:59 andun na sila. One minute before 12 inalis na nila piring ni nik at nagsi-ilaw na mga lights, napa-iyak siya sa tuwa.

Lumuob na nga sila. Nag-start nang nag-play yung music.

Yung kantang 'it might be you.' Ang ganda. Napakaromantic.

Sa gitna ng kanta, si yeol na yung kumanta. Ngayon ko lang siya narinig kumanta, ang ganda. Para akong mababaliw sa ganda.

Nung nag-end yung kanta,

"Hi bae," sabay wave niya kay nik na naka-upo sa table. Asa mini stage kase si yeol.

"First of all, I am so very happy and thankful that we made this far and I wish that this love will never last until we reach the road of 'forever'. I love you very much bae. You're the only girl that I see in my future. You always give me strength. You made me bloom and you made my life with full of love. Sana hindi ka na mawala, please be my girl forever. Happy anniversarry bae."

Punas ng punas ng luha si nik. Sinong di matotouch dun? Napakasweet na tao ni yeol.

Inakay palabas ni yeol si nik at saktong pag-labas nila pumutok na yung fireworks na may nakalagay na

'YOU WILL ALWAYS BE MY GIRL BAE, ILOVEYOU.❤'

Sweet diba?

At nagsi-labasan na pamilya nila. Including papa,

"T-thank you for all the efforts bae, I am very lucky that I have a man like you. You are the sweetest and you're also the only boy I love. I'm sorry for the times that I am scolding you it's just that I am so very afraid to loose you. You are my life bae and yes, I want to spend my whole life with you. Iloveyou you so much."

Napa-aww lahat sila and the next thing that they did really broke my heart. I didn't expect to feel hurt if I saw them kissing.

Nakaramdam ako ng sakit kase makikita mo talaga yung love na namamagitan sakanila.

Ang sakit.

Enexpect ko na to lahat diba? Bakit ang sakit parin?

You can also see the happiness from the people around them. Sana maging ganun rin si papa saken, sana ganyan din siya kasupportive, sana ganayan din siya kasaya kapag anjan ako. Awa nga lang ata nafefeel niya pag nakikita ako e.

AWA lang never naging pagmamahal.

Napa-upo nalang ako, hindi ko na sila kayang makita pang masaya. Ang sakit kase e, sobra.

Bigla namang may kumalabit saken,

"Happy birthday Chachan." Sabay ngiti saakin ni kyung.

"H-ha? Paano mo alam?"

"Haha kwinento mo saken na magkasunod lang kayo pinanganak diba?" Napatawa nalang ako. Tamo? Ni hindi ko na maalala birthday ko. Never na kase akong nag-celebrate simula nung naging ganun si mama.

"Oo nga no?"

"Minsan kase, kelangan mo ring isipin sarili mo. Tara let's celebrate. Ako bahala sa'yo," hinila na niya ako papunta sa kotse niya.

Nakarating kami sa isang bar, ngayon lang ako nakapunta dito.

"Drink all you want. This bar is mine."

"Totoo?"

"Yup, feel free." Nag-start na kaming mag-shot.

Shet heaven, ngayon ko nalang ulet nagawa to.

Kyung's Pov

I just let her get drunk, hanggang sa gusto na niyang kumanta sa stage. So binigay ko naman, sinabihan ko mga tao na makinig sakanya. She barely needs it.

Kumanta siya ng 'The heart wants what it wants.' Ni Selena Gomez.

Futek, ang ganda ng boses niya. Ang sexy na ang lamig.

~ You got me 'sippin on something, I can't compare to nothing.~

Parang nadala nalang din mga tao, pati nga ako e.

Pagkatapos niyang kumanta,

"Happy birthday to myself!!! Yeah!" Automatic namang kumanta mga tao ng birthday song.

"Hahaha salamat! Buti pa kayo kinakantahan niyo ako, e yung pamilya ko? Never nilang inalam kung kelan ako pinanganak! Puta ginawa nila ako pero hindi nila alam kung kelan ako lumabas? HAHA saya diba? PUTANG-INAAAA!

*hik* pagod na pagod na akong umintindi at magpa-saya ng iba. Eh ako? Kelan ba akong magiging masaya? Kelan din ba nila maiintindihan na nasasaktan at umiiyak din ako!!! *hik* kelan?? Hahaha. Puta maalala lang siguro nila ako kapag naka-burol nako, kunware iiyak sila, kunware nag-sisisi sila. Sus kelangan ko pa ba talagang gawin yun alalahanin lang nila ako? Puta bakit?!

Wala na ngang pake saken papa ko, wala rin pake saken yung mama at yung taong mahal na mahal ko na nagpapaksaya kase anniversarry nila ng half sister ko na anak ng tatay ko sa ibang babae. *hik* buti pa sila ang saya-saya nila. Ako never akong naging ganun kasaya, *hik* I love them, but my love will never get paid back. Buti pa nga kayo nakikicelebrate saken e, salamat ah? Lalong-lalo na sayo KYUNG! AYLABYOW! HAHAHAHA. *HIK*"

Naiyak na lahat ng tao dito, pati ako. Nakakaawa kase siya, She doesn't deserve this kind of treatment.

Inakay ko na siya palabas ng bar, lasing na siya e. Bago ko siya naipaloob sa kotse, kung ano-ano pang sinasabi niya.

"Wait, baka kelangan ni yeol ng tulong sa paglilinis sa pond. Tara dun haha!"

"Sht just get inside the car. You're drunk."

"Haha nope, he needs me. I know he does,"

"No chan, andun si nik. Hindi ka na hahanapin nun." That words made her shut her mouth and just went inside the car.

Sa condo ko muna siya matutulog.
Nung asa condo na kami, inihiga ko na siya sa kwarto ko.

Frm: Kuya
Kasama mo ba si Chan? Asap.

To: Kuya
She's with me. She will be sleeping here at my condo. Don't worry, she's safe with me.

Di na siya nag-reply, sus. Wala nga talaga siyang pake kay Chan.

Gago niya talaga.

The heart wants what it wants ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon