LMA Chapter 3

110 5 2
                                    

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

DJ's POV

" Wow. First time mong gumising ng maaga ah. Anong meron lil bro? " tanong ng ate ko.

" Wala naman. May narinig lang akong ingay kanina tapos nagising ako. "

" Ahh. What's the problem lil bro? Share naman jan. " ate

" Wala nga po. Nakarinig lang talaga---- "

" DJ, alam mo bang ikaw yung klase ng taong kahit na buhusan man ng tubig sa mukha e di pa rin magigising? " pagputol ng ate ko sa sinasabi ko.

" Talaga? "

" Yeah? So, ano na ngang problema? " pangungulit pa ng ate ko.

I just sighed. Di talaga ako mananalo sa babaeng to.

" Bumalik na siya. "

" Who? " nagtataka niyang tanong.

" Si Kath. "

" Kath? You mean Kath Chandria Bernardo?! "

" Yeah. "

" Woah! Really? Kailan pa?~ My gosh DJ! Bakit ngayon mo lang sinabi? Hmp! Nakakatampo naman to eh. Alam mo namang miss na miss ko na siya diba? Uh? Teka, teka. Bakit... hindi ka masaya? "

" Huh? M-masaya ako. "

" Sure ka? Parang hindi kasi yun yung nakikita ko eh. "

" Baka bulag ka na ate. "

" Hahaha. Yeah. Baka nga. Tch! " sabi niya tapos umalis na siya.

Masaya ba talaga ako? Hindi ko alam. Bakit ba ako naguguluhan? Bakit pakiramdam ko parang... may mali? Bakit parang... mahal ko pa rin siya? Ewan ko! Hindi ako dapat nagkakaganito eh. Si Thea lang ang mahal ko. Wala ng iba. Tama. Si Thea lang.

" Hey lil bro! Punta tayo kela Kath? " nakangiting sabi ni ate.

Kath's POV

" Waaaaaah! " sigaw ko sabay takip ng mata.

" Easy lang KC. Hahaha. Ano ba yan! Umpisa pa lang nasigaw ka na. Pano pa kaya pag tumagal na? " natatawang sabi ni Quen.

" Eh kasi naman eh! Wag na nating ituloy! "

" Ang corny neto. Hindi naman kasi nakakatakot yan eh. "

" At pano mo nasabi? E ngayon mo pa lang mapapanood yan. "

" Wala. Na-feel ko lang. Ay! Waag ka ng maingay! Manood ka na lang. "

Tsk! Nakakainis! Gumising ako ng maaga para lang manood ng The Conjuring na to?! Leche. Dapat natulog na lang ako.

" Hoy KC! Wag kang madaya! Manood ka. Tch. Dapat kasi hindi na lang tayo sumama kela Daniel kahapon eh. Edi sana napanood natin to kasama si Tita Min. " reklamo ni Quen.

" Ang OA mo talaga. Pinuntahan lang ni mommy yung tita ko. Magg-grocery sila mamaya eh. Babalik din yun. "

" Oo nga. Babalik nga. Kaso, pag tapos na yung movie. Tsaka, anong oras pa lang o? Ang aga aga pa. Baka nga hindi pa bukas yung mga grocery stores eh. " Quen

" Edi mamaya na lang tayo manood. Diba? " hahaha. Sana pumayag siya. *pout*

" Hindi. Gusto ko nga panoorin to ng ganitong oras eh. Mamaya kasi, hindi na nakakatakot. " Quen

Six pa lang kasi. Di pa masyadong maliwanag. Konti pa lang yung mga taong gising na. Siyempre, pag walang pasok, kahit anong oras sila magising, ayos lang. Kaya nga nagulat ako nung biglang akong ginising ni Quen kaninang 5 eh. Ang aga niyang nagising. E anong oras na rin yan nakauwi kagabi eh.

Si mommy, nandun sa tita ko. Sigurado akong mabubulabog lang yun dun. Magg-grocery sila mamaya eh. Malapit na kasi yung birthday ng pinsan ko. Hihihi. Excited na ako. Marami na namang pagkain.

" Uy Kath, may nag doorbell. " Quen

" Huh? "

" Sabi ko may nag doorbell. " Quen

" Tinawag mo kong Kath diba? "

" Ano naman? " Quen

" Wala lang. Nakakagulat eh. Teka, sure kang may nag doorbell ah. Narinig kong may nag doorbell din jan sa movie eh. Ikaw na lang kaya magbukas? "

" Hahaha. Wag ka ngang duwag. Malay mo si tita yan. Tsaka walang nag doorbell sa movie. Katok lang. " Quen

" Anong si mommy? E mamaya pa nga ang uwi nun. "

" Hala? E sino yun? Baka yun din yung doll sa movie? " Quen

" Ewan ko sayo! Bahala ka jan! " umalis na ako sa tabi ni Quen para tignan kung sino yung nag doorbell. Tsk! Dapat kasi maghanap na lang si mommy ng katulong eh. Para may tagabukas ng gate.

Habang unti unti akong bumababa sa hagdan ay unti unti ring nadadagdagan ang panginginig ng mga paa ko. Natatakot ako eh! Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako.

" DJ? "

" Kaaaaaaaath~ Oh my gosh! Totoo nga! You're back! "

" A-ate Roanna? "

" Uh-huh. The one and only. Hahaha. Kamusta ka na? I miss you so much baby girl! "

" A-ayos lang po. Pasok po kayo. "

" Oh. Thanks baby. Hm? Wala kang kasama? Where's tita? "

" Umalis po. Pumunta po sa bahay nung tita ko. "

" Ahh. So, mag isa ka lang dito? "

" Hin--- "

" KC? Sino ba yun? Bakit ang ta---- H-hello po. " sheez. Quen! Bakit ka bumaba?! >.<

" Oh. Hello. " bati rin ni Ate Roanna kay Quen. "Who is he DJ? Boyfriend ba siya ni Kath? " pabulong na tanong ni Ate Roanna kay DJ.

" I don't know. " sagot ni DJ. Bakit ganun? Parang okay lang sa kanya kung magkakaboyfriend man ako? Teka, hahaha. Oo nga pala. May Thea na siya.

" I'm Roanna Padilla. Kapatid ni DJ. What's your name? " nakangiting tanong ni ate.

" I'm Quen. Bestfriend ni Kath. " pakilala naman ni Quen.

" Ahh. Hi! Nice meeting you Quen. ^_^ "

" Ahm.. Akyat lang po ako. " paalam ko sa kanila.

" Sure baby. " sabi ni Ate Roanna

" Kath, hindi ko pa nap-pause yun. " agad akong napatigil sa paglalakad.

" Mamaya na lang po pala ako aakyat. ^_^ "

Gusto kong umakyat para mapakalma yung puso ko eh! Lecheng The Conjuring yan!

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Aly's Note:

Super ikliiii~ Bwahahaha. Salamat sa The Conjuring. May naisip akong iUD. XD

Love Me Again [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon