Hidden Kilig Chapter 1

51.1K 460 72
                                    

by CLsakura

Copyright © June 17, 2013 by CL

All rights reserved. This book or any portion thereof

may not be reproduced or used in any manner whatsoever

without the express written permission of the publisher

except for the use of brief quotations in a book review.

Published by Chapter in Philippines

CLsakura presents

Hidden Kilig Chapter 1

CHESKA

Nagsimulang gumuho ang mundo ko, este nagkaroon ng kulay ang noo'y wala lang, na okay lang, na buhay estudyante ko, ito ay nung araw na nakaharap ko sya, oo nagkalapit yung dating halos kilometro na ang layo. Gusto kong isiping tadhana pero ang totoo, isa nanamang panaginip na papaasahin ako dala ng pagpapantansya ko, na isang katangahan na dati pa naman ay tinataglay ko na. E bakit ba? Masama bang umibig sa taong hindi ka kilala? Masama bang humanga sa lalaking pinagpala ng talento ni bathala?

Lahat naman siguro sa atin e naranasan iyon, ang magmahal ng hindi humihingi ng kapalit, ang magmahal kahit na palihim, ang magmahal kahit na sobrang sakit...

Pero chos ko lang naman. Ang alin don? Syempre yung huli, kasi di ko panaman nararanasang masaktan, as if naman? Wala akong boyfriend at kung may gusto man akong maging boyfriend sya na yun...

Sya.

"Heeeeey girl may may may mayyyyyyy anghel oh em giiiiiiiiiiiii! Girl dalian mo punta ka dito sa tabi ko at ng makita mo kung sino ang paparating dito, shocks naman ohh siya ba? siya nga ba?" may pagkaexcited na sabi ni Sandra, si Sandra na isa sa matalik kong kaibigan mula pa noon. Sya yung masasabi mong best of the best kasi susuportahan ka niya sa lahat ng bagay. Tulad ngayon, "Ayan na syaaaa!" sabi niya pa habang yung dalawang palad pa niya ay nakalagay sa magkabilang pisngi niya yun nga lang hindi ko naman naiintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero sa isip ko lang ay patungkol ito sa mga crush niyang varsity player dito sa school, ganyan kasi yan kapag kinikilig. Pag may nadadaan lang dito sa room namin ganyan na sya, para bang kinukuryente talaga.  

 At ako naman 'tong excited din, agad agad na lumapit sa kanya. Nasa may malapit lang siya ng mga bintana kaya nadudungaw niya kung sino yung mga studyanteng dumaraan at napapadpad dito sa kasuluk sulukan na room namin. Ang room ng mga pinaka-low class, aaminin ko low i.q ako kaya andito ako pero hindi naman yun sobra, nasa tama lang naman. Sa tingin ko lang naman. SIGH  

"OMG Iskaaaa!" Yeah, opo, yes, ako si Iska. Asawa ni Isko, charot. Seryoso, ako nga si Iska, pero syempre naman hindi yan ang tunay kong pangalan. Ako nga po pala si Cheska Yamzon Pineda, tawag lang sa akin ang Iska, pero duh? Di naman yan bagay sa itsura ko. Kahit na hindi ganun kataas ang level ng i.q ko aminado naman akong may kagandahan ako noh. Chos. "Yung si si si si Papa P mo ohhh??" pagpapatuloy niya. Pero ano daw? Papa Piolo? Pero hindi e, isa lang naman kasi yung Papa P ko at yun ay walang iba kundi si PAUL JOHN na PJ dapat pero gusto ko P lang, arte ko e. Sya ang ultimate dream boy ko. Si Paul John Salvacion, na hanggang tanaw, sulyap, at tamang stalk lang, ang kaya kong gawin sa kanya.  

O M G! Can i shout out loud now? Naku teh, english yun!  SIYA! SIYA! SIYA NGAAAA! At papunta siya dito kasi kaisa isang room lang dito to e!

O M G! Can I shout out loud now? Naku teh, english yun! SIYA! SIYA! SIYA NGAAAA! At papunta siya dito. Obvious naman, kasi kaisa isang room lang to dito e!

Hidden Kilig Book 1 (ver 2.0 - under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon