HABANG naglalakad papuntang sakayan, hindi mapakali si Louella.
Bakit? Anong nangyayari? Ano 'to? Gusto niya mang malaman ang mga sagot, pero nakakatakot. Kanina pa niya pinapakiramdaman ang mood ni Venger. Tahimik lang ito.
Pareho ang daan nila pauwi. Mas mauuna lang bumaba si Venger sa kanya, dahil mas malapit ang bahay nito. Araw-araw niya itong nakakasabay, pero parang 'di rin sila magkakilala dahil hindi naman sila nagkikibuan. Duda niya pa nga kung aware ba ito sa presensya niya sa loob ng bus.
Napabuntong-hininga siya. Hindi na niya kayang makasama ito. Ramdam na niya ang malalaking butil ng pawis na umaagos mula sa ulo niya. Ang awkward na para sa kanya. Kailangan niya ng escape plan.
"Ahm, sige. Dito na ko." Akmang liliko siya sa isang eskinita.
"Saan ka?" kunot-noong tanong nito.
"Ah, dito." Turo niya sa madilim na eskinitang hindi niya alam kung saan papunta.
"Pareho lang tayo ng daan, diba?"
Shit. Alam niya pala. "Ahm, m-may dadaanan pa ako." palusot niya.
Napatingin ito sa madilim na eskinita. "Saan?"
"S-sa... teka, ba't mo ba tinatanong?"
Ano nga bang pakialam nito? Hindi sila ganoon ka-close para magtanungan ng mga ganap sa buhay nila.
"A-ayoko pa sanang umuwi," malungkot na sagot nito.
Tsk. This is bad. Naisaloob ni Louella.
"Samahan na kita." biglang offer nito.
"H-hindi na." kandautal niyang pigil.
"Tara."
Nauna na itong pumasok sa eskinita. Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi naman talaga siya papasok sa eskinitang iyon dahil una sa lahat, hindi niya alam kung saan papunta iyon. Pangalawa, hihintayin niya lang namang makasakay si Venger sa unang bus, saka siya maghihintay ng panibagong bus.
"Ahm, sandali!" Hindi na gumagana ang utak niya. "Nagbago na isip ko. Uuwi na ako."
Nilingon siya nito ng may nagtatanong na mga mata.
"Tara." Nagpatiuna na siya.
Wala na talaga siyang maisip na eskapo. Uuwi nalang siya. Mauuna naman itong bababa. Makakahinga rin siya ng maayos mamaya.
> > > > >
EARPHONES at Pocketbook ang palaging kasama ni Louella sa bus, at kadalasan, sa pinakalikod siya uupo, sa tabi ng bintana. Si Venger naman ay doon malapit sa pintuan ng bus uupo, minsan nakatayo ito kapag punu-an.
Pero ng sandaling iyon, biglang nag-bago ang setup nila. Dahil medyo gabi na, mas marami na ang pasahero. Gitgitan na sa loob ng bus.
Naunang umakyat si Venger, sumunod si Louella. Nanlumo si Louella dahil wala ng bakanteng upuan sa likod. Nasa proper seat naman si Venger, prenteng nakaupo.
Mayamaya ay tumayo ito. "Upo ka."
"Hindi na. Okay lang ako."
"Upo." ma-awtoridad na sabi nito.
Napaupo nalang siya. Gentleman din pala.
Napangisi ang matandang babae na katabi niya at binulungan siya. "Ang swerte mo, hija."
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...