LMA Chapter 5

73 3 0
                                    

Kath's POV

"O Kath, anong meron ha? Ang ganda ata ng gising mo?" tanong ni mommy.

"Wala naman po. Hahaha." sabi ko naman.

"At natawa ka pa. Ano kayang meron? Hm?" sabi ni mommy tapos niyakap nya ako.

"Wala po talaga. Uhm. Mommy, kampi ka naman po sakin diba?" tanong ko kay mommy.

"Ha? Kampi?" naguguluhan nyang tanong.

"Wala po. Nga pala mommy. May balita ka po ba tungkol sa kanya?" tanong ko naman habang naglalakad papunta sa kusina.

"Wala pa naman. Kung ano sya nung huli natin syang nakita, ganun pa rin daw sya. Walang pagbabago." sabi ni mommy.

Gusto kong maging masaya. Kaso, parang sobrang sama ko naman ata kung magiging masaya ako ng ganun ang lagay nya? Isa pa, kung wala sya. Wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon.

"Kath, pupunta nga pala dito si Quen. Tumawag sya kanina eh. Hinahanap ka. Eh tulog ka pa." sabi naman ni mommy. Um-oo na lang ako.

---------------------

"Aalis na ako ha. Quen, ikaw na ang bahala jan kay Kath. Okay?" sabi ni mommy.

"Opo tita. Wag po kayong mag alala. Hahaha." sabi naman ni Quen.

Pag alis ni mommy, umakyat kami ni Quen sa room ko. Syempre. Movie marathon na naman. Adik kasi yan eh. Habang namimili ng movie, may tinanong si Quen na kinabigla ko.

"KC-- Kathryn, may kapatid ka ba?" tanong nya.

"Wala. May nakikita ka bang ibang tao dito? Sira ka talaga. Tsaka bakit Kathryn ang tawag mo sakin? Naninibago ako sayo Quen ah." sabi ko.

"Okay. Bilisan mo na ngang maghanap jan." utos naman nya.

"Aba! Sumosobra ka na ha. Kung makapag utos eh." sabi ko.

"Hahaha. Chill ka lang Kath. Highblood eh." sabi nya tapos tumawa pa ng tumawa.

Leche! Anong nakakatawa sa sinabi ko?

---------------------

Aria's POV

"Bakit hindi niyo man lang pinaalam sakin yung desisyon nyo?! Alam mo naman kung gano kalaki ang epekto ng ginawa nyo sa buhay nating lahat!" galit na sabi nya.

"Sorry po. Alam nyo naman hindi ko sya kayang tiisin eh. Tsaka gusto na po nya kayong makita. Sa tuwing sinasabi naming hindi pwede nagwawala sya eh." sabi ko naman.

"Kahit na. Pwede nyo namang ipaliwanag sa kanya diba?" sabi nya pa ulit.

"Ilang beses na po naming ipinaliwanag sa kanya. Ang problema talaga, ayaw nyang makinig. alam nyo namang sa isang tao lang sya nakikinig diba?" sabi ko pa ulit.

"So anong balak nyo? Pag nahuli sila nung lalaking yun, magugulo ang lahat. Akala ko ba pumayag na sya na pagbigyan si Chazz?" sabi nya pa ulit.

"Yun din po ang akala namin. Pero, ewan namin kung bakit bigla syang nagkaganun." sabi ko na lang.

"*sigh* Nasaan ba sya ngayon?" tanong nya.

"Nasa bahay po. Doon na po muna sya." sagot ko.

"Sige. Gusto ko syang makita." sabi naman nya.

---------------------

DJ's POV

"Sir DJ, nandito po si Ma'am Kath." huh? Si Kath? Ano namang ginagawa nya dito? Ah! Baka nga dun ko naiwan yung bracelet sa bahay nila.

"Sige po. Bababa na rin ako." sabi ko.

Pagbaba ko, nakita ko syang nakaupo sa harap ng piano.

"Hey." tawag ko sa kanya.

"Hey. K-kamusta?" tanong nya.

"Fine. Ikaw ba?" tanong ko naman.

"Ayos lang din. Namiss kita John." sabi nya tapos lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"You called me John again. Namiss ko yun." sabi ko then niyakap ko din sya.

"So, John. Kamusta sila Ate Roanna?" tanong nya. Teka, nagkita naman sila kahapon ah?

"Ahm. A-ayos naman. Bakit mo naman natanong? Diba---" bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay nagsalita na sya.

"Namimiss ko na kasi sya eh. Matagal ko na rin syang hindi nakikita." ano daw?

T-teka. Naguguluhan talaga ako eh. Pumunta naman kami sa kanila kahapon. Nagmovie marathon pa kami. Nagkausap naman siguro sila ni ate kahapon. Hindi naman siguro panaginip yun diba? Ano na bang nangyayari?

-E N D  O F  C H A P T E R  5-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me Again [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon