Chapter 6

665 23 4
                                    


A/N:  I've read your messages  in my message board thru my gmail account. sorry for the long wait. busy sa school. Thesis is on it's way so sorry po talaga sa late updates. 


Chapter 6

"anjan na siya" nakangiting sabi ni Trina saakin kaya napalingon ako sa tinuturo niya

Ayan na pala si Kevin.

I sip my frappe habang hinihintay na maka park ng car si Kevin

Bago bumyahe, dapat pala nag pa late pa ako ng kaunti almost 30 minutes din kami nag hintay ni Trina sakanya. Ang dami na nga naming napag-usapang dalawa

"Bakit ang tagal niya namang bumaba?" nag tatakang tanong ni Trina, 5 minutes na ang nakalipas ng ipark ni John Jevin ang sasakyan niya pero hindi pa bumaba, if I know nag papa-ggwapo pa yan para kay Trina

"Wait Trina, lalalpitan ko na dito ka lang"

Kinuha ko ang kaka order ko lang na kape para sakanya, nasanay na kasi akong binbigyan siya ng kape. Diba ang thoughtful ko na kaibigan

Ngayon ko lang napansin na sobra palang tintend talaga pala ang salamin ng kotse niyang ito

Naka full smile pa ako habang lumalakad papalapit sa kotse niya, Sureness kasi na nagpapagwapo pa siya para kay Trina eh hahahaha

Nang makalapit ako I knocked on his window, mga naka tatlong katok ako bago niya ibinaba ang window

"John Kevin naman grabeng tagal mo ha, dapat pala nag pa late ako ng kaunti. Ako kaya ang pinaka unang dumating dito" agad akong nag reklamo pag kakita ko sakanya habang siya naman pangiti-ngiti lang

"Sorry na, ang tagal gisingin nitong kaibigan ko e.. sayo siya sasabay ha! Sinabi ko na kay Jao"

Ay oo nga pala.

Awtomatikong nabaling ang atensyon ko sa front seat, naka baseball cap ang kasama nya kaya hindi ko mahagilap ang kanyang mukha pero lalaki

"mabuti pumayag si Jao, alam mo naman yun OA, mas OA sayo" pang aasar ko sakanya

"hehehe.. ako pa"

"bakit di pa kayo bumababa? Tara na let's go. Si Trina naiinip na duon ito pala kape mo!" muntik ko ng makalimutang iabot skaanya yung kapi niya

"kaya mahal kita eh, thanks sa coffee. Baba muna ako tumabi ka jan, kakausapin ko lang si Trina"

"okay go ahead"

Sabi ko sabay usog ng kaunti para maka labas siya ng kotse niya

Ang awkward naman, si Kuyang nasa front seat kasi hindi man lang tumitingin sakin, straight lang sa kung saan siya nakatingin.

"ah.. excuse me, hello.. I'm Mikky, sakin ka sasabay pa Batangas"

Friendly na pagkasabi ko pero parang wala siyang balak na sagutin ako

Siguro shy type itong friend ni John Kevin

Nakita kong pabalik na si Kevin kasama si Trina, si Kuya naman ayaw pa atang bumaba.

Baka sakin na sasabay si Trina? Mas okay kung ganon

"oh Mikky let's go?"

Lumingon ako kay John Kevin

"sure, sakin ba sasabay si Trina?" tanong ko pero nag tinginan lang silang dalawa ni Trina

"no, Trina's going wih me" sagot sakin ni John Kevin

"pero...." Sabay nguso ko sa taong nasa loob ng kotse niya

"hoy pare bumaba ka na jan, aalis na tayo"

Lumapit ako kay John Kevin at pabulong kong tinanong

"mahiyain ba yang kaibigan mo?"

Napangiti lang siya sa tanong ko

"hindi yan mahiyain, walang hiya yan... Para bumaba kana jan"

Uminom ulit ako ng frappe ko dahil nauhaw nanaman ako pero narinig ko ang pag bukas-sara ng pinto ng kotse ni John Kevin

"Sakay kana Trina"

Nabatukan ko wala sa oras si John Kevin sa narinig ko

"aray! Para saan yun?"

"wow Kevs, ang gentleman mo talaga, pag buksan mo ng pinto si Trina!" sabi ko

Saka ko lang napansin ang mabagal nap ag lalad ng lalaking kasama ni John kevin

Unti-unti siyang nag lakad papalapit saakin

Hindi ko ma aninag ang mukha niya dahil sa baseball cap niya

Pero...

"Chino yung gamit mo iniwan mo!"

May ibinatong bag si John Kevin sa may side ng lalaking nag lalakdpapalapit saakin

Napatingin ako kay Kevin

Ano sabi niya?

He smiled widely at me

"Mikky, siya nalang ipag drive mo, baka mapano ka pa"

Saktong pag sabi niya nuon, huminto sa harapan ko ang lalaki at inabot ang kamay,

Kukunin niya ang susi?

Wala namang pasabing naibigay ko ang susi ng kotse ko

"let's go"

Parang kilala ko ang boses niya...

Pero bago ko pa Makita ang mukha niya tumalikod na siya

"k-kuya sandali po."

Hinabol ko siya

"kuya waiiiitttsss" sabi ko pa,

Bawala pa akong tumakbo. Dahil sa operasyon.

Tumigil naman siya at buti naman naabutan ko

Napahawak pa ako sa balikat niya ng wala sa oras dahil hawak ko pa ang frappe ko sa ia kong kamay

"hay. Napagod ako dun ha. Kuya ayon yung kotse ko"

Sabi ko sabay turo sa 4x4 ford car ko.

"sige"

Parang narinig ko na talaga ang boses njya somewhere

I want to hold his shoulders again para lumingon siya

Pero ang weird naman kung gagawin ko iyon

Everytime na lumuluwag yung cap sa ulo niya hahawakan niya iyon

Pero nung binubuksan niya na yung pinto....

"Chino ang tagal niyo naman gagabihin tayo niyan makauwi eh"

Napatigil ako sap ag lalakad at tinignan ang lalaking bumubukas ng pintuan ng kotse ko

"don't shout on me Kevin.."

Napalunok ako at naka tayo parin sa kung saan man ako natigil

Tinignan ko ng maigi ang lalaking nasa harapan ko

Saktong lumingon siya sakin...

"Mikky, tara na"

Hindi ko alam kung ao mararamdaman ko ng Makita ko ang mukha niya

Walang emotions

Blanko

Cold

"Chino...." Yan na lang ang lumbas sa bibig ko at naramdaman kong biglang parang uminit ang mata ko

Parang any minute may luhang tuutlo.

Para saan ang Luha ha Mikky?


The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon