LMA Chapter 2

152 8 4
                                    

Dedicated kay new friend, Kath-Kath! :D

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Kath's POV

(Aly: Play niyo po yung song sa gilid :D)

She read me the note he left on her bed

Snuck in her room right after she left

And put petals on the ground

Her head on his shoulder they walk down the hall

I'm left to wonder will I ever fall in love

And where is he now

Nakikinig lang ako ng kanta habang nakatingin sa labas ng bintana.

She's with him, I'm in the back seat

Know it's not right but it hurts when they're laughing

And I've never been where they are

Nang maramdaman kong may kumalabit sa akin ay agad kong itinigil ang kanta.

" Bakit? " tanong ko kay Quen. Siya kasi yung kumalabit sa akin.

" Bababa na ako. Bahay na namin to o. " nang sabihin niya yun ay agad akong napatingin sa labas. Oo nga. Bahay na niya to.

" Ahh. Sige. Goodnight. :) "

" Goodnight din. Ingat ha. Tawagan mo agad ako pag nakauwi ka na. " Quen

" Oo na. "

" Ibalik mo na yang earphones mo. Ikaw na lang ang nandito sa backseat. MaoOP ka lang sa kanilang dalawa. " bulong sakin ni Quen at agad akong napatingin sa harap.

" Dito na lang rin kaya ako bumaba? "

" Haha. Wag na. Wag mo na lang silang pansinin. Okay? " Quen

" O-okay. "

" O guys! Ingat kayo ha! Daniel, ayusin mo yung pagmamaneho mo. Pag si KC napahamak, lagot ka talaga sakin. " Quen

" Wag kang mag alala. Hindi ko naman siya pababayaan eh. " sabi ni Daniel tapos bigla siyang humarap sakin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Nginitian ko na lang rin siya. Baka pag umiwas ako ng tingin e isipin niyang nagtataray ako eh.

Nang pinaandar na ulit ni Daniel yung kotse ay agad kong sinunod yung utos ni Quen. Nakinig na lang ulit ako ng kanta.

I wanna be blown away

I wanna be swept off my feet

I wanna meet the one who makes it hard for me to breathe

I wanna be lost in love

I wanna be your dream come true

I wanna be scared of how strong I feel for you

Just call me beautiful, Call me beautiful

Call me beautiful, Call me b-e-a-utiful

Mara's POV

" Kath, gising na. "

" Ha? Bakit? " ahahaha. Ang cute pala ni Kath pag bagong gising. ^_^

" Bahay niyo na to diba? " tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa labas.

" A-ahhh. Oo. Teka, pano niyo nalaman yung bahay ko? " nagtataka niyang tanong. Napatingin naman ako kay DJ.

" Si DJ. Alam niya eh. "

" Ahh. O-okay. " sabi niya tapos lumabas na siya.

" Bye Kath! "

" B-bye! Ingat kayo! ^_^ " Kath

" Okieee~ Next time ulit ah! "

" Sure. Just call me. :) Ingat ulit. Goodnight! " Kath

Hayyy. Hahaha. Ang saya! ^_^

" Sobrang saya mo ah? "

" Ahaha. Hindi ba halata DJ? "

" Psh. Hinay hinay lang Thea. Masama sayo yan. "

" Alam ko! Minsan lang naman eh. Pagbigyan mo na ako. "

" Bahala ka. Ikaw naman ang papagalitan eh. Di naman ako. "

" Alam ko. Kaya nga hayaan mo na lang ako. ^_^v "

" Balak mo talagang lumabas ulit kasama si Kath? " biglang tanong ni DJ.

" Bakit hindi? Ang saya kaya niyang kasama. Ang kulit niya! Hahaha. Bakit DJ? May problema ka ba dun? "

" W-wala naman. " sabi niya tapos bigla siyang tumingin sa daan kaya hindi ko makita kung anong klaseng mukha ang meron siya ngayon. Pero sigurado akong hindi niya gusto ang naiisip ko.

Hindi ko na lang muna kinausap si DJ. Baka kasi pag nagsalita pa ako eh magsisisi lang ako.

Kath's POV

" O Kath nandyan ka na pala. Kumain ka na ba? " tanong ni mommy.

" Opo. Kasabay ko po sila Quen. "

" So, kamusta siya? " tanong ulit ni mommy.

" Mommy talaga. Kaninang umaga sinundo po ako ni Quen ah? Nagkausap pa nga po kayo eh. Hahaha. "

" Hindi naman si Quen yung tinutukoy ko eh. Si Daniel. " mommy

" A-ahh. A-ano.. Ayos naman po siya. Kahit na yumaman na siya, ganun pa rin yung ugali niya. Ang bait bait niya pa rin. Maalaga. Maaalalahanin. "

" Ahh. Edi lalo kang nainlove sa kanya? " mommy

" Mommy talaga! "

" O bakit? " painosenteng tanong ni mommy.

" Hay naku mommy. Matagal ko na siyang mahal na mahal na mahal. Sagad na po yun eh. "

" Kath, tandaan mo. Yung relasyon niyo ngayon, hindi na katulad nung dati. Meron na siyang Thea sa buhay niya. Si Thea na yung mahal niya. Kung pwede lang. Kung makakaya mo. Please, kalimutan mo na lang siya. " nagulat ako sa sinabi ni mommy.

" Mommy?! Ano pang silbi ng pagpapagaling ko kung hindi ko lang rin ipaglalaban yung pagmamahal ko para sa kanya? Kaya nga ako umalis diba? Kasi gusto kong mawala yung sakit ko-- "

" Alam ko yun Kath. Sobrang nagpapasalamat ako kay Daniel. Kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ka naman magpapagamot eh. Wala namang problema sakin kung mahal mo siya. Pero sana naman, wag sobra sobra. Kath, may iba na siyang mahal. Sana maintindihan mo yun. At sana, maging masaya ka na lang para sa kanya. Para sa kanila nung taong mahal niya. " mommy

" Mommy, masaya naman ako para sa kanya. Para sa kanila. Para sa relasyon nilang dalawa. Wala naman akong masamang balak. Ang gusto ko lang, mabalik yung dati naming pagkakaibigan. At gusto ko ring pag iniwan siya ni Thea, nandun ako sa tabi niya. *sigh* Sige na po mommy. Matutulog na po ako. " sabi ko. Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang bigla akong tawagin ulit ni mommy.

" Kath, last na to. Gusto ko lang ipaalala sayong hindi ka pa magaling. Pinayagan lang kitang umuwi dito sa Pilipinas dahil ang sabi mo mas magiging masaya ka dito. Kasi nandito sya. Pero hindi ganun ang nakikita ko eh. Mas nasasaktan ka pa. Pag yang sakit mo, mas lumala pa dahil sa kanya, wala ka ng magagawa. Ibabalik kita sa ibang bansa. "

*sigh* Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Pwede pa rin pala akong mamatay kahit anong oras. Kahit saang lugar. Nakalimutan kong hindi pa rin pala nawawala tong pesteng sakit na to.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Aly's Note:

Wala lang~ Medyo may pumasok sa isip ko kasi mag isa lang ako sa bahay eh. Hahaha. XD Nakapag UD rin sa wakas! :D

Love Me Again [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon