Hidden Kilig Chapter 2
"Ano? Paano mag-iiba yung apelyido ko e di pa naman tayo kinakasal? At paano mag-iiba ang section ko e section *heart* naman talaga ako, sa heart ni Papa P ko, bakit ano ba isinulat ko dun? Mali ba? Mali ba? Mali ba?"Walang pause na pagsasalita ko, para lang akong nagra-rap dyan, yung tipong hindi na ko huminga para bigkasin lahat ng salitang iyan...
Wait ano nga ulit mga sinabi ko?
)o.o(
OH NO!!!
"Cheska! Cheska! Anak, bumangon kana, malelate kana sa school mo" at nagising nga ako sa napakagandang boses ng Mommy ko.
"Hay. Thank You G. Kala ko totoo, panaginip lang pala"
"Ano kamo nak? Malelate ka na ahh"
"Good morning Mommy" saka ko sya nginitian ng napakawide.
"Good morning too Cheska, aba'y may time ka pa talagang ngumiti ah. Silipin mo kaya yang alarm clock mo Iha, tingnan ko lang kung mapapa goodmorning kapa, halika na't ng makaligo kana" sa huling binanggit ni Mommy dun ko lang na absorb ang panggigising niya, kaya dali dali naman akong tumayo at naligo. Hindi ko na nagawang kumain , hindi na din ako nakasabay kay Dada dahil sa malamang e nakarating na sya ng office sa oras na to. Late nako sa first subject ko mygulay. Ba't ba kasi ang sarap matulog.
"Wow naman, aga mo para sa next subject natin Iska" salubong sakin ni Sandra.
"Ang sabihin mo, di pa yan nakakamoved on sa pasabay ek-ek ni Paul John, ano? Umiskor ka no? Siguro, nilandi mo na yun no? Siguro ginayuma mo na din" pagmamaldita ni Beccang. Kaagaw ko kasi talaga sya sa Papa P ko.
"Ano ba kayo, walang ganun. Ni di ko nga sya naramdaman habang naglalakad kami e. Saka napagtripan lang naman niya yata ako kasi kung anu ano ang pinaglalagay ko sa answer sheet ko. Yun lang yun" pagpapaliwanag ko. Lah. Nasobrahan yata ako ng daldal.
"Answer sheet?" sabay na tugon nila
"Teka, siguro kaya di na niya pinatuloy ang pagchecheck kasi nakita ni Paul na walang tama sa mga sagot mo no?" sabi ni Beccang.
"Hindi ah, alam ko namang may tama dun kahit papaano. Ang judgmental mo naman"
"Baka naman kasi love letter ang pinasa mong sheet kaya nung nakita niya e naisip niyang pagtatawanan ka kaya di na tinuloy ang checking" pagpapatuloy din netong si Sands.
"Ahh, kaya siguro sinabay ka pauwi para tanungin ka sa love letter na yun" dugtong naman nitong si Becs.
"Oy, hindi ah. Kayo talaga napakataba ng utak niyo pagdating sa ganyang bagay. FYI walang love letter, answer sheet ko talaga yun. Sadyang gusto lang niya akong kasabay kaya inaya niya ko. Wag nga kayo dyan"
"Ay wow. Palakpakan tayo dyan" saka nga sila nagpalakpakan, dahilan para pagtinginan kami ng mga classmate namin.
"Uy. Tumigil nga kayo" mahinang suway ko sa kanila.
"E ano nga kasing nangyari?" saka ako napaisip at nagising sa katotohanang... Hala bago kami nagkahiwalay ni Papa P e...
"Ano????" malakas na pagkagulat nilang dalawa matapos kong ikwento ang mga nasabi k okay Papa P. Pinagtinginan ulit kami kaya inaya ko na sila sa labas ng room namin. Tutal e wala pa naman ang sunod na Prof namin kaya sumaglit muna kami sa may Garden.
![](https://img.wattpad.com/cover/6270459-288-k9168.jpg)
BINABASA MO ANG
Hidden Kilig Book 1 (ver 2.0 - under revision)
RomanceHEART SHAPES SA EYES, TOMATOES SA CHEEKS, BUTTERFLIES SA TUMMY, AND THAT'S EQUAL TO TOO MUCH KILIG. Pero minsan pinipigilan natin, tinatago kapag nasa harapan na tayo ng taong kinagigiliwan natin. Yun nga lang nagmimistula itong bulkang sumasabog ...