Mahal :(

15 0 0
                                    

Mahal, gusto ko lang malaman kung bakit ganito? Bakit kailangan natin umabot sa ganito? Hirap na hirap nako. Isang taon, isang taon kitang minahal. Isang taon akong nagpakatanga. Tinatanggap kita kahit paulit ulit mo akong sinasaktan at niloloko dahil umaasa akong magbabago ka, umaasa ako na mababago kita. Pero tangina eh, bakit ginaganito moko? Ano bang kasalanan ko sayo? May ginawa ba akong masama sayo para parusahan mo ako ng ganito? Araw araw akong naguguluhan. Araw araw puro pag-iyak nalang ang ginagawa ko. Hindi makakain. Hindi makatulog kakaisip. Pinipilit kong maging matatag dahil ayokong makita nila na mahina ako. Naguguluhan na ako. Nahihirapan nang paniwalaan kung ano yung totoo. Wasak na wasak nako. Durog na durog na yung puso ko. Tangina bakit ganito? Minahal naman kita eh. Binigay ko lahat. Ginawa ko lahat. Na kahit wala akong matanggap sayo pabalik ginawa ko padin. Nagstay ako kasi pinaramdam mo sakin na mahal mo ako. Tanga ko ba? Oo tanga na kung tanga. Minahal kita ng higit pa sa sarili ko. Ang dami kong sinakripisyo para sayo, para sa relasyon na to. Gagaguhin mo lang pala ako. Sabi mo mahal mo ako. Mahal mo ako pero sinasaktan mo ko. Mahal mo ako pero niloloko mo ko. Mahal mo ako pero merong SIYA. Mahal mo ako pero hinahayaan mong madurog ako. Yan ba ang depinisyon ng mahal sayo? Ang saktan ako? Nakakagago. Yung pakiramdam na bago ka matulog iiyak ka, tapos magigising ka sa kalagitnaan ng tulog mo maiiyak ka nanaman tapos paggising mo iiyak ka at sa kalagitnaan ng araw na mag isa ka iiyak ka nanaman. Wala na bang katapusan yung sakit na to? Hindi nauubos yung mga luhang dahilan ay ikaw. Ikaw na mahal na mahal ko. Ikaw na pinagkatiwalaan ko. Ikaw na buhay ko. Ikaw na walang ibang ginawa kundi saktan ako. Pinuno mo ng sakit at galit ang puso ko. Pero kahit gaano ko kagustong magalit sayo, hindi ko magawa. Kahit gaano mo ako saktan, hindi ko magawang bumitaw. Ayokong bitawan yung tali na dahilan ng pagsakit ng kamay ko dahil sa pagkapit sayo. Mahal na mahal kita. Sobra pa sa sobra. Para nakong mababaliw sa sakit. Para nakong mamamatay. Gusto ko nang makawala sa sakit na to. Pero gusto ko pang ayusin lahat. Gusto ko pang kumapit. Gusto ko pang ibigay lahat sayo. Umaasa ako na mababasa mo to. Sana willing ka na ayusin kung anong meron tayo. Kasi ako? Willing na willing ako na ipaglaban pa. Hayaan mo, magpapakatatag ako para sa atin. Para sayo. Hindi ako susuko hanggat nandyan ka pa, hanggat mahal pa kita. Pipilitin kong mabuo ulit para sayo, para satin. Kahit na wasak at durog na ako. Magpagaling kana. Namimiss ko na yung kakulitan mo. Namimiss ko na makausap ka. Wag mo kakalimutan, nandito lang ako para sayo at MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA AT HINDI MAGBABAGO YUN.

-your princess, Shayne.

IT STILL ACHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon