#03 flashback

9 0 0
                                    

 10 years ago

January 20**

"tell me, what's wrong? Ano ba nagawa kong mali? May kulang pa ba? " pag mamakaawa ko kay Gabriel. Iyak na ako ng iyak. Mukha na akong tanga dito. Pero parang wala lang sa kanya na makita akong ganito.

"Please, Cait stop crying, wala din naman magagawa ang pag iyak mo. Ayoko na. ano ba ang mahirap intindihin doon?" naiinis na sabi niya sa akin. Nawala na yung tingin niya sa akin noon, na para bang ako lang ang nakikita niya,, na ako ang pinaka magandang nangyare sa buhay niya, wala na. wala na yung pag mamahal na kitang kita mo sa mga mata niya. Tapos na nga siguro kame para sa kanya, ayaw niya na sa akin.

Ang sakit.

Ang sakit sakit.. </3


Anu ba ang pag kukulang ko? Naging mabuting girlfriend naman ako sa kanya, hindi ko din naman siya sinakal sa relasyon namin, dahil nagagawa niya pa din naman lahat ng gusto niya, okay naman siya sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung anung mali.


"may iba ka na ba?"

Ayoko man itanong yun, pero wala na akong maisip na ibang dahilan para iwan niya ko ng ganito.

At hindi ko akalin na sa isang salita na yun, guguho ang mundo ko.

"Oo" at naglakad na siya palayo sa akin, umaasa ako na lilingon siya, sinyales na mahal niya pa din ako. Pero mas lalo lang nadurog ang puso ko ng makita ko na may nag aantay pala sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa nila sa akin ito.

---------

"bessie, tama na yan, ilang araw ka ng ganyan,, nag aalala na kame sayo. Pati sila tita hindi na alam kung ano gagawin sayo"

'ano bang mali ko? Sinubukan ko naman eh ginawa ko naman un lahat bessie. Pero bakit? Bakit niya pa din ako iniwan at pinag palit sa iba?'

Ilang araw na akong ganito, simula nung araw na iniwan niya ako, parang nawalan din ako ng buhay, totoo pala na pag nasaktan ka ng sobra sobra, pakiramdam mo, mamamatay ka na, yung pakiramdam na walang kahit na sino ang makakapag patahan sayo maliban na lang sa taong dahilan ng sakit na nararamdaman mo. Nakakabaliw ang sobrang sakit. Kahit sa maliliit na bagay na nakakapag paalaala sakanya at sa lahat ng mga pinag samahan niyo eh maiiyak ka na lang. ngingiti ka, pagkatapos iiyak nanaman, para na akong baliw. Ayoko na, gusto ko na sumuko.

Bessie! Ayoko na! suko na ako. Sasama ka sa akin sa mall today! Hindi ko na gusto yang ginagawa mo. Anu ka ba naman? Hindi lang siya ang lalaki sa mundo no! kawalan niya ang ginawa niya sayo at hindi mo kawalan yun. Tama na ang pag kawawa mo sa sarili mo. Litanya sa akin ni bessie, habang hinahatak ako patayo ng kama.

Alam ko naman un bessie eh.. pero masisisi mo ba ako? Akala ko kame talaga hanggang sa huli eh. Naalala mo nung nakipag hiwalay ako sakanya noon?

*flashback*

Pinapunta ko ngayon dito sa bahay si Gabriel dahil may kailangan ako sabihin sa kanya. Nung una ayaw niya pa pumunta dahil may game daw siya, pero sinabi ko na importante ang pag uusapan namin.

Ayoko na Gabriel, itigil na natin ito. Naiintindihan naman kita eh. Pero kasi parang hindi mo na ako pinapahalagahan. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya, dahil nasasaktan din ako sa ginagawa ko.

Lagi na lang kasi ako nag tatampo sakanya sa kawalan niya ng panahon para sa akin, wala naman problema kung mag spend siya ng time sa mga barkada niya, dahil ganoon din naman ako, pero pag dating sa pag babasketball niya, wala na ako laban pa.

CaitlynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon