LMA Chapter 4

84 6 1
                                    

Video sa gilid. :) 2nd favorite scene. T.T

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Kath's POV

 " Hello Jack. I changed my mind. They said you might be out here. "

" Shh. Gimme your hand. Now close your eyes, go on. Now step up. Now hold on to the railing. Keep your eyes closed, don't peek. "

" I'm not. "

" Step up on the railing. Hold on, hold on. Keep your eyes closed. Do you trust me? "

" I trust you. "

" All right. Open your eyes. "

" I'm flying, Jack! "

" Come, Josephine, in my flying machine, going up, she goes up, up she goes. "

I--- We're currently watching Titanic... Again. Dapat yung The Last Song na lang eh kaso sabi ni Quen gusto niya ulit mapanood to. Kaso, nasan siya ngayon? Eto! Nasa balikat ko. Tulog na tulog. Psh. Medyo awkward tuloy. Si DJ tsaka si Quen lang kasi yung kasama ko dito. E tulog si Quen diba? Si Ate Roanna, nasa baba. Kausap si mommy. Yeah. Kanina pa siya nakauwi.

" DJ? Kath? "

" Bakit po ate? " tanong ko kay Ate Roanna.

" Kath, sorry ah. Kailangan na naming umuwi ni DJ eh. Gusto ko pa sanag makipag usap sa inyo ni tita kaso sabi ni mommy nasa bahay daw sila Thea. Hinahanap daw si DJ. " Ate Roanna

" G-ganun po ba? *sigh* Sige po ate. " sabi ko then tumingin na ako kay DJ. Pfft. Tulog rin pala ang loko.

" Sige na Kath. Ako na ang gigising sa kanya. " sabi ni ate. Well, baka magising ko nga rin naman si Quen pag sinubukan ko pang abutin si DJ.

" Hm? Bakit ate? " tanong ni DJ kay Ate Roanna pagkagising niya.

" Uwi na tayo DJ. Nasa bahay daw sila Thea eh. " pagkasabi nun ni Ate Roanna ay bigla akong nakaramdam ng sakit. Syempre. Mahal ko siya eh.

" G-ganun ba? " sabi ni DJ tapos tumingin siya sa akin. Bigla ko namang binaling ang atensyon ko kay Quen na biglang hinawakan ang kamay ko. Teka, tulog ba talaga to?

" Uhm, K-Kath. Uwi na kami ah. " sabi ni DJ na pakiramdam ko ay nakatingin sa kamay namin ni Quen.

" S-sige. Ingat kayo ah. "

" Sige baby girl. Bye. " Ate Roanna

Pagkaalis na pagkaalis nila ay agad na umayos ng upo si Quen.

" Di ka naman ata nakatulog eh. " sabi ko.

" Nakatulog talaga ako. Nagising lang ako nung sinubukan mong abutin si Daniel. " Quen

" Ahh. " simple kong sagot.

" Alam mo, naiinis ako sayo. " Quen

" At bakit naman?! " gulat kong tanong.

" Ang ganda kasi ng panaginip ko eh. Alam mo bang yung napanaginipan ko e yung gusto kong mangyari sa totoong buhay? Yun yung pangarap ko. Ang maabot ang babaeng mahal ko. Kaso, dahil sinubukan mong abutin si Daniel, nagising mo ko. " Quen

" So, sinasabi mong parang hindi mo naabot yung pangarap mo? " tanong ko.

" Oo. " Quen

" Psh. Pwede ba. Panaginip lang yun. Mas ayos nga yung nangyari eh. Nagising kita. At least, nalaman mong panaginip lang ang lahat. Hindi lahat nang nangyayari sa panaginip mo, pwedeng mangyari sa totoong mundo. Yang mga panaginip na yan? Paasa sila. Wag na wag kang magtitiwala o maniniwala sa kanila. "

" Talaga? Hm? Sana pala, mapanaginipan mong mahal ka na ulit ni Daniel. " Quen

" At bakit naman? "

" Ayaw ko na kasing umasa ka pa. Hindi mo ba napapansin? Si Thea talaga ang mahal niya. Si Thea na. Hindi na ikaw. " Quen

" Pero, pwedeng maging ako ulit. Kaya hindi ako titigil. Hindi ako susuko. Hangga't alam ko sa sarili kong mahal niya pa rin ako, hindi ako mawawalan ng pag asa. Mamahalin ko pa rin siya at hihintayin ko yung panahong magkasama na ulit kaming dalawa. "

" Sige KC. Hihintayin ko rin yung panahong yun. At pag dumating yun, ako ang magiging pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Magiging masaya ako para sa inyo. " Quen

" Kath, Quen, kain na kayo dito. " narinig kong sigaw ni mommy. Agad naman kaming bumaba ni Quen para kumain.

" Tita, thank you po pero nakapangako na po ako kay mommy eh. " Quen

" May date pala kayo ng mama mo. Hahaha. O sige. Ingat ka ha. " mommy

" Thanks po tita. Alis na po ako. " Quen

Psh. Di man lang nagpaalam sakin.

" Magkaaway ba kayo? " mommy

" Hm? Hindi naman po. "

" Parang eh. Ay Kath. Ikaw naman. Sana naman tinawagan mo man lang ako para ipaalam na pumunta dito sila DJ at Roanna. Grabe. Alam mo namang miss ko na yung magkapatid na yun diba? " mommy

" Eh hindi ko rin naman po alam na pupunta sila at wala naman po kayong sinabi na kailangan kitang tawagan pag pumunta sila. "

" Ayos lang. Buti na lang talaga at naabutan ko sila. Sayang lang talaga dahil tulog pala si DJ. Sana bumalik ulit sila dito noh. " mommy

" Mommy, alam mo po ba kung bakit umuwi na sila? "

" Nandun daw sa bahay nila yung girlfriend ni DJ. Si Thea. " mommy

" Ahh. Okay po. "

Sana pala di ko na lang tinanong. Nasaktan lang ako eh.

" Mommy, tutulog na po ako. " paalam ko.

" Sige pero mag ayos ka muna ha. Linisin mo rin yung kwarto mo. " mommy.

" Opo. Goodnight mom. "

Sinunod ko yung utos ni mommy. Naghilamos lang ako. Hindi ako sanay ng naliligo bago matulog. Tsaka, baka masama yun eh. Habang nililigpit ko yung mga ginamit namin kanina, may isang bagay akong napansin. Yung bracelet na binigay ko kay DJ.

Bigla naman akong nakaramdam ng saya nung makita ko yun. Di ko akalain na suot niya pa rin pala yun.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Aly's Note:

Naka UD rin. <3 Hahahaha. Super ikli nga lang. :3 Wala eh. Medyo tinatamad. :P

Heeey. Ganda nung bracelet noh? Yay! Kaparehas kasi nung bracelet na yun yung bracelet ni ANO eh. Kaya yun yung pinili koooo. Hahahaha. XD

Vote naman. Kahit walang comment. XD

Love Me Again [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon