Maniwala ka

21 0 0
                                    

Maniwala ka sinubukan ko, sinubukan kong kalimutan ka, ginawa ko lahat ng kaya ko para maging masaya kahit wala ka. Pero putangina ano bang magagawa ko kung bumibilis yung tibok ng puso ko marinig o mabasa ko lang yung pangalan mo. Ano bang magagawa ko kung araw araw hinahanap hanap ko padin yung atensyon mo? Hindi masarap maging tanga. Hindi ko ineenjoy umasa. Pero ano pa bang pang hahawakan ko kung sa ganito ko nalang maiisip na baka may pag asa pang maging akin ka at maging sayo ulit ako.

Minahal kita ng sobra, kaya nga nung mga panahon na sinabi mong ayaw mo na, hindi ko na magawang pigilan ka. Kasi gusto ko maging masaya ka, at alam kong kaya ka aalis kasi hindi ka na masaya.

Sinubukan ko, ginawa ko lahat ng kaya ko, minahal kita kahit iba na ang mahal mo, minahal kita kahit sobrang nasasaktan na yung puso ko. Pinakinggan ko yung mga kwento mo tungkol sa kung gano mo sya kamahal. Dahil yun lang ang alam kong paraan para makausap ka, para marinig ko boses mo.

Ginawa ko lahat para maipakita sayo na ako to, ako yung babaeng nagmamahal sayo ng totoo, ako yung babaeng hindi ka iiwan kahit gano ka kagago, ako yung babaeng walang ibang gusto kundi yung kasiyahan mo. Kaya lang pagod na pagod na ako, gasgas na gasgas na yung puso ko pero hindi mo parin narerealize na ako yung babaeng hinahanap hanap mo sa iba't ibang babae.

Siguro tama na, siguro sobra na. Siguro hindi talaga tayo itinadhana. Pero kahit na susuko ako ngayon at palalayain na kita, gusto ko lang malaman mo na minahal kita ng sobra pa sa sobra, at wala akong pinag sisihan dun kahit isa.

IT STILL ACHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon