Hidden Kilig Chapter 1.3

29.5K 277 81
                                    

Hidden Kilig chapter 1.3

“ATE….” Boses ni Papa P. Yieeeeeeehhh

Napatingin kaming tatlo sa kanya...

"Ayy ako po ba yon?" may pagpapacute na sabi ni Beccang. Landi

"GAG-U! Kelan ka pa naging ATE dong?" sabay batok ni Sands, ang brutal lang niya talaga lalo na kay Becs.

"Di na tinatanong yan, edi nung matanggap ni Papang na super sireyna na ang mumunting anghel niya hahaha! Kontra pa? kontra pa?"

"Anghel daw, e anak ka nga ni Satanas feeling ka talaga!"

"So? So? Soooo? SO WHAT DO I CARE?" ginaya niya pa dito si Jillian Ward, yung sa One day isang araw hahaha! Landeeee!

"Hoy bakla, i do care so, YOU DON'T DO THAT TO ME K??" Willie Revillame naman ngayon?


Patuloy lang silang dalawa at ako naman nag-iisip, kasi sino pa bang tatawagin niyang ATE e ako lang naman di ba? Tsaka ako yung niyaya kanina so, meaning to say sakin siya may kailangan tama?

Ang kaso...

"Si... si" he's ponting out Sandra. Aw why oh why oh why?? Why her? Why not me? 

"Ako? As in ako talaga?" pagtataka ni Sands pero halatang excited naman sya.

"Yes" sagot naman ni Papa P.

Then lumapit siya sa aming tatlo at kinausap si Sandra sa harapan ko pa mismo, awts.

"Hmmm pasensya na kung hihiramin ko muna saglit si Miss.." putol na sabi niya sabay sulyap niya sakin Oh my gosh! oh my talaga! Don't look at me that way, i'm melting yaaaaaaa! (foreigner nako bukas whoaaa!) nangingilid luha ko sa tuwa....

"OK OK. APPPPPRROVED! Okay lang talaga! Haha! Becs, let's goooo!" sabay hila niya kay beccang, hala kami nalang dalawa....

Awkward ..

Napapaisip lang ako, anong problema niya? May nagawa kaya ako kaya biglang nag aya?

Habang naglalakad na kami, tahimik lang ako, pinapauna ko na nga siya e, ayoko kasi na tinitingnan niya din ako haaaay!

Pero pansin ko para lang kaming co-incidence na nagkasabay lang, para lang kaming nagkasabay lang ulit, tapos para lang kaming, nagkasabay nanaman ulit? Then para lang talaga kaming-- syempre taong naglalakad. Ano ba yan!

Ang boring nang ganito, pero sa loob loob ko, haaay Papa P, kahit paikot ikot lang tayo siguro hindi ako mapapagod kakalakad basta ba ikaw ang kasabay ko haaay, tapos bubuhatin mo ako kapag aksidente akong natapilok, tapos matutulog ako habang pasan moko, tapos ihahatid mo ko sa amin tapos, 

"Tapos ka na?" Para naman tong ewan. Nambibitin ng pantaserye.

"Tapos? Oo, tapos hmmm tapos na yung klase, tapos kasabay na kita, tapos ano.. ahh?" tumalikod ako nun kasi nahihiya nako >,< bakit kasi palagi nalang akong nag de day dream?

"Balisa ka ah? Nahihiya ka ba sakin? Harap ka nga" jusmiyo, maawa ka sakin. Marupok lang ako pagdating sayo. Sanang sinungitan mo nalang ako e, yung pa hard to get ba.

"Hindi, hindi naman masyado, very very light lang, harap? hmm maglakad ka na tapos susunod nalang ako, dali naaaa"

"Sabi ko, harap ka sakin, bakit mo ko pinapaalis na, e di ba niyaya nga kitang sumabay sakin? E kung maglalakad na ko, sabay parin ba tawag don? harap na dali"  pagkasabi niya ng huli hinila niya ko paharap sa kanya, dahilan para mapayuko ako, dahil naramdaman ko yung hininga niya na amoy i-cool, waa nakakakilabot,  ihhy naman e ang lapit nang mukha niya sa mukha ko...

Hidden Kilig Book 1 (ver 2.0 - under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon