May isang tao na nakalaan para sa atin, may isang tao tayo makilala sa buhay natin na kokompleto sa nararamdaman nating kulang, kahit pa sabihin natin na nasa atin na lahat ng yaman na nais natin, mga kaibigan na andyan sa tabi natin pag may kailangan tayo o kahit sa simpleng kasiyahan lang. career na pinag hirapan at minamahal. pamilyang naka'suporta sa lahat ng desisyon sa buhay, mapagmahal na magulang at mga kapatid. Pero sapat na nga ba ang lahat ng iyon? siguro nga, hindi tayo makokontento sa kung anong meron na tayo at patuloy tayong mag hahangad ng higit pa.
Wag din natin kalimutan na may kasabihang "we can't have the best of both worlds" dahil pag nagkataon na nasa atin na ang lahat. matututo ba tayong mag pasalamat sa munting bagay na meron tayo? Matututo ba tayong mag appreciate ng kung anung meron tayo? Hindi na din mauuso ang Sharing. Sabi nga ng isang kaibigan ko, Sharing is Caring, yan ang lagi niya sinasabi sa mga anak niya.
So, what's the point? Anu nga ba kasi ang gusto natin sa buhay? Anu nga ba ang bubuo sa atin?
Kaya ang tanong ,
What will make you happy?
What will make you complete ?
Lastly,
What will make you contented?
Para sa akin?
Hindi ko alam.
Sino ba ako? Ano nga bang gusto ko sa buhay ko? Anu nga ba makapag papasaya sa akin?
Simple lang naman talaga ang gusto ko. Dahil masasabi ko na kontento naman ako sa kung anung meron ako,
NOON
Sa ngayon,
Masaya naman ang pamilyang meron ako, hindi man kame madalas mag kasundo ng Ate ko ( hindi ko muna sasabihin kung bakit) madalas man wala ang kuya ko ( na hindi ko alam kung asan ba siya pumupunta ) madalas man mag away mga magulang ko, masasabi ko pa rin na maswerte ako. Bakit? Dahil nakaka'kaen kame tatlo hanggang apat na beses isang araw, nakakapag aral kame sa private school, nabibigay naman ang mga luho na gusto namin.
Mayroon din akong matatawag na totoong mga kaibigan. May mga ilan na nandyan lang pag may kailangan sayo o hindi naman kaya ay may pakinabang ka sakanila pero pag oras ng kagipitan, wag mo nang asahan pa na makikita mo sila o maka usap. Kaya siguro natuto akong itago kung sino ba talaga ako at kung anu ang gusto ko, dahil gusto ko matanggap nila ako, kahit pa iba na sa tunay na ako ang pinapakita at kinikilos ko, kaya nga din siguro, hindi ko na kilala kung sino ako.
Maayos naman ang pag aaral ko, para sa iba mataas na yun, pero para sa magulang ko, kulang pa un, kaya yung mga hindi alam ang sitwasyon ko, iisipin nila na mayabang ako pag sinasabi ko na "mababa pa nga yan eh" o hindi naman kaya eh " ang baba ng grades ko " kung ako lang tatanungin, kontento na ko sa grades ko. Masaya na ko sa 85 lalo na kung math ang usapan. haha! Pero pag sinasabi ng mga magulang ko na "bakit yan lang?" "wala na bang tataas pa dyan?" " nag aaral ka ba ng maayos?"
Ang sakit. sobra. nakaka'depress. May mga oras na naiisip ko na baka ampon lang ako, o hindi naman kaya eh hindi lang nila ako mahal. Haha! ma'drama pala ako, kaya pag naiisip ko un mga ganong bagay, umiiyak talaga ako, minsan hagulgol pa. haha! ang praning. Kaya siguro ganito ako ngayon,, hindi marunong makuntento sa simpleng bagay na lang. Dahil gusto ko lage ibigay ang best ko, para masabihan man lang ako ng magulang ko na "we're proud of you anak".
All in all maayos naman ang buhay ko, may mga problema man, ok lang, parte yun ng buhay, tanggap ko un, kasi hindi ako magiging matatag kung wala ang mga yun. Pero, mapag laro pala talaga ang tadhana ano? Yung akala ko na problemang malaki na, may mas malala pa pala doon, may mas malalaking problema pa pala akong haharapin. Hindi pa pala ako handa, hindi pa pala ako matatag. Nag sisimula pa lang pala ang laban ko.
Magiging masaya pa ba ako? Makukontento pa ba ako? Makokompleto pa ba ang kulang sa pagkatao ko? Sino nga ba ako?
Ako nga pala si Caitlyn Kate Garcia
BINABASA MO ANG
Caitlyn
Teen FictionAno nga ba ang basehan ng masayang buhay? ng contentment? sometimes or maye a lot of times,, tinatanong natin sarili natin kung anu ba makakapag pasaya sa atin. pamilya? kaibigan? career? lovelife? paano kung kailangan lang mamili? kasi "we can't...