Love Me Again [KathNiel]

982 16 4
                                    

Prologue:

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* 

Ethan Andrew Ford's

Matagal ko na siyang mahal.

Pero, sabi niya pigilan ko raw.

Ayaw daw niyang mahulog ako sa kanya.

Nagtataka man ako e hinayaan ko na lang ang gusto niya.

Pero siyempre hindi ako pumayag ng basta basta!

Sabi ko, pag nagkita ulit kami, dapat hayaan na niya akong mahalin siya.

Di man siya sumagot ng oo, pinilit ko pa rin ang gusto ko. Mahal ko eh! Anong magagawa ko?

Pagtapos ng araw na sinabi ko yun, hindi na siya muling nagpakita sa akin.

Mukhang ayaw niya talagang mahalin siya ng isang tulad ko.

Sabagay, ano nga bang mapapala niya sa isang tulad ko?

Isa lang naman ako sa mga mahihirap na tao, samantalang siya?

Isa siyang prinsesa. Napakataas niya. Pasalamat nga ako't naabot ko pa ang isang tulad niya.

After so many years, naisipang magbiro ni tadhana.

Nagpakita siya kung kailan may mahal na akong iba.

At ang nakakagulat pa e, nagmamakaawa siyang mahalin ko siyang muli.

Anong gagawin ko? Naguguluhan na ako.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Sophia Jilleine Villanueva's

Matagal ko na siyang mahal.

Pero natatakot akong ipaalam sa kanya.

Natatakot ako kasi di ako sigurado kung magtatagal pa ba ang buhay ko.

Oo. May sakit ako.

At yun ang dahilan kung bakit ayaw kong mahalin niya ako.

Umalis ako dahil gusto kong gumaling mula sa lecheng sakit na to.

Umalis ako para sa kanya. Dahil gusto ko siyang makasama ng mas matagal pa.

After so many years, bumalik ako ng may nakaguhit na ngiti sa mga labi ko.

Pero, nang malaman kong may iba na siyang mahal agad kong naisip na sana pala, di na lang ako bumalik.

After kong maisip yun ay may bagong lalaking dumating sa buhay ko.

Sabi niya, dapat daw kahit anong mangyari e wag akong sumuko.

Sinunod ko yung sinabi niya dahil sa tingin ko ay tama siya.

Ngayon, ako ang nanunuyo sa lalaking mahal ko.

Hindi ako titigil hangga't hindi siya bumabalik sa tabi ko.

Hindi ako titigil hangga't hindi niya sinasabing mahal niya na ulit ako.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Kim's Note:

Okay lang po ba? *3* Tutuloy ko pa po ba? *3*

Love Me Again [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon