Prologo.

1.4K 59 10
                                    

Prologo.

Sa gitna ng kagubatan ay may tumatakbong babae. Mabilis ang pagtapak nya sa lupa na animo'y isang hangin sa tulin. May hawak syang isang sanggol sa kanyang mga braso. Sa bawat hikbi, mas lalo nyang idinidiin ang pagkakayakap sa sanggol na nasa kanyang dibdib.

Gusto nya itong iligtas. Mula sa kadiliman sa buong paligid, sa mga punong kahoy na animo'y unti-unti silang nilalamon ngunit higit sa lahat, sa mga mapupula at nanlilisik na mga mata ng mga lobo na humahabol sa kanila.

Hindi makontrol ng babae ang pag-iyak lalo na at takot na takot sya hindi lamang para sa kaligtasan nya, kundi pati na rin sa kanyang nag-iisang anak.

Pabilis nang pabilis ang takbo ng mga lobo. Sumasakit na rin ang mga paa nya sa walang tigil na pagtakbo.

Ilang puno na ang nadaanan nya. Ilang mga maliliit na sanga na ang nasira at naputol nya dahil sa mabilisang pagtakbo. Sa pagdaan sa madamong parte ay aksidente na nadaplisan ang pisngi nya ng matalim na sanga. Bumukas ang isang malaking sugat. Patuloy ang pagdanak ng dugo rito ngunit ipinagsawalang bahala nya lamang ito.

Kumulog ang langit at nag-umpisang umulan.

Sa pagkakatapak sa isang sanga ay bigla syang nadulas na nagdulot ng pagkatumba nya. Nagpagulong gulong sya pababa, yakap-yakap pa rin ang sanggol sa kanyang mga braso. Nanginginig ang buong katawan nya. Takot na takot sya. Pero ipinagpatuloy nya ang pagtakbo na akala mo ito na ang huli nyang pagkakataon para gawin ito.

Sa dulo ng kagubatan ay may naaninag syang liwanag. Malapit na sya sa mga bahay na naroon. Konting takbo pa. Panginoon bigyan nyo po ako ng lakas... ang mga katagang paulit ulit na umiikot sa kanyang isipan.

"Tulong!" sigaw nya, umaasa na kahit sa isang pares lang ng tenga ay mapansin siya.

Bawat kalabog sa pinto ay parang isang daang taon na ng kanyang buhay. Ang bilis ng tibok ng puso nya dahil sa takot at kaba.

Tumingin sya sa likod nya at mas lalong nagimbal matapos makita na papalapit na sila ng papalapit.

"Tulong! Parang awa nyo na tulungan nyo kami!"

Sa kabilang bahay ay may nagbukas ng ilaw. Nakita nya itong pag-asa kaya agad nya itong tinungo. Kinatok nya ang pinto. Kalabog, kalabog. At noong tuluyan itong bumukas, tila ba isang anghel sa paningin nya ang madre na nakaharap. Isang bahay ampunan ang nakatok nya.

"Hay naku jusko! Hija anong nangyari sayo?" napahawak ang matandang madre sa kanyang dibdib sa pagkakakita ng kalagayan nya. Basang-basa buhat ng malakas na pag-ulan, lutay-lutay ang mga damit at duguan.

Pinapapasok sya ng madre sa loob ngunit mabilis lamang syang umiling sabay abot ng bata sa kanya. Ngunit bago nya ito tuluyang iabot, hinalikan pa nya ito sa noo at niyakap ng napakahigpit. Patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Anong nangyayari? Bakit--"

Naguguluhan man ay walang nagawa ang madre kundi kunin ang bata sa mga kamay ng babae. Pabalik-balik ang tingin nito sa kagubatan na nasa likod nya at hindi nya mawari kung bakit ganun na lamang ang takot sa mga mata nito.

May tinanggal ang babae sa likod nya, isang itim na bag na may naglalaman na gitara. Sa malungkot na ngiti ng babae sa madre ay tila ba nauunawaan na nito ang ibig nitong ipahiwatig.

"Sister.. huwag nyo pong pababayaan ang anak ko ah? Parang awa nyo na po, iligtas nyo sya." At pagkatapos nito ay tumakbo na sya palayo. Ilang beses pang tinawag ng madre ang misteryosong babae ngunit tila bigla na lamang itong naglaho sa gitna ng kagubatan.

Sa may bisig nya ay ang sanggol na mahimbing pa rin na natutulog at ang gitara sa may tabi nya.


 Wistfulpromise © 2017-2018  


///


Author's Note: 

I started writing this way back in 2015 pero ngayon ko pa lang ipopost dahil ngayon lang medyo naging konkreto ang ideya ng kwento na ito sa utak ko. 

Hope you guys like it. Don't forget to leave your comments below and don't forget to vote and share. 

Happy New Year Listeners! Ole! 


- wistfulpromise

Isandaang Halik (Montealto Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon