Sana alam mo

18 0 0
                                    

Alam ko namang nahihirapan ka na. Alam ko namang nasaktan ka din. Alam ko hndi rin madali para sayo to. Alam ko namang may rason kung bakit nangyari yung mga nangyari. Pero sana alam mo rin na nagigising ako sa kalagitnaan ng tulog ko kakaisip sayo, umaasa akong may text galing sayo.

Umaasa akong babalikan mo pa ko, kahit alam kong malabo na. Umaasa akong pareho tayo ng naiisip, ng nararamdaman. Sana alam mo na kada text na dumadating sakin, umaasa akong ikaw yun.

Sana alam mo na kahit saan ako pumunta, iniisip ko na sana kasama kita. Sana alam mo kung gano kita kagustong makita at yakapin ulit. Sana alam mo kung gano ko kagustong balikan yung mga araw na okay tayo, yung mga araw na magkasama tayo, yung mga araw na hindi tayo nag-aaway. Sana alam mo kung ilang beses nako nakatulog sa kakaiyak. Sana alam mo kung gano kadalas kang nasa isip ko at sana alam mo rin kung gano kita kagustong kalimutan. Sana alam mo kung anong kaya kong ibigay at isakripisyo para sayo. Sana alam mo kung gano kita kamahal. Kasi kung alam mo lang, siguro di tayo nagkaganito.

IT STILL ACHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon